chapter 127

174K 4.1K 43
                                    


Ally's POV

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang magkahawak kamay kami ni Frits. Patungo sa office ni daddy paul. Kanina kasing umaga. Tinawagan nya ako at kailangan ko daw pumunta sa office nya. Kasama ang husbie ko kailangan ko daw dalhin ang mga naiwang mga document ng parents ko. Kasama ang mga ibinigay ng Abogado naming si atty,mendez. Punong-puno ako ng pag tataka. Ngunit inipon ko muna iyon. Mamaya ko na lang siguro tatanungin kay daddy paul.

"Are you alright wife ko?"tanong sakin ni frits.  Nakangiti syang nakatingin sakin.

"Yeah!"tipid kong sagot.

"Are you sure?nilalamig kasi ang kamay mo?"

"Oo. Medyo napapaisip lang ako sa pagpunta nating dito'ng dalawa. Hindi ko maiwasang hindi mag isip ng kung ano-ano."

Binitawan nya ang kamay ko. At hinapit ang bewang ko. At humarap sya sakin. Mabilis nya akong dinampian ng halik sa labi. "Wife ko, alalahanin mo. Kasama mo ako okay! Ano man ang dahilan ni dad, sa pag papapunta nya sa'tin dito. Tandaan mo! Palagi akong nasa tabi mo at hinding-hindi kita pababayaan."

Napakunoot ang noo ko. Sa sinasabi ni Frits. Parang may alam sya na hindi ko pa alam.
Mas lalo tuloy akong nakaramdam ng matinding kaba. "May alam ba akong hindi mo sinasabi sakin ha! Husbie ko?"

Umiwas sya sa'kin ng tingin. "Let's go! Puntahan na natin si dad." Muli nyang hinawakan ang kamay ko at nag umpisa na syang maglakad. Sumunod na lang ako. Wala na kaming imik dalawa hanggang sa makarating kami sa tapat ng office ni daddy paul. Agad na pinihit ni Frits ang seradura ng pintuan at agad kaming pumasok sa loob ng offie ni daddy paul. Pagpasok namin do'n. Napansin ko ang Abogado ng mga Santiago sa tabi ni daddy paul.

"Hello po daddy paul."niyakap ko pa sya tanda ng pag galang.

"Ally anak. Maupo ka!"sagot nya.

Magkatabi kaming umupo ni frits. Magkahawak parin kami ng kamay.

"Dala mo ba ang mga document ng parents mo?"muling tanong nya.

Tumango ako. At inilabas ko mula sa bag kong dala ang mga document. At ibinigay ko kay daddy paul. Nakatingin ako kay daddy paul at do'n sa abogado nila. Habang sinusuri nilang maigi ang mga document nila daddy. Lalo na ang huling sulat ni daddy sakin. Makailang beses nilang sinuri yon. Mas lalo akong kinabahan. hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko may malalaman ako ngayon.

Nakita ko ang pagtagis ng mga bagag ni daddy paul. At ang ilang beses na pagbuntong hininga nya. Napalingo ako ng makita ko si frits. Galit din ito. Habang nakatingin sa mga papeles na hawak nila. Gusto kong magtanong kaya lang baka. Hindi maging maganda ang kalabasan ng pagtatanong ko. Magalit pa sila sakin. Hihintayin ko na lang ang sasabihin nila sakin. kahit na nga gulong gulo na ako.

"Allyson!"

Napaigtad ako ng tawagin ni daddy paul ang pangalan ko.

"P-po?"

Tinitigan ako ni daddy paul. Halata sa mga mata nito ang pag-aalala. Humugot muna sya ng malalim na paghinga Bago muling nagsalita.

"Lahat ng hawak mong document. Peke!"

Parang nakaramdam ako ng pagyanig ng paligid ko. Hanggang sa hindi ko na namalayan ang pagpatak ng luha ko. Nangangatal at nanginginig ang katawan ko. "A-ano P-po A-ang ibig nyong sabihin daddy paul?"nauutal kong tanong.

"Wala kang hawak na original documents ng mga ari-arian nyo.kahit pa 'yang huling sulat ng parents mo bago sila pinatay!"

"PINATAY?" Tama ba ang narinig ko pinatay sila daddy at mommy?"

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 2 (Published Under Psicom)Where stories live. Discover now