Special chapter 7

144K 2.9K 181
                                    

Ally's POV

Nakangiti ako habang nakatutok ang mga mata ko sa pinapanood namin na Pelikula. Kasama ko si Dianne at Jeanette ngayong araw ng Biyernes.

"Hoy Allyson!"

"Aray!" Nilingon ko si Dianne na nakatingin sakin. Habang kumakain ng Mani na binabalatan.

"Kung hindi ka pa babatuhin ng balat ng mani hindi ka pa babalik sa pagiging Normal mo." Iritang sabi sakin ni Dianne.

Sumimangot ako. "Ano ba kasi yon?! May iniisip kasi ako eh, istorbo ka."

"Para kang Lukaret dyan eh, horror movie ang pinapanood natin pero itsura mo para kang nanonood ng Romcom."

"Kesa naman dyan sa katabi mo! Tingnan mo daig pa humithit ng Katol at solvet eh. Tama ba yang ginagawa niya. Pagkatapos balatan ang mani. Ilalagay sa gatas eww!" Sabi ko pa.

Sabay naming nilingon si Jeanette na abalang-abala sa pagtatanggal ng balat ng mani. Napangiwi kaming dalawa ni Dianne. Napansin naman yon ni Jeannette kaya nagalit siya samin.

"Anong problema nyo? Kanya-kanya tayo ng Trip! Wag kang mag-alala Allyson. Babayaran ko lahat ng pinambili mo ng Mani."

"Wala naman akong sinasabi galit kana agad dyan! Teka bakit bigla-bigla yata ang pagkain mo ng Mani? Diba dati hindi ka kumakain ng mani kasi magkaka pimples ka. Bakit ngayon hinahalo mo pa sa gatas?"

Tapos bigla kaming nagkatinginan ni Dianne. Nanlaki ang mata namin pareho ng may naisip kaming dalawa.

"HINDI KAYA BUNTIS KA!" Sabay pa naming sabi ni Dianne.

Tumaas ang kilay niya. "Grabe? Hindi makapaniwala? Ano kayo lang ang may karapatang mabuntis? May Matris din ako Imported pa. Buntis na ako two months."

"Oh my Gosh! Babae kana! Babae ka na talaga Jeannette!" Patalon-talon pa si Dianne.

"TSE! Akala mo sakin bakla. Peste ka talaga Dianne."

"Wag mong awayin si Dianne baka maging kamukha ng anak mo si Dianne." Sabi ko.

Ngumiti si Dianne. "Naku kapag ako ang naging kamukha ng anak mo. Sobrang ganda nyan! Pang Dyosa ang Beauty."

"Maganda nga may Saltik naman. Wag na lang!" Sagot ni Jeannette.

"Anong sabi mo? Sabunutan kita dyan eh!" Inis na sagot ni Dianne.

Napatawa na lang ako sa sinabi nila. Para kasi silang aso at pusang dalawa. Laging may kontra sa isa't-isa.

"Wag mo ng awayin ang buntis Dianne." Lumingon ako kay Jeannette. "Congrats! I'm happy for you Jeannette. Sana baby boy na  agad yan."

Ngumiti si Jeannette. "Tumpak Ally baby boy talaga ito."

"Paano mo nalaman? Wag mong sabihin nakikita agad yan sa ultrasound?" React ni Dianne.

"Gaga! Tumigil ka nga Dianne!" May kung ano siyang dinukot sa bag niya tapos inilapag niya sa harap namin ni Dianne.

"Para saan ito?" Tanong ko.

"Para sa pag-unlad ng bansang pilipinas." Sagot niya.

Matalim ko siyang tinitigan. "Jeannette!"

"Syempre dyan mo malalaman kung girl or boy ang baby mo sa Calendar Baby."

Kinuha ko yon at tiningnan. "Paano ko malalaman na Baby girl ang Anak ko?" Tanong ko sa kanya. Curious kasi ako sa calendar Baby na yon. Gusto kong malaman kung kelan kami magkababy girl ulit ni Frits. Excited na kasi yon sa baby girl.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 2 (Published Under Psicom)Where stories live. Discover now