chapter 135

182K 4.5K 376
                                    

Frit's POV

Bumangon ako upang kumuha ng malamig na tubig. Nanaginip na naman ako. At palaging nasa panaginip ko ang Personal Maid namin na si Allyson. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Pero may nag uudyok sakin na kailangan ko syang makita. Kung kaya't pagkatapos kong uminom ng tubig nag tungo ako sa silid nya. alam na alam ko kung nasaan nakagay ang susi ng silid ng Maid namin kahit nga ngayon lang ako papasok don. Hindi ko kasi mapigilan ang sarili ko na hindi sya makita. Kaya naman ng makapasok ako sa loob ng silid nya. Napalunok ako sa itsura nya. Ang sexy kasi nya sa suot nyang pantulog. Nakaramdam ako ng init ng katawan lalo ng mapadako ang tingin ko sa makipot nyang labi. Parang may pakiramdam ako na naramdaman ko na ang mga labi nya dati. "Sino ka ba Allyson sa buhay ko?bakit kamukha ko ang mga Anak mo?"bulong ko habang pinagmamasdan ko sya. pilit akong nag hahanap ng sagot sa mga tanong ko. Inikot ko ang buong paligid baka sakaling may makita akong makakapag paa-alala sakin ng nakaraan. Ngunit inikot ko ng tingin ang buong paligid ngunit wala akong nakita. binuksan ko ang drawer nya at doon may nakita akong nakabaliktad na picture frame kinuha ko iyon at tiningnan. Lumakas ang kabog ng dibdib ko ng makita ko ang nasa picture frame. "Wife ko.. bulong ko. Hindi ko alam kung bakit nabigkas ko iyon. Lumapit ako ng kaunti sa kanya at yumuko ako at dinampian ko sya ng halik. Pagkatapos. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang nakalapat ang labi ko sa labi nya. Hanggang sa tumabi ako sa higaan nya at niyakap ko sya. gumaan ang pakiramdam ko sa ginawa ko. kaya naman hindi ko napigilan na ipikit ang mga mata ko habang yakap-yakap ko sya.

"Young Master! young master!" Naririnig kong tawag sakin. Pilit kong iminumulat ang mga mata ko. mula sa malabong Aura
Nakita ko ang bulto ni Allyson na nakangiti kaya naman pilit kong ginising ang diwa ko. "Goodmorning wife ko.." nakangiti kong sabi.

Nakita ko kung paano natulala si Allyson sa sinabi ko. "Bakit ka natulala d'yan? Ha! Wife ko? Hindi ba kita pwedeng tawagin na wife ko?"inis kong sabi.

"A-ahh- H-hindi po Young master. Gusto ko nga po yun."pautal-utal nyang sabi.

Tumayo ako sa pagkakahiga. At lumapit sa kanya. Tinitigan ko sya at bigla ko syang niyakap. Nakatayo lang sya at hindi gumagalaw. Nakapikit ako sa balikat nya. "Hindi kita maalala.. pero nakita ko ang Larawan natin na ikinasal. Alam kong may malaki kang part sa buhay ko at nararamdaman ko iyon. Hayaan mo akong hanapin ang sarili ko Ally.. tulungan mo ako."

"Sige po Young master.."sagot nya sa garalgal nyang boses.

"Good, Tara na lumabas na tayo. Nakapagluto kana ba?"tanong ko sa kanya.

Pinahid ni Ally ang basang mata nya bago muling ngumiti at nag salita. "Sige po young master. sumunod po kayo sakin!" Nagpatianod ako sa kanya habang patungo kami sa kusina. Pagbaba namin naroon ang kambal na anak ni Ally na kamukha ko. nag paunahan ang dalawang tumakbo palapit sakin.

"DADDY!!!!"tuwang-tuwang sigaw ng batang babae.

Lumuhod ako at niyakap ko sya.
"Goodmorning din baby."

Tiningnan ako ng batang babae. "Daddy, magaling ka na?"tanong nya.

Tumango ako at hinalikan ko pa ang pisngi nya. "Magaling naman si Daddy. Wala naman akong sakit."

"Sabi kasi ni lolo at lola at si Mommy. May sakit ka daw. Kaya sabi nila dapat good girl daw po ako."ani ng inosenteng bata na si jhoace.

"Jhoace! Quite!"sita ng kakambal na si John Ace. Lumapit sya sakin at nakasimangot na tumingin sya sakin. "Pakibaba nga po ng kapatid ko young master."ani ng batang si john Ace.

Gusto kong matawa sa pinakitang ugali ni john Ace dahil ganyan na ganyan talaga ang ugali nya noong bata pa sya. Malakas ang kutob kong mga anak ko sila. Nararamdaman ko iyon. Tumango ako at sinunod ang batang lalaki. "Kuya john Ace..."mangiyak-ngiyak na sambit ng batang babae sa pangalan nya.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 2 (Published Under Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon