chapter 111

213K 5.1K 145
                                    

Nagising ako sa ingay sa labas ng kwarto. Tumayo akong upang malaman kung anong ingay iyon.

"Yaya lorna!!"sigaw ko habang pababa ako ng hagdan. Si yaya lorna at ang dalawang katulong namin ang naging bantay ng bahay namin mula ng iregalo sa'kin ang bahay ng daddy ni frits,

"Yaya!!"ulit ko. Ngunit walang yaya ang tumutugon sa'kin. Ng tuluyan akong nakababa muli kong narinig ang ingay na nagmumula sa kusina. . Napangiti ako ng makilala ko ang kung sino ang naroon. Ang kambal kong anak.

"Daddy! Let me handle this. I can do that!"narinig kong sabi ng anak kong si jhoace.

Lumapit ako sa kanila. Niyakap ko ang kambal kong anak At pinugpog ng halik. Isang buong araw yata kaming hindi nagkasama ng mga anak ko

"Mommy! I missed you!"sabi pa ni jhoace.

Hinalik-halikan ko ang anak ko. Pinanggigilan ko silang dalawa. Habang si john Ace. Wala man lang kareaksyon. Hindi talaga sa'kin sweet ang anak kong lalaki.

Nakatingin sa'kin si jhoace habang yakap-yakap ko s'ya.

"Mommy you kiss me? Because you love me. Right!"

Muli ko s'yang hinalikan. "Yes, baby i love you very much. I love your kuya too."

Jhoace frowned." Are sure?"

Marahan kong pinisil-pisil ang mukha ng anak kong si jhoace.
Tapos ngumiti ako sa kanya

"Bakit naman baby?"

"Do you love daddy?"tanong ni jhoace.

Natahimik ako. At nilingon ko ang kinaroroonan ni Frits. Bigla ang pag-iwas ko ng tingin ng magtama ang mga mata namin.

"Kanina pa nya pinapanood ang usapan naming mag nanay?

"Mahal mo ba si daddy? Mommy?"muling tanong ng nya.

"O-ofcourse I-i L-love your D-daddy. Bakit mo naman naitanong yan anak?" Sagot ko. Halos mautal-utal na ako sa pagsasalita. Buti na lang bata ang kausap ko. hindi nya alam kung ano ang itsura ko ngayon. habang sinasabi ko 'yon. Kulang na lang magkulay kamatis na ako. Dahil sa hiya. Lalo na't alam kong nakikinig at pinagmamasdan kami ni frits,

Ngumiti si Jhoace at tumakbo palapit kay Frits. Sinundan ko s'ya ng tingin at nakita ko ang anak kong si jhoace. Hila-hila ang kanang kamay ni Frits. Habang pinipilit na palapitin sa'kin. Jusko! Ang batang ito. Kung alam lang nya ang ginagawa nya. Baka mapalo ko sya sa pwet.

"Come daddy. Mommy will kiss you. Because she love you too.."ani jhoace habang hila-hila ang daddy nya papunta sa'kin,

"Baby jhoace, ayaw ni mommy mo na lumapit ako sa kanya!" Sagot ni frits,

Napataas ang kilay ko ng tumingin s'ya sa'kin. "Ang abno na'to, sinisiraan pa ako sa mga anak ko!"

Sumimangot ang anak kong si jhoace. At tumingin sa daddy nya. "Why?"

"Because your mommy really hates me. "

"FRITS!!!" I shouted.

Lumingon si frits. At ngumisi sa'kin. Nang tinitingnan ko ang anak kong si jhoace. Nakasimangot sa'kin habang nakahawak sa kamay ng daddy nya. Si john Ace nakahawak din kay Frits. Habang si frits nakatingin din sa'kin ng masama.

Nakaramdam ako ng inis kay frits. Pati ba naman sa mga anak namin sisiraan nya ako. Grrrr!!! Naglakad ako papalapit sa kanilang tatlo. Sinalubong ko ng nagbabaga kong tingin si Frits. At muli kong tiningnan ang mga anak ko.

"Jhoace, John Ace. Mahal ko ang daddy nyo. Look babies.. i will kiss your daddy," muli kong nilingon si frits. Tapos lumapit ako ng lumapit sa kanya. "Bakit mo ako sinisiraan sa mga anak natin?"bulong ko. Habang kunwari ay kayakap ko s'ya. Kinabig nya ako. Lalo tuloy kaming naging magkadikit. Hindi ko alam kung kaninong pintig ang naririnig ko habang dikit na dikit kami. Kahit siguro sinulid walang space para sumuot sa pagitan namin. Tumayo ang balahibo ko at nag-init ang mukha ko. Ng maramdaman ko ang hininga nya sa tenga ko. "Why Ally... totoo naman diba? Mas pinili mong paniwalaan ang ibang tao kesa sa'kin,"bulong nya.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 2 (Published Under Psicom)Where stories live. Discover now