chapter 104

201K 4.9K 511
                                    

LESLIE'S P.O.V.

Nakangiti ako habang binabagtas ko ang daan patungo sa mansyon ng mga Santiago. Ngayon ko kasi gagawin ang plano ko, habang wala ang asawa ni Frits. Ayon kasi kay Terrence, wala daw roon ang asawa ni Frits, dahil sinundo daw ng Tita nitong kakauwi lang ng pilipinas. Dalawang araw ng wala daw ang asawa ni Frits. So i'm sure Frits, will really missed his wife. O baka nababaliw na ito sa kakahintay sa asawa niya. So this is the right time para maisakatuparan ko ang gusto ko. Well, I admit. selfish akong tao  I dont mind kung may masasaktan ako sa gusto kong gawin. Looser doesn't exist! 'Yan ang palaging nakatatak sa isip ko, at kung sino man ang looser sa gagawin ko, sisiguraduhin kong hindi ako iyon

Beep! Beep! Beep!

Agad na lumapit ang guard ng mansyon ng Santiago sa'kin.

"Good afternoon po Ma'am, Ano po'ng kailangan niyo?" Tanong ng guard sa'kin, hindi kasi agad ako pinapasok dahil hindi naman ako kilala ng guard nila.

"I'm looking to Mrs. Faith Santiago."

"What's your name Ma'am?"

"Leslie Xhin."

"Alright Ma'am." Sandaling umalis ang guard at agad namang itinawag sa loob ng mansyon na mayroon silang bisita. Ilang saglit pa, muling lumapit ang guard sa'kin.

"Pwede na po kayong pumasok Ma'am."

Ngumiti ako."Thank you!"

Pagkatapos binuksan ang malaking gate ng mansyon upang makapasok ako sa loob. Bago ako lumabas ng kotse, sinilip ko muna ang mukha ko sa salamin. Tapos ngumiti ako. Let's play the game."

"Leslie, how are you? I haven't see you in ages." Bungad na bati sa'kin ni Tita Faith.

Niyakap ko siya at nagbeso-beso kaming dalawa. Habang ang ngiti ko ay hindi ko na inalis.

"Hello, Tita i missed you, kamusta na po kayo?"

"Eto, maganda pa rin. Ikaw kamusta ka na? Lalo kang gumaganda ngayon." Nakangiting sabi sa'kin ni Tita Faith.

"Okay naman po Tita, nag vacation lang po ako dito, one week lang po ako dito sa pilipinas. By the way where is Frits?"

"Nasa loob ng kwarto niya, si Frits may asawa na, at magkaka apo na rin ako sa wakas." Masayang sabi ni Tita Faith.

Hindi ko alam kung napansin ni Tita Faith ang pagsimangot at pag ngiwi ko sa sinabi niya.

"Really? I'm happy for him, where is he? Babatiin ko lang siya Tita."

"Puntahan mo siya do'n sa mini bar, naroon siya, mula kasi ng nag vacation ang asawa niya, palagi na siyang nagpapakalasing. Mababaliw yata kapag hindi nakita si Ally."

"Alam niyo naman 'yang si Frits. Ganyan talaga kapag nagmahal di ba? Katulad na lang dati."

"Sabagay, puntahan mo na siya at ipapahanda ko ang pagkain natin."

Tumango ako. "Yes, Tita thank you!" Tapos umalis na ako.

Habang naglalakad ako sa pasilyo ng mansyon, napansin ko ang Family picture nila. Napangiwi ako nang makita ko na kasama na sa picture nila ang asawa ni Frits.

"Dapat ako ang nasa picture na 'yan hindi yang babaing yan!"

Dahan-dahan kong pinihit ang seradura ng pintuan ng Mini bar, pagdungaw ko roon. Nakita ko agad si Frits na nakasubsob ang mukha sa mahabang table. Habang hawak-hawak ang bote ng alak, agad akong lumapit sa kanya.

"Hello, Frits, how are you?"sabi ko.

Agad na inangat ni Frits ang mukha niya. Kunot-noo at namumula ang mukha niya dahil sa inimon niyang alak.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 2 (Published Under Psicom)Where stories live. Discover now