chapter 117

215K 5.1K 164
                                    

Frits's POV

"Long time no see guys."bungad samin ni Luke. Makalipas ang limang taon. Nabuo kaming lima. Hindi pala naging pito na pala kami mula ng natangap kong hindi na sila magiging karibal ko kay Allyson. Yon ay sila Teo,Zyrus. Bali naging pito na kaming lahat na nakapalibot sa mahabang mesa.. narito kami sa paborito naming tambayan ang Arristokrata Bar. Na ngayon ay ang mag asawang sila Teo at Yurilaine anne. Ang nagpapatakbo.

"Welcome back! Patrick. Wala bang pasalubong d'yan?"reak naman ni troy.

Kumuha ng alak si patrick.
"Lahat naman tayo lumabas ng Bansa ah. So dapat may mga regalo tayo sa isa't-isa." Sagot ni patrick.

Tahimik lang akong nakikinig sa pag uusap nila. Habang patuloy ang pagtungga ko ng alak.

"F-frits!!' Narinig kong tawag sakin ni zyrus. Tumingin lang ako. Ngunit hindi ako nagsalita.

"Ang tahimik mo?magkwento ka naman!"muling sabi ni zyrus.
Psh. May pagkamadaldal pala si zyrus. Ngayon ko lang napansin.

Oo nga! Kamusta na kayong dalawa ni Ally?"usisa ni Teo,

"Ayos naman!"tipid kong sagot,

"Ano bang klaseng sagot yan! Hindi kana ba? Masaya kay Ally?"usisa naman sakin ni Luke.

Nakakainis ang mga dati kong karibal. Masyadong mausisa. Kung wala silang asawa at anak. Iisipin kong interesado pa sila kay Allyson. Sumimangot akong nakatingin sa kanila. "Walang problema samin dalawa ni Ally. Mas maalaga sya ngayon." Sagot ko.

"So, yun naman pala eh, bakit ka malungkot? Mukhang may kinikimkim kang problema."si luke ulit yon,

Huminga ako ng malalim.tapos nilalaro ko ang yelo na nasa kupita ko. "Si Terrence luaward. Ang problema ko."

"Hindi parin ba sya tumitigil sa paghahabol kay Ally?"tanong ni troy.

Kahit malayo silang lahat at bihira kami magkita-kita. Naikwento ko na sa kanila ang naging problema ko sa pagsasama namin ni Ally. Alam din nila ang pagpapanggap ko bilang bakla.

"Oo. Hindi nya matanggap na hindi sya ang kasama ngayon ni Allyson."sagot ko pa.

"May isa na namang baliw!"ani patrick.

Tinitigan ako ng masama ni Luke. "Wag mo'ng hayaang mangyaring maulit muli ang nakaraan frits. Ibang-iba na ngayon. May mga anak kana."

Napadiin ang paghawak ko sa kopita ko. Habang gigil na gigil kong inaalala ang nakaraan.
"Hinding-hindi na ako papayag na mangyari yon."

"Basta kung kailangan mo ng tulong andito lang kami." Ani teo.

"Salamat!"

"Mukhang nagkakasiyahan kayo ha! can i join?"

Nagdilim ang paningin ko sa boses na yon. Tumayo ako at susuntukin ko sana. Ngunit inawat ako ng mga kaibigan ko.

"Fuck!! Ang lakas ng loob mong magpakita sakin!!!"sigaw ko.

Kampanteng nakatayo sa harapan namin si Terrence. Habang nakatingin sya sakin. Nakahawak pa ang dalawang kamay nito sa magkabilang bulsa ng pantalon nya.

"Kalma lang Frits. Or i say Frecy! Kinakamusta ko lang kayo. Dont mad at me."ngumisi pa ito sa'kin.

"HAYUP KA!!!' Sigaw ko.
Pilit kong kumakawala sa pagkakahawak sakin ni troy at patrick. Habang ang Apat ay nakatayo sa pagitan naming dalawa ni Terrence.

"Frits, kalma lang!" Awat ni zyrus.

Nakakuha ng atensyon ng ibang customer ang ingay sa kinaroroonan namin. Kung kaya't lumapit samin ang mga tsismoso at tsismosa.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 2 (Published Under Psicom)Where stories live. Discover now