chapter 116

259K 5K 175
                                    

Ally's POV

Nakaharap ako sa malaking salamin. Habang marahan kong sinisuklayan ang buhok ko. Napapangiti ako habang muli kong binabalikan ang nangyari kagabi..

Pagpasok ko ng silid namin ni Frits. Napansin ko na agad ang maliit na card na nasa ibabaw ng kama namin. Dinampot ko yon at napansin kong Blangko ang nasa ibabaw ng card. Walang kahit anong nakasulat. O kahit palamuti sa card. Sinilip ko muna saglit si Frits na noo'y nasa loob ng banyo.

"Hindi naman nya malalaman na titingnan ko kung ano ang nasa loob." Dahan-dahan ko iyon binuksan.

"WIFE!"

Nagulat ako sa pagtawag sa'kin ni Frits. "Ano 'yon husbie?" sigaw ko din,

"Wife! Naiwan ko yata yung blank card d'yan sa ibabaw ng kama natin. Wag na wag mong bubuksan ha!"

Napakunot ang noo ko sa hawak kong blank card. Bakit ayaw nyang buksan ko 'yon? Hindi kaya letter yon ng kabit ni frits? Nakaramdam ako ng inis sa naiisip ko. Kaya hindi na ako nag dalawang isip na buksan yon.
Pagbukas ko lalo lang ako napasimangot ng wala naman nakasulat do'n. Binaliktan ko pa yon. Dahil baka nakatago lang.

"Ano ba 'toh? Bakit walang nakasulat? May password yata 'to eh,"bulong ko pa.

"Wife ko!"

Mabilis ang paglingon ko sa kanya. Nataranta ako at mabilis kong itinago sa likod ko ang blank note. "Oh, H-husbie. Tapos ka ng maligo?"untag ko habang kinakabahan ako.

Nakakunot ang noo ni Frits habang nakatingin sakin. Pagkatapos lumapit sya sakin.
"Ano yang tinatago mo sa likuran mo?"

"W-wala!" Umiling pa ako.

"M-meron. Nakita ko eh," lumapit sya ng lumapit sakin.

Napalunok ako. Habang nakatitig sa kanya. nakatapis kasi ng towel si frits. Bakit ba naman kasi hindi man lang nagsuot ng damit si Frits. Bago lumabas ng banyo?. Bakat tuloy yung ano nya eh, pakiramdam ko kumain ako ng sili dahil pakiramdam ko nag-iinit ang mukha ko.

"H-husbie, B-basa na!"nauutal kong sabi sa kanya habang nakatitig sa kanya.

Tumaas ang kilay nya habang nakatitig sya sakin, "Anong BASA?"

"Y-yung Damit ko. Basa na!"

Tinitigan nya ako. At pilyong ngumiti sakin. "Basa na ba? Mas lalo pa nating babasain." Pagkatapos hinigpitan nya ang pagyakap sakin. Kaya ang nangyari nabasa ang damit ko dahil niyakap nya ako.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 2 (Published Under Psicom)Where stories live. Discover now