Chapter 169

149K 3.9K 912
                                    

Ally's POV

"Good morning Daddy paul. Good morning Mama Faith. Good morning Twin."bati ko sa kanilang lahat habang nag aalmusal sila. Umupo ako sa gitna ng kambal kong anak upang kumain. Habang si Daddy Paul at Mama Faith ay tulalang nakatingin sakin.

"Bakit po Mama Faith?"

"Ally, bakit bihis na bihis ka? saan ka pupunta?"nagtatakang tanong ni Mama Faith.

"Babalik na po ako sa  trabaho. Kailangan kong mag simulang muli. may Tatlo akong Anak na umaasa sakin."

"Sigurado ka Allyson?"tanong naman ni Daddy Paul.

"Opo! Tama na ang isang buwan na pagkukulong sa silid ko. Kailangan ko ng tanggapin ang katotohanang wala na si Frits."

"Kung ganon ikaw ang bahala. "Ani Daddy Paul.

"Mama Faith. Daddy Paul. Pwede po ba tayong mag usap tatlo pagkatapos nating kumain?"

Nagkatinginan silang dalawa bago lumingon sakin. "Sige, Ally."

Matapos naming kumain ng Almusal nag paiwan kaming tatlo sa kusina. "Ano bang dahilan bakit gusto mo kaming makausap Allyson?"tanong ni Mama Faith.

Huminga muna ako ng malalim upang pakawalan ang bigat na nararamdaman ko. Tumingin ako sa kanila. "Isang buwan na mula ng Mawala si Frits sa atin. Simula ng mga araw na yon. Hindi ko na alam kung paano pa ako nakakatulog sa gabi na wala sya." Tumulo ang luha ko. Kaya naman muli akong huminga ng malalim upang ipagpatuloy ko ang nais kong sabihin. "Mama Faith. At Daddy Paul. Gusto kong dalawin ang puntod ni Frits. Mula ng mamatay sya hindi ko din nagawang dalawin sya. Gusto ko syang dalawin at kausapin."

Yumuko si Mama Faith."Allyson, Walang puntod si Frits!"

"Ho?paanong nangyaring wala syang puntod?"

"Makinig ka Allyson. Nang barilin kayo ni Samara magkayakap kayong lumubog sa ilalim ng dagat. Ngunit ng sasagipin na kayo. Nakabitaw si Frits dahil sa paghampas ng Alon. tanging katawan lang ng mga tauhan ni Samara ang narecover. pero ang katawan ni Frits hanggang ngayon hindi pa nakikita."

"Kung ganon! Maaring buhay pa si Frits at natangay lang sya sa ibang Isla kaya hindi sya makita?"

"Yan din ang Una naming iniisip. Pero Allyson. Dalawang tama ng baril ang Tumama sa kanya. Bukod pa doon nasa gitna kayo ng dagat. Mahihirapan syang makaligtas."

"Naniniwala po ako na buhay pa si Frits. Hangga't wala akong puntod na dinadalaw mananatili syang buhay sakin."

"Pero Allyson.. masasaktan ka lang kapag pinaasa mo ang sarili mo."

Ngumiti ako sa kanila. "Mas okay na yung umasa. Kaya ko pang tanggapin yon. Kesa ang maniwalang wala na talaga sya at hindi na sya babalik satin"

Huminga sila ng malalim bago muling tumingin sakin. "Ikaw ang bahala Allyson."

"Ano nga po pa lang nangyari kay Samara?" may namumuong galit ako nang banggitin ko ang pangalan nya.

"Nasa loob sya ng kulungan. Sya lang ang natitirang buhay sa mga kasama nya."sagot ni Daddy Paul.

"Buhay pa pala sya. Dapat sya na lang ang namatay!"

"Matuto kang magpatawad sa mga nagkasala sayo. Ally!"

Nagdilim ang mukha ko. "Nahihirapan akong patawarin sya. Galit ang nararamdaman ko para sa kanya."

"Ikaw ang bahala Ally. Basta kung kailangan mo ng tulong narito lang kami ng Mama mo. Tayo na lang ang magkakasama ngayon."

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 2 (Published Under Psicom)Where stories live. Discover now