chapter 95

337K 7.2K 669
                                    


Ally's pov

"Santiago Allyson R,!"

"Present po sir!" Sabi ko,
Nakita ko ang pagtaas ng kilay ng ibang estudyante, marinig ba naman nila ang apelyido ng idol nila na nakakabit sa pangalan ko, pagkatapos kasi ng kasal namin, agad na pinabago ni frits ang apelyido ko,

"Kaano-ano mo si frits santiago my love!" Tanong ng classmate ko nasa likuran ko nakaupo,

"Asawa nya si frits santiago! Sya si mrs Allyson Ramirez Santiago,"sabat ni dianne,

Classmate ko parin si dianne, syempre bestfriend kami forever eh, hanggang sa pagtanda yata bestfriend kami,

"Totoo? asawa mo na sya?"tanong muli ng classmate nya, parang hindi makapaniwala, gulat na gulat kasi ito sa reaksyon nya,

Tumango ako, "Oo mag-asawa na kami,",tipid ko'ng sabi,

Nagkibit balikat ang babae,
"Okay lang asawa ngayon naagaw na."ngumiti pa ito,

"Parang gusto ko'ng sabunutan sa asar itong babae na'to, nakakaasar! May balak pa'ng agawin sa'kin si frits, as if naman papayag ako kakalbuhin ko sya."

"Ay naku neng! Pupusta ako sayo mapapahiya ka lang!" Sabat pa ni dianne,

"At bakit?" Pagtataray nito,

Tiningnan ni dianne ang babae,
"Sa itsura mo kasi hindi ka papatulan nya. Mukha ka kasing paa na nilagyan ng make up!" Sabay tawa ni dianne,

"How dare you!" Gigil na sabi ng babae,

"Anong ingay ang meron d'yan ha!" Ani ng professor namin,

"Ahm.. wala po sir,"sagot ni dianne, tapos muling binaling ni dianne ang tingin na nasa likuran naming babae, "Mukhang paa!" Pang-aasar pa ni dianne, parang gusto ko'ng matawa sa pang-aaway ni dianne, mukhang nasalin ko yata sa kanya ang pagiging maldita ko,

"Excuse mee!"narinig naming sabi. mula sa pintuan, lahat kami. doon ang tingin, nagtilian ang ibang mga babae sa nakita, isang gwapo'ng lalaki ang tumambad kasi saming lahat,

pawisan ito at hingal na hingal. Halatang galing sa pagtakbo,

"Sir, sorry i'm late!!"sabi pa nito,

Nagkatinginan kami'ng dalawa ni dianne, parang nahuhulaan na namin ang nilalaman ng isip naming dalawa na. Nakita na namin ang lalaking iyon,

"Kyaahh! Ang gwapo nya!" Narinig naming usal ng malalandi naming classmate,

"Are you mr luaward?"tanong ng professor namin,

Tumango ang lalaki. "Yes sir!"

"Next time. Hindi na kana pwedeng ma-late sa klase ko mr, luaward."

Tumango sya habang ang mga mata nya ay nakapukol sa'kin. "Yes, sir!"

"Good, Okay! Maghanap ka na ng bakanteng upuan."


"Thank you sir," palinga-linga sya upang maghanap ng bakanteng upuan.




"Excuse me Terrence!"

Napalingon kami sa tumawag ng atensyon nya. Ang classmate namin na babae na may paka-nerd ang itsura ang nagsalita.

"Bakit dito ka pumasok? If I'm not mistaken. you're father is the Owner of st, Elizabeth School. maganda rin ang turo doon. Bakit mo gusto dito?"tanong ng nerd kong kaklase.

"Co'z i'm looking to my one and only love, kukunin ko sya anoman ang mangyari,"sagot ni terrence,

nagkaroon ng bulong-bulungan ang mga chismosa at chismoso kong mga kaklase. Dahil sa sinabi ni Terrence. Bigla ako'ng kinabahan, sa sinabi nya.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 2 (Published Under Psicom)On viuen les histories. Descobreix ara