chapter 101

223K 5.5K 321
                                    

Ally's P.O.V.

Araw ng sabado ngayon. Kaya maaga akong bumangon, excited na kasi akong mamili ng mga gamit ng twin namin, Nakita ko si Frits na mahimbing na natutulog, kinumutan ko siya bago ako tuluyang maligo, ilang minuto rin ang itinagal ko sa banyo bago ako lumabas, muli kong sinipat si Frits, tulog na tulog pa rin siya, pagkuwa'y sinipat ko ang wall clock,  ala-singko pa lang ng umaga, masyado akong excited mamili ng gamit ng twin namin, eh, alas-diyes pa naman nagbubukas ang mall, nang matapos akong magbihis, lumabas ako ng kwarto upang magluto ng almusal, sa sobrang aga kong nagising siguradong tulog pa ang lahat ng tao sa mansyon, kapag araw kasi ng sabado at linggo. Ala-sais na nagluluto si yaya Chedeng dahil tanghali na kaming lahat gumigising, simula ng maging asawa ko si Frits, bihira na lang akong magluto, pero hindi ko pa rin itinigil ang pag-aaral ng pagluluto, every saturday ng hapon kasama kong nag-aaral ng pagluluto si Frits sa school na pinasukan dati ni kuya Daniel, si Frits, napilitang mag-aral ng pagluluto, baka daw kasi mapaso ko O maaksidente. Wala da s'ya para protekhan ako, siguro ang ibang babae masasabing nakakasakal na ang ginagawa ni Frits, pero para sa'kin mas natutuwa ako sa pagiging protective ni Frits sa'kin, hindi ko naman kasi kailangan ng ibang atensyon, dahil ang atensyon lang ni Frits ang mahalaga sa'kin,

Nag-Umpisa akong magluto ng java rice at omelet. Pork chop, ham at vegetable salad. Eksaktong katatapos ko lang ayusin ang table ng marinig ko ang boses ni Frits.

"Yaya Chedeng! Yaya nakita nyo po ba si Allyson? Wala po s'ya sa tabi ko!" Narinig kong tanong ni Frits, marahil hindi nya alam na hindi pa nagigising si yaya chedeng, hindi ako umimik, hinintay ko s'yang lumapit sa'kin,
Ngunit bago pa makarating si Frits sa kusina narinig ko na ang boses ni yaya chedeng kung kaya't umupo na lang ako sa upuan ng mahabang lamesa ng hapagkainan.

"Oh! Frits, Anong sinasabi mo?"tanong ni yaya chedeng kakababa lang niya ng kwarto.

"Yaya?"

"Oh, bakit parang nakakita ka ng multo?" Aniya.

"Akala ko po nasa kusina kayo?"

"Ikaw na bata ka! Wag mo akong tatakutin."

"Pero, yaya! Narinig ko po'ng may naghuhugas ng plato roon sa kusina."

Namutla si yaya chedeng,
"Ikaw na bata ka! Hahampasin kita ng walis tambo. Wag mo nga akong tatakutin."

Agad naman silang nagtungo sa kusina. Nakangiti lang ako habang inaantay ko silang lumapit. Naririnig ko kasi ang takutan nilang mag-yaya, gusto kong matawa pero pinipigilan ko lang dahil baka marinig nila ako. Nag-eenjoy pa naman ako sa naririnig kong takutan nila.

"Senyorita Ally?"

"Wife ko!" Sabay pa nilang sabi.

Ngumiti ako sa kanilang dalawa. "Goodmorning yaya. Goodmorning husbie ko."

Lumapit sa'kin si Frits. At hinagkan ako sa pisngi, bakit ang aga mo'ng nagising? Nag-alala ako sa'yo, akala ko iniwan mo na ako." sabi pa nya

"Maaga kasi akong nagising kaya naisipan kong ipagluto ko kayo ng almusal."

"Ikaw nagluto ng lahat ng iyan?" Tanong nya sa'kin, habang isa-isang binubuksan ang mga niluto ko, tumango ako sa kanya.

"Hmm.. mukhang mapapadami ang kain ko ngayon wife ko ah,"

"Mabuti 'yan, tawagin na natin si Mama Faith at si Dad, para makakain na tayo." Sabi ko,

"Senyorita ako na po ang tatawag sa kanila,"sabat ni yaya Chedeng,

"Sige po yaya please.." Sagot ko,

Umupo si Frits sa tabi ko, at nag-umpisa na siyang mag-sandok ng pagkain nya, hinampas ko ang kamay nya,

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 2 (Published Under Psicom)Where stories live. Discover now