chapter 164

148K 3.9K 332
                                    


Ally's POV

Kanina pa ako hindi mapakali dahil sa kalagayan ng Mga anak namin na nasa Mansyon. Simula ng humingi ng tawad samin si Samara madalas na syang nasa bahay. hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ganon na lang ang galit ko pakiramdam ko may gagawin syang masama laban sa pamilya ko.

"Husbie, Pauwi na ako ng Bahay. Umuwi ako ng maaga dahil walang kasama ang kambal natin." Sabi ko. Habang inaayos ko ang mga gamit ko.

Ini-Off ni Frits ang Computer nya at lumapit sakin." Sabay na tayo Wife ko."

"Akala ko ba? Mamaya ka pa uuwi?"

Ngumiti sya sakin. "Hindi ko papalampasin ang lulutuin mo para sa Dinner natin. Excited na akong matikman kita. Este yung luto mo."kumindat pa sya sakin.

Bigla namula ang mukha ko. Si Frits kasi masyasdong pilyo. Marahan kong Pinisil ang ilong nya habang nakatitig ako sa kanya. "Ikaw Mr, Frits Santiago! Alam na alam ko na yang mga Ganyang style mo ha!"

Niyakap nya ako at isiniksik ang mukha nya sa leeg ko. "I love you my One and Only Wife."sabi nya habang hinahalik-halikan ang leeg ko.

Napakagat labi ako sa ginawa nya. Sabayan pa ng parang kamatis kong mukha dahil sa pamumula. Gumagapang kasi ang kuryente sa katawan ko habang nakadikit ang labi nya sa leeg ko at kinikiliti ako ng pagdampi ng hininga nya sakin.
"Umalis na nga tayo!baka kung saan pa makarating ang Usapan natin." Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at kinuha ko ang Bag ko at nauna  akong lumabas ng Office. Ngunit nakakailang hakbang pa lang ako nariyan na si Frits at hawak-hawak na nya ang kamay ko.

"Wife ko naman! iniwan mong mag-isa ang pogi mong asawa."sabi pa nya

Tinapunan ko sya  ng tingin sabay irap ko sa kanya. kinindatan naman nya ako. "I love you Wife ko."Ulit pa nya.

"Bakit napipilitan ka lang."malungkot nyang sabi sakin.

Tinusok-tusok ko ang tagiliran nya gamit ang isang daliri ko. "Ang Drama mo na Husbie."saglit akong huminto at humarap sa kanya. "I love you too Husbie ko.. i love you too mahal na  mahal kita!"ngumiti ako sa kanya. "Okay na ba yon?"

Yumuko sya sakin. "Syempre naman Mrs, President!" Kumindat pa sya sakin.

Dumaan kami sa Drive thru dahil sobrang traffic. bumili kami ng pagkain na ipapasalubong namin sa Kambal naming anak.

"Wife ko. Kainin na natin yung binili natin nagugutom na kasi ako." Sabi nya habang nagddrive sya pauwi.

"Mamaya na lang sabay-sabay na lang tayo."

"Nagugutom na ako Wife ko. Sige na please!!"lumingon pa sya sakin.

"Haist! Sige na nga! Ikaw talaga para kang bata dyan!"

Mula sa supot na Take out namin. Kumuha ako ng burger at ibinigay ko kay Frits.

"Wife ko naman eh! nagddrive ako. Ikaw na lang magpakain sakin."

I rolled my eyes. Nakakainis kasi si Frits parang bata. "Sige na nga! Kung hindi lang kita mahal dyan. Naku! Hindi ko papatulan yang kaartehan mo!"

"Kung hindi mo ako mahal. ako ang maglalambing sayo para matutunan mo akong mahalin."sabay kindat nya sakin.

"Sige na! Mag focus ka sa pag ddrive mo dyan."

Hinayaan ko na lang na maglambing sakin si Frits. Sinibuan ko sya ng Burger at pinainom ng soda. Hindi ko rin sya matitiis dahil hindi na nagawang mag Lunch ni Frits kanina dahil sa mga appointment nya.

Halos Dalawang Oras ang ginugol namin sa daan bago kami nakarating sa Mansyon. Bitbit namin ang Mga pinamili naming pagkain para sa Kambal. Surprise kasi ito. Dahil maaga kaming umuwi ni Frits hindi katulad noong mga nagdaang Araw na halos tulog na sila kapag nakakauwi kami ng Bahay.  Agad akong nagtungo sa Silid ng kambal naming anak habang si Frits nagtungo muna sa Silid namin upang magpalit ng damit.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 2 (Published Under Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon