chapter 171

160K 4.3K 920
                                    


Ally's POV

Pagbaba ko ng Hagdan ng napansin ko na abalang-abala si Yaya Chedeng sa labas ng Bahay. Naririnig ko kasing na parang sumisigaw sya. Kaya naman agad ko syang pinuntahan.

"Yaya! Ano pong Nangyayari sa inyo?"tanong ko.

"Ay ikaw pala Senyorita Allyson. Naku! tamang tama! Dahil may mga bulaklak na pinabibigay sa inyo."masayang Sabi ni Yaya Chedeng. Binaling nya ang Tingin sa Driver namin. "Tonio! Bilisan mo nga dyan kunin mo yung mga bulaklak dyan sa Guard House. Bilis!"

Napakunot ang Noo ko. "Sino naman ang magbibigay ng Bulaklak na iyon? di kaya? Si— Yaya paabot nga ng isang bulaklak."

Nakangiti si Yaya Chedeng Habang inaabot sakin ang Botiquet na White Rose. Ang lakas ng kabog ng Dibdib ko habang binabasa ko ang Maliit na Card na iyon. FROM. Y.H.."
sa kanya naman! Paano kaya nya nalaman ang Bahay ko. Kainis! mahigit isang buwan na syang Araw-araw na nagpapadala ng mga bulaklak sa Office ko. Hindi ko lubos maisip kung bakit hanggang dito sa Mansyon nagpadala pa sya ng bulaklak. Wala naman akong idea kung sino ang Lalaking si Y.H. hindi kasi nagpapakilala sakin.

"Senyorita si Y.H sino sya?"sabat ni Yaya Chedeng hindi ko namalayan na nasa likuran ko na pala sya.

"Yaya naman bakit ka nakikibasa ng Sulat."maktol ko.

Nakangisi si Yaya Chedeng sakin.
"Ahh—hehe! Naeexcite lang ako kung sino ang Nagpadala ng bulaklak sayo. Ang dami kasi."

"Hindi ko nga po kilala kung sino sya. Kahit sa kumpanya may Pinapadala syang bulaklak."

"Baka naman Isa yan sa Gustong manligaw sayo Allyson."

"Yaya naman! Hindi ako nag papaligaw may asawa ako noh!"

"Pero wala na si Sir. Frits. Keri bells na yan!"

"Yaya ha! Napipikon na ako sa inyo. Ayoko pong makakarinig na wala na si Frits. Dahil hindi ako naniniwala. Sige na po pakitapon nyo na lang po ang mga bulaklak na yan."

"Wag po Yaya!!"

Nilingon ang nagsalita at napangiwi ako ng makita ko ang mga dumating. Tama! tatlo silang mag iinis na naman sakin. Si Grace,  Jeannette at Dianne. Nakapameywang akong humarap sa  kanila habang nakataas ang kilay ko. "Ang Aga! Aga nyong pambwiset! Anong kailangan nyo?"taas kilay kong tanong.

"Wow! Ikaw na nga yan Allyson. Ang malditang si Allyson. Taray! Ang kilay kasing taas ng Building sa Makati." pambubuska ni Jeannette.

"Uyy! Wag mong Asarin yan si Ally. Alalahanin mo! Single yan sa Valentines. At  takenote tayo may ka Date sya wala."sabay halakhak ni Grace.

"Aba't mga Panget na to ah! Nang iinggit pa sakin."sabi ko sa isip ko.

"Bahala nga kayo dyan!"sabay talikod ko sa kanila. Nakakainis kasi ang mga iyon. Simula ng magka Lovelife wala ng ginawa kundi ang Inisin ako. Pati ang date nila Group Message pa yata. Kulang na lang pati pag punta nila ng Langit iparinig sakin.

"Uyy Ally! Wag kang pikon!"ani Jeannette.

Sinundan kasi nila ako hanggang sa balkonahe ng Mansyon na nasa ibaba. Dala-dala ni Jeannette ang isa sa mga bulaklak na binigay ni Y.H.

"Tingnan mo Ally. Hanggang dito sa inyo pinapadalhan ka ng mga bulaklak ni Y.H. pwede ka ng magtinda ng mga bulaklak nyan."ani Jeannette.

"Ikaw na lang magtinda kung gusto mo!!"

Ngumiti si Jeannette. "Wag kang magalit Ally. Kwentuhan lang tayo."

"Nang iinis ka kasi eh, Bakit ba kayo nandito?"

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 2 (Published Under Psicom)Where stories live. Discover now