chapter 130

165K 4.4K 518
                                    


Frits's POV

"Son, Itigil mo na yang pagpapakalasing mo. Hindi yan makakatulong sa problema mo."

Patuloy ang pag-inom ko ng alak habang nakatingin sa kawalan.
Lumunok ako upang itago ang sakit na nararamdaman ko.
"Dad, palagi na lang bang may hahadlang sa kaligayahan namin ni Ally? Bakit kailangan nilang sirain ang pamilya namin?"

Naramdaman ko ang yabag ng mga paa ni dad, at ang pagtapik nya sa balikat ko.tiningnan ko sya. "Matatapos din ang lahat ng ito. Maging matatag ka lang."

"Hindi ko alam dad,"buntong hininga ko.

"Oo nga pala son, Pinaghahanap na ng mga awtoridad ang mag- Amang Luaward. tumutulong na din ang mga kaibigan kong mafia na nandito sa pilipinas para matunton ang kinaroroonan nila."

Mahigpit ang pagkakapit ko sa hawak kong bote ng alak. Kulang na lang madurog ito sa kamay ko. Dalawang araw na mula ng biglang umalis si Ally kapalit ng kalayaan ng tita nya. Halos mabaliw ako sa sobrang pangungulila at pag-aalala sa  kanya kung buhay pa sya. Pero ng napag-alaman kong may kinalaman si Terrence sa pagkawala ni ally. Nabuhayan ako ng loob. Alam kong hindi nya kayang saktan si Ally. pero oras na matunton ko ang pinagtataguan nila. Uubusin ko ang lahat ng Bala ng baril ko para sa mag-amang luaward.

"Dad, kapag nakita nyo si Terrence. Ibalato nyo na sya sakin. Ako ang papatay sa kanya. Pwede ba?"Lumingon pa ako kay Dad,

Tumungga muna ng alak si dad,bago nagsalita. "Sa lahat ng pinaghirapan mong hirap para sa pamilya mo. Siguro karapatan mong ilagay sa kamay mo ang Batas. Go on! Sayo na ang Anak. Ako naman sa Ama nya."

Bumuntong hininga ako. May pait sa dibdib ko kapag naiisip ko si Ally at ang anak ko na nasa sinapupunan nya ang baby bunso namin. "Namimiss ko na sya dad, namimiss ko na si Ally.."

"Hindi tumitigil ang mga tauhan at mga kaibigan ko para matunton ang mag-Ama. Wag ka'ng mag-alala. Mahahanap din natin sila."

"DADDY!!!!" tinig iyon ni John Ace, umiiyak syang lumapit sa'kin.

Yumuko ako at kinarga ko sya. "Why kuya?"tanong ko.

"Daddy... where is my mommy? Na mimiss ko na sya." Sabi nya habang umiiyak.

Pinunasan ko ang luha ng anak ko. "Si mommy. nag vacation lang sa amerika. Babalik din yon."pagsisinungaling ko sa anak ko.

Tumingin sakin si john Ace, "Hindi na ako magiging Bad kuya. Lagi ko ng papahiramin si Jhoace ng toys ko. Basta bumalik na sya dito."

May pait sa mga ngiti ko habang pinipilit kong magpakatatag at sagutin ang mga tanong ni John Ace. Ako din naman miss na miss ko na sya. halos napapabayan ko na ang kumpanya para lang mahanap sya. Hindi ako tumitigil sa paghahanap. Ginamit ko na ang koneksyon ko sa mga kaibigan kong Gangster at Mafia para mapadali ang paghahanap kay Ally. Ngunit dalawang Araw na. Wala paring balita sa asawang kong si Ally.

"Hahayaan mo sasabihin ko kay mommy mo. Na good boy  kana!"

"Dad, gusto kong marinig ang boses ni mommy. Tawagan mo sya ngayon hindi ako makatulog kasi hindi ko naririnig ang pagkanta nya samin ni jhoace. Please daddy. Call her."

"Baby John Ace, diba? Pag Bigboy na nakakaya nang matulog mag-isa? sa amerika midnight na. tulog na si mommy. Pag-ginising pa natin. Baka magkasakit si baby bunso diba?nasa tummy pa ni mommy si baby bunso?"

Nakita ko ang kalungkutan ni John Ace sa mga sinabi ko.tapos kumawala sya sa pagkakayakap sa'kin."Okay dad, i Understand." lugo-lugo itong bumitaw sakin at dahan-dahang naglakad palabas. Nagkatinginan kaming dalawa ni Dad, "Hindi mo ba pupuntahan ang anak mo?"ani Dad,

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 2 (Published Under Psicom)Where stories live. Discover now