chapter 109

203K 5K 95
                                    


Ally's POV

Maingat kong tinitiklop ang mga damit ng kambal ko. Habang si tita Sheena naman ay nilalaro ang mga bata. Patingin-tingin ako kay tita.dahil may nais akong sabihin sa kanya. Kaya lang nahihiya akong magtanong.

"Ally, Ano bang itatanong mo sa'kin? Or may gusto ka bang sabihin?"puna nya sa'kin. Napansin nya siguro na patingin-tingin ako sa kanya.

Sandali kong inihinto ang ginagawa ko.at tumingin ako sa kanya.

"Ahmm.. kasi Tita Sheena, si Frecy ilang araw ko ng hindi nakikita. namiss ko na si Bakla. Nasaan po ba s'ya?"tanong ko.

"Ah- K-kasi, umuwi na muna si Frecy sa mga kapatid nya sa korea."sagot ni tita sa'kin,

"Ah, ganon po ba? Aish! Hindi man lang nagpaalam sa'kin O kahit sa mga bata. May konting inihanda pa naman ako mamaya para sa huling gabi namin dito sa amerika tapos wala naman s'ya. "Malungkot ko'ng sabi,

"Okay lang yon. Ally! Mamaya tatawagan ko s'ya malay mo makarating s'ya ng Amerika agad."

Bahagya ako'ng tumawa kay tita. Para namang kasing ganon kadali yon. Ano 'yon. Parang laguna to manila lang ang layo? Pwedeng makarating agad,

"Tita talaga! Comedy. Ahm, tita salamat sa pagtulong mo sa'kin pati na sa mga kambal ko. Tatanawin ko po itong malaking utang na loob sa buong buhay ko. sagot ko.

Lumapit sa'kin si Tita Sheena. Walang anuman 'yon, basta kapag kailangan mo ng tulong. Tawagan mo lang ako ha!"

Tumango ako. "Salamat po tita!"

"Babalik ka na ba sa bahay ng mga Santiago pag uwi nyo ng pilipinas?"

Umiling ako."Hindi po tita. Doon po ako mag iistay sa dati naming bahay." Noong eighteen birthday ko kasi. Iniregalo sa'kin ng daddy ni Frits ang dating bahay namin. Binili ng daddy nya sa bangko ang bahay namin dati.

"Pano ang mga bata? magtatrabaho ka ba doon?"

Tumango ako."Kailangan po tita para mabuhay ko ang mga anak ko. Ayoko namang umasa sa parents ni Frits. Isa pa. Hindi ko alam kung tatanggapin pa ako ng asawa ko. Pagkatapos ng lahat ng ginawa ko sa kanya."

"Siguradong tatanggapin ka nya. Tiningnan nya ang kambal."Kapag nakita nya ang kambal nyo siguradong matutuwa 'yon. Kamukhang-kamukha nya e, wala man lang nakuha sa'yo. Pati dimples ng daddy nila xerox copy."

Pinagmasdan ko ang kambal ko. Habang naglalaro. At napangiti ako. hinding-hindi maiikakaila na isa silang Santiago. Dahil noong pinagbubuntis ko ang kambal si Frits na ang Pinaglilihian ko noon, kaya ng iluwal ko ang kambal. Walang dudang si Frits ang ama.

"Mommy! Si kuya J.A po oh! Ang daya-daya!" Lumapit sa kanya ang bunsong nyang babae ng si jhoace,

Kinarga ko si jhoace at kinalong ko sa hita ko. "Bakit? Anong ginawa sayo ni Kuya John Ace mo?"

She pouted "Mommy nag jack N poy po kami. Yung sakin Paper. Si kuya J.A Nail. Daw po. Diba? Mommy wala namang nail sa jack n poy? Ang daya-daya ni kuya Mommy."

Tumingin ako sa anak kong panganay na si john Ace. Nakaupo lang ito sa isang tabi. Habang naglalaro. Aish! Manang-mana talaga si John Ace sa daddy nya. Napakasungit at suplado. Madalas tahimik si john Ace. At ayaw makipag usap O makipaglaro sa kapatid nya. Bihira din ito ngumiti tulad ng daddy nya.

"John Ace, Mag sorry ka sa kapatid mo! Bad 'yon diba?"

Nakasimangot na tumingin sakin si john Ace, "Mommy, wala namang rules na hindi pwedeng gumamit ng ibang bagay maliban sa scissor. Paper.stone."

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 2 (Published Under Psicom)Where stories live. Discover now