chapter 112

226K 5.3K 449
                                    

Note: to jerian 05, as jeanette kumare ni ally.. ;)

Nagising ako kaninang umaga na wala sa tabi ko si Frits. Hindi katulad dati na may Note pa s'yang dinidikit sa salamin. para batiin ako ng magandang umaga o kaya pakiligin ako sa mga message nya. Wala ng ganon. .

Bumangon ako. At kinuha ko ang kumot upang maging pantakip ng katawan ko. We had sex. yon na lang yata ang nagiging papel ko kay Frits. Ang ialay ang katawan ko kapag kailangan nya ng init ng katawan. Ako namang si tanga. Natatangay agad. Ganon yata talaga kapag mahal mo. gagawin mo ang lahat para lang sa kanya.

Ilang minuto din ang ginugol ko sa paliligo at pagbibihis ng damit. Pagkatapos agad akong nagtungo sa kwarto. Upang gisingin ang anak kong kambal. Pero nadismaya lang ako ng malaman kong wala sila roon.

"Yaya lorna. Sinama ba ni Frits ang mga bata?" Tanong ko sa kanya. Habang nag aalmusal ako.

Tumango si yaya sa'kin. "Oo, yung mga anak mo ayaw mag paiwan. Umiiyak ang dalawang bata ng magtatangkang umalis sir, Frits kanina. Humabol ang dalawang bata. Nagulat nga ako bakit ang aga magising ng mga iyon."


Kung ganon. Ang mga bata pala ang may gustong sumama sa daddy nila. Masyado nilang na miss ang daddy nila. Umiling na lang ako. Kung sabagay mabuti na rin iyon. Upang mas madali ang paghahanap ko ng trabaho. Baka kasi maubos ang pera ko kapag tumunganga pa ako.

"Yaya Lorna, kapag umuwi ang mga bata. Tawagan nyo na lang ako ha! Maghahanap kasi ako ng trabaho ngayon."

"Sige senyorita. Mag- iingat po kayo at goodluck na din po." Sagot ni yaya lorna.

Nang matapos akong kumain. Kinuha ko ang mga requirements ko. Kasama na ang Resume ko. Agad kong tinawagan si Dianne upang humingi ng tulong.

"Girl. Tamang-tama ang pagtawag mo naghahanap ng Personal Assistant ang may ari ng Company nila coby. Sabi nya irereffer ka daw nya."sagot ni dianne sa kabilang linya.

"Thank you! So kailan ako pupunta para sa job interview?"

"Mamaya mo malalaman. Ayy!!Oo nga pala. Narito na pala si mareng jeanette. Kakauwi nya lang sa pilipinas last week. Gusto nya daw tayong makita."

"Si Jeanette?"

"OO. actually! Dapat tatawagan kita ngayon. Kaya lang naunahan mo ako so kitakits na lang mamaya. Paalis na ako."

"Aish, paalis kana! Paano pala kung hindi ako tumawag sayo. At ikaw ang tumawag sa'kin tapos paalis kana. Eh di ako. Matatagalan sa meeting place natin."

Narinig ko ang paghagikgik ni Dianne sa kabilang linya.
"Wala namang bago girl. Kahit maaga mo malaman. Lagi ka namang late sa mga lakad natin. nagkataon lang na paalis ka dahil mag aaply ka ng trabaho. Pero kung hindi. late Mo malaman O hindi ganon pa din ang kakalabasan. LATE! Ka pa rin."

Sumimangot ako."Alam mo kung hindi ka lang buntis. Sigurado may kotong ka sa'kin! Kahit kailan talaga. Nakakainis ka!" Inis kong sagot.

"Hahaha. Kaya tayo besfriend diba? Bye Ally!" Tapos pinutol nya na ang pag uusap namin. Ilang segundo pa. Nagtext si jeannette. Sinabi nya ang lugar kung saan kami dapat magkita. So agad kong kinuha ang gamit ko. At bag ko. Pagkatapos agad akong sumakay ng kotse. Iniwan kasi ni Frits ang isang sasakyan nila.


"Anong plano mo Ally?"tanong sa'kin ni dianne. Habang kumakain kami sa isang restaurant along libis. Kasama ko ang mga ninang ng kambal ko. Si grace yung nurse na tumulong sa'kin. Noong first incounter ko kay Leslie. At si jeanette ang naging classmate ko sa amerika. Kakauwi nya lang din galing amerika. At si dianne. Ang bestfriend ko.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 2 (Published Under Psicom)Where stories live. Discover now