chapter 131

160K 4.1K 248
                                    

Ally's POV

Malawak na silid at Malambot na kama. Malamig dahil sa Malakas na Aircon. patagilid akong nakahiga habang hinimas ko ang umbok kong 'tyan. Si baby bunso. Lumalaki na sya sa sinapupunan ko. Ano kayang mangyayari saming dalawa ng Anak ko? Nag disisyon akong maging kapalit ng tita ko sa pagkidnap sa kanya ni Terrence. Oo si terrence ang nasa likod ng lahat ng ito. Dahil sa ginawa nya mas lalo akong namuhi sa kanya. kinasusuklaman ko sya. . Nalayo ako sa pamilya ko dahil sa kanya.

"Jhoace.. john Ace.. husbie ko... miss ko na kayo.."bulong ko. Habang hilam ng mga luha ang mga mata ko.

Maya-maya narinig ko ang tunog ng Pag pihit ng seradura ng pintuan ng silid ko. At ang pagbukas nito. Hindi ko 'yon pinansin. Hanggang sa naramdam ko ang tunog ng mga yabag ng paa na papalapit sakin.

"Hindi ka na naman kumain Ally." Boses yon ni Terrence.

Nilingon ko sya at tinapunan ko ng masamang tingin. umiwas sya ng tingin sa'kin.  "Kumain ka naman Ally. Baka magkasakit ka nya.."bakas sa mukha nito ang pag-aalala sa'kin.

Bumangon ako. At nanatili parin ang mga matatalim na tingin ko sa kanya. "Pakawalan mo ako. Ibalik mo na ako sa bahay namin."

Huminga sya ng malalim. "Hindi ko kayang gawin 'yon Allyson.."nakayuko pa ito habang sinasabi nya ang mga iyon.

"BAKIT?"

Iniangat nya ang mukha nya at sinalubong nito ang mga titig ko sa kanya. "Dahil gusto kong maranasan na makasama ka!"lumapit pa ito sa kama ko. Umatras ako ng umatras. Habang si terrence. Sumampa na sa kama ko. Habang ang mga mata nito ay nakatitig sa'kin.

"T-terrence, lumayo ka sa'kin!"pasigaw ko sa kanya.

"Paano kung ayaw ko? I wonder kung anong nararamdaman ni Frits habang nakalapat ang mga  labi mo sa labi nya." Nakatitig pa sya sa labi ko. Tapos muli nyang tinuon ang mga mata nya sa mga mata ko. "Gusto ko din matikman!"tapos palapit sya ng palapit sakin.

Nakaramdam ako ng takot sa maaring gawin nya sa'kin. Alam kong kahit anong pagpupumiglas ko. Hindi ko kakayanin si Terrence.. ayoko! Ayokong may ibang humahalik sakin. si Frits lang ang nagmamay-ari ng labi. Sya lang ang maaring humalik sakin. "W-wag mong gawin yan please!!!"pagsusumamo ko sa kanya. Nakatukod ang kamay ko sa dibdib nya upang hindi dumikit ang mukha nya sakin.

Ngumisi lang sya sa'kin. At walang pakundangan nya akong hinila pahiga sa kama. Dumagan sya sa'kin. "I CAN'T RESIST!! Inaakit ako ng mga labi mo Ally.."he said in a sexy tone.

Naglalandas ang mga luha ko habang nakaiwas ang mukha ko sa kanya. Hindi ko kakayaning may ibang hahalik sakin. "Maaring makukuha mo ang gusto mo Terrence ngayon!! Ang katawan ko!!! Pero hindi ang puso ko!!! sa ginagawa mong yan! Mas lalo akong nasusuklam sayo!"

"Alam ko! At matagal ko ng alam na ayaw mo sakin. Kaya ko nga ginagawa ang lahat ng ito. Ngayon! Maari kong gawin ang gusto ko sayo!"

Galit at pagkamuhi ang nararamdaman ko sa kanya. Habang palapit ng palapit ang mukha nya. nagpupumiglas ako sa kanya. Ayokong dumampi ang halik nya sakin ayoko!

"SIGE!!!SUBUKAN MONG HALIKAN AKOO!!! MAGPAPAKAMATAY AKO!! MAS GUGUSTUHIN KONG MAMATAY KESA ANG MAKITA ANG SARILI KO NA HINAHALIKAN MOO!!!sigaw ko sa kanya.

Ilang minuto syang nakatitig sa'kin. kitang-kita ko kung paano magtagis ang bagang nya at ang pagsingkit ng mga mata nya dahil sa nagtitimping galit. "GANYAN MO AKOO! KINASUSUKLAMAN? MAS GUSTO MONG MAMATATAY?"

Sinalubong ko ng nagbabagang tingin nya sakin. "OO, HANDA AKONG MAMATAY ORAS NA HALIKAN MO AKO!"

ilang minuto syang nakipagtitigan sa'kin. Tapos huminga ito ng malalim. at naramdaman ko na lang ang pagkakaluwag ng hawak nya sakin. tanda ng pagsuko nya sakin.Tumayo sya at naglakad palabas. Pero bago pa sya makalabas ng silid. ibinato nya ang maliit na babasaging lamesa sa dingding. Napasigaw ako sa pagkagulat. Tapos hindi na ito lumingon pa sakin. Narinig ko na lang ang paglock nya ng pintuan ng silid na kinaroroonan ko.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 2 (Published Under Psicom)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang