chapter 113

225K 6.1K 487
                                    

Frits's pov;

Nakangisi ako habang pinapanood si ally na lumabas ng room ko. Natutuwa ako sa nangyayari ngayon. Dahil pagkakataon ko naman para maiparamdam sa kanya ang sakit na naranasan ko dati. Gusto kong sukatin kung hanggang saan nya kayang ipaglaban ang pagmamahal nya sa'kin. Gusto ko naman na ako yung sinusuyo at hinahabol. Ganon naman s'ya dati noong inlove na inlove s'ya sa'kin. S'ya ang humahabol at ako ang pakipot. . Sa hirap ng pinagdaanan ko. Siguro naman deserve kong gawin 'yon ni Ally sa'kin,





"Maaga akong uuwi mamaya sa bahay. Doon sa bahay ng parents ko. Na mimiss ko na ang especial mong adobo. Can you cook for me? Huh! Wife ko.." yon ang huling salita ko sa kanya bago s'ya tuluyang umalis. At i'm sure. Hindi na 'yon. Magkanda ugaga sa pagluluto ng masarap na adobo. Ang hindi nya alam may iba akong plano don,






12:00 Am:

Nang iparada ko ang kotse ko sa loob ng mansyon namin. Nakangiti ako dahil siguradong umiiyak sa galit si Ally ngayon. Sinadya kong wag umuwi ng maaga. At sinadya kong patayin ang cellphone ko. Upang hindi nya ako matawagan. Pagbukas ko ng pintuan. Nakita ko agad si Ally na nakaupo sa sopa. Habang nakapikit.



"Siguradong galit na s'ya!"bulong ko.




Binuksan ko ang ilaw. dahilan para magising si Ally. Nang makita nya ako. Bigla s'yang lumapit sa'kin. At bigla nya akong niyakap.




"Thanks God. At ligtas ka! Akala ko kung ano nang nangyayari sa'yo. Hindi ko kasi matawagan ang cellphone mo. First time na mangyaring nakapatay ang cellphone mo eh." Paliwanag ni Ally sakin habang ang palad nya ay nakahawak sa mukha ko. Bakas sa kanya ang matinding pag-aalala sa'kin.







H-hindi ka ba? Nagagalit sa'kin? Wife ko?"takang tanong ko.


Hindi kasi ganito ang ini-expect kong mangyayari. Ang gusto ko. dapat pangbungad nya sa'kin. Dapat galit na galit s'ya sakin dahil pinag antay ko s'ya ng matagal at umiiyak sa sobrang sama ng loob sa'kin. Ganon ang gusto kong madadatnan ko ngayon, Pero hindi ganon.. nagmukha tuloy akong masamang tao sa naging reaksyon nya sa'kin,



Ngumiti s'ya sa'kin. Habang nakatitig. "Bakit naman ako magagalit? Ang mahalaga ligtas kang nakauwi husbie ko."


Ewan ko ba. Pakiramdam ko bigla akong namula.
"P-pero diba? Sabi ko sayo. Aagahan ko sa pag uuwi. Kaya akala ko magtatampo ka sa'kin."




Umilling s'ya. "Mas masarap ang adobo habang tumatagal. Hindi ako galit. Wag ka ng mag explain sa'kin naiintindihan kita. Tayo na! kumain kana. Ipaghahanda kita ng pagkain."



"Sobrang pagod na ako Ally. next time na lang. Okay lang ba?"



"Husbie... kumain ka muna kahit konti. Masamang matulog ng gutom."



Hindi ko s'ya pinansin. Nagdiretso ako sa master bedroom. Upang matulog. Hahayaan ko lang na masayang ang effort nya sa pagluluto ng adobo at pag aantay nya sa'kin. Huhubarin ko na sana ang damit ko. Ng pigilan ako ni Ally,



"Husbie ako na ang magtatanggal ng damit mo. Maupo kana muna at huhubarin ko ang suot mong damit. Alam kong pagod na pagod kana eh."



Hindi ako kumibo. Pero sinunod ko ang gusto nya. Umupo ako sa kama namin. At pinapanood ko s'yang tinatanggal ang damit ko. Sapatos..medyas gayundin ang pantalon ko. Pagkatapos binigyan nya ako ng damit na suuotin.




"Magpahinga kana muna ng kaunti husbie bago ka maghalfbath."sabi pa nya sa'kin,




Nainis akong humarap sa kanya. "ALLY!! Wag mo akong sanayin na ganito. Kaya ko ang sarili ko. Sanay na akong asikasuhin ang sarili ko. . Nasanay na ako simula ng iwan mo ako."tapos tumalikod ako sa kanya. At humiga saglit sa kama. Naiwang nakatayo si Ally at nakayuko.



MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 2 (Published Under Psicom)Where stories live. Discover now