chapter 94

521K 11K 555
                                    


Ally's Pov

SPIA

Ito na ang huling taon namin sa Saint Paul International Academy. Lahat kami Ga-graduate na pagkatapos ng buong taon, parang kailan lang hindi kami mag kakakilala, si dianne lang at zyrus ang lagi ko'ng kasama at kausap, si luke na kinakapatid ko, nag ngingitian lang kami noon pero hindi kami nag-uusap. si frits santiago dati sya yung hinahabol ko. S'ya yung laging dahilan ko para pumasok araw-araw, pero hindi na ngayon.

"Wife ko, bakit kanina mo pa ako tinitigan? Sobrang gwapo ko ba?"kumindat pa ito sa'kin,

Ngumiti ako sa kanya, dati hindi mo makikita ang mga ngiti nya. Ngayon sumasabay na sa dimple nya ang mga ngiti nya, nakakadagdag tuloy ito ng pagiging gwapo nya,

"Tse! Yabang mo agad husbie ha! Napaka-aga pa ha."

hinapit nya ako sa bewang, "Alam mo wife ko. . Lalo kang gumaganda,"

Bigla akong nag blush, "Tse nambola ka pa!"sabi ko,

Umiling sya tapos muli syang tumingin sa mga mata ko,

"Wife ko. . Maraming mga new students sa school. Wag na wag kang makikipag-usap sa kanila lalo na sa mga lalaki ha!"

"Huh? Bakit naman?"

"Basta! Ayoko lang!"

"Hmm.. nagseselos ka lang eh,"

"Oo nagseselos ako, ayokong may ibang lalapit sayo wife ko, alam mo namang mahal na mahal kita."

Mabilis ko syang dinampian ng halik sa pisngi, "Mahal na mahal din kita husbie ko, kaya wag na wag kang matakot na papalitan kita okay! Mag tiwala ka sa'kin,"

Huminga ng malalim si frits, "Sobra-sobra ang tiwala ko sayo. Sa mga taong lalapit lang sayo ako walang tiwala,"

Niyakap ko sya ng mahigpit. Habang nasa daan kami,

"Senyorita ally and sir frits, narito na po tayo." Narinig naming sabi ng driver namin,

"Thank you mang tonny!"

Pagbaba namin ng kotse. Agad ako'ng hinawakan sa kamay ng asawa kong si frits, papasok sa loob ng school. Tulad ng dati hindi mapigilan ang mga babaing araw-araw na nag-aabang kay frits, kahit na siguro malaman nilang may asawa at anak si frits, hindi parin mapipigilan ang mga estudyanteng baliw na baliw kay frits, parang naging vitamins na sa kanila ang masilayan nila si frits araw-araw,

'Kyaaaahhhh!!" Ang gwapo talaga ni frits santiago!" Naririnig ko'ng sabi, napapangiti lang ako, kung tulad siguro ng dati na isa din ako sa mga nag pafantasya sa kanya. Baka inaway ko na 'yon, pero dahil asawa ko na sya. Natatawa na lang ako,

"Excuse me,"sabi ko habang ng lalakad kami, pero hindi ako pinansin ng mga babaeng nag pupumilit na lumapit kay frits, naiipit at naapakan na din ako, bakit parang naging agressive na ang mga fangirl ni frits ngayon, dati nakatingin lang sila habang nadaan si frits, ngayon nilalapitan na, nabitawan tuloy ako ni frits,

"Ang macho at ang hot ngayon ni frits, kyaaahhh!!"

Narinig nyang sabi, nakaramdam ako ng inis sa kanila, dahil macho at hot si frits iipitin lang nila ako.

"Hep! Hep!hep!" Pasigaw ko, napatingin tuloy sa'kin ang ibang estudyante, ang iba ay nakasimangot. Nakita ko sa kanila ang pag taas ng kilay at irap nila sa'kin,

"Sino kang pabebe ka?"sagot ng isang babae,

"Ako pabebe?"di hamak na mas lamang ako sa kanya ng isang daang paligo,"bulong ko,

Tiningnan ko yung babae, bagong mukha yon. Mukhang bagong recruit ito sa fansclub ni frits. Hindi kasi ako nakikilala eh,

Nag umpisang mag taas ako ng kilay ko habang nakatitig sa babae,

"Ako pabebe?" ulit ko pa,

Nagcross arm ang estudyante. Pag katapos tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Tapos may pang-iinsulto ito'ng muling binaling ang tingin sa'kin,

"BINGE KA BA?"SINABI KO NA UULITIN KO PA!"

Pakiramdam ko. Lumalabas na naman ang pagiging allyson Ramirez ko ah! Ang pagiging maldita, lalapitan ko sana ito para bigyan ng isang mag-asawang sampal sa mukha, ngunit biglang may naghila sa'kin, at hinawakan ang bewang ko,

Si frits 'yon, halos parang magkayakap na kami. Tiningnan nya ako, "Wife ko.. akong bahala dito. Wag ka'ng mag paka-stress baka hindi mabuo si baby," ani frits, pagkatapos hinalikan nya ako sa lips kahit maraming estudyante, ako naman proud na proud na makita ng iba na hinahalikan ako ni frits, paniguradong usok ang bunbunan nila sa'kin, pag katapos. Tinitigan ng masama ang lahat ng mga eatudyante na naroon,

"Listen every one! Sa mga bagong enrol dito sa saint paul, i'd like you to know that allyson Ramirez and I are married couple. Yah! Mag asawa na kami. Kaya kung sino man ang mananakit sa wife ko. . Mananagot sa'kin, sinabi ko na ito dati, inulit ko lang! TAKEN na ako! naiintindihan nyo ba?" Pasigaw ni frits,

Nagsalubong ang tingin naming dalawa. Pag katapos naramdaman ko ang pag pisil nya sa palad ko, it was the same feelings that i felt before. . Hindi sya nag babago lalo pang nadagdagan,

Pagkatapos mag salita ni frits umalis na kami doon, hinatid nya ako sa classroom namin, hanggang sa loob ng room, dahil wala pa ang professor namin. Umupo muna si frits sa upuan ko. Doon muna sya tumambay, marami mga bagong mukha ako'ng nakita sa loob ng classroom namin, ngayong taon kasi marami ang nag transfer dito sa school namin, ang ibang hindi nakakaalam na mag asawa kami. napapansin ko ang panay pagpapansin ng mga classmate ko kay frits, padaan-daan sila sa tapat namin,

"Wife ko, marami kang bagong classmate. Baka naman may makita kang mas gwapo sa'kin, wag na wag mo'ng papansinin at kakausapin ha!"sabi ni frits,

Pinisil ko ang pisngi nya.
"Araayyy ko wife ko!"

"Ang cute-cute mo kasi eh,"sabi ko habang tinitigan ko sya,

"Ang sakit naman! Baka buntis ka na ha!"biro nya sa'kin,

Napaisip ako, "Kung buntis ako. Baka hindi ko matapos ang buong taon graduating pa naman ako, sana wag muna.." bulong ko,

"Oh, bakit natahimik ka d'yan? Buntis kana noh! Magkakababy na ba tayo?" Nakangiting sabi nito,

Kinurot ko ulit sya. "Kainis ka! Ang ingay mo eh,"

"Hahaha! Wife ko binibiro lang kita, pero kung magka-totoo 'yun, ako ang pinaka-masayang lalaki sa mundo." Sabi nya sa'kin habang nakatingin.

Sa mga sinabi ni frits, parang gusto ko na tuloy magka-anak, ang sarap sigurong makitang nag-aalaga si frits ng baby,

Sinipat ni frits ang relo nya.
"Wife ko, malapit ng mag start ng klase ko. Pupunta na ako sa classroom ko." Tumayo kaming dalawa. At hinatid ko sya sa may pintuan ng room namin.

"Good luck wife ko," sabay halik sa'kin. Pagkatapos tinitigan nya ako. "Parang gusto ko nang umuwi na lang tayo." Sabi nya habang nakatitig sya sa'kin at hawak ang mukha ko,

"Bakit naman?" Sagot

"Nakakabitin kasi ng kiss natin eh," he smile.

Biglang nag kulay kamatis ang mukha ko. Tapos tinulak ko sya.

"Ang manyak mo husbie ko!" Inis ko'ng sabi,

"Haha! Wife naman! Parang hindi kana nasanay sa'kin, see you later wife ko!" Pag katapos umalis na ito,

Pulang-pula parin ang mukha ko habang tinatanaw kong papalayo si frits, nakangiti ako, hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na mag- asawa na kaming dalawa, dati rati, kapag ganitong umpisa ng pasukan, ang una ko'ng hinahanap ay ang classroom ni frits bago ang room ko, lagi kong sinigurado na tuwing pasukan new looks ako. Yung magandang-maganda ako sa paningin nya, pero ngayon ibang-iba na. Dahil ngayon kasabay ko na si frits sa pag pasok at pag-uwi ng bahay. Magkasama kami hanggang sa pagtulog,

"Haist ang sarap sa pakiramdam ng ganito,

***
Votes/comments, thanks

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 2 (Published Under Psicom)Where stories live. Discover now