chapter 156

166K 4.2K 790
                                    

Ally's POV:

"Oh! tissue."abot sakin ni Dianne.

"Salamat!"kinuha ko iyon at pinunas ko sa mga luha ko dahil sa kakaiyak ko. Kahapon kasi ng makita kami ni Frits. Hindi na sya umuwi ng Bahay. Magdamang ko syang inantay ngunit hindi sya umuwi. Ang sakit ng sinabi nya sakin. Alam ng Diyos na wala akong ginagawang mali sa kanya. pero naniwala sya.

Tumabi sakin si Dianne. nasa Living Room kami ng Bahay at nakaupo sa Sofa. "Hays! Wag ka ngang umiyak dyan! Hayaan mo nga yang asawa mo. Ang bilis maniwala sa Pinsan nyang hilaw. Hindi yan dapat iniiyakan!" nakasimangot nyang sabi.

Inakbayan ako ni Mysdee sa Balikat. "Ally... hayaan mo makakapag isip-isip din yang asawa mo."

Tinitigan ko silang dalawa. "Paano nga yon mangyayari na BrainWash na sya ng Pinsan nyang si Samara. Ang dali nyang napaniwala."

"Hayaan mo kapag naalala na ni Frits ang totoo. Sya na mismo ang lalapit sayo. sa ngayon ipagpatuloy mo ang buhay mo. At ipakita mong kaya mong mabuhay kahit wala sya. Diba? Nagawa mo ngang mabuhay ng wala sya noong nasa Amerika kayo." Ani Dianne.

"Kailan pa sya makakaalala kapag huli na ang lahat?"sabi ko habang patuloy ang pagpunas ko ng mga luha ko.

Tinitigan ako ni Mysdee. "Cousin. Gusto mo Banggain natin si Frits. isang beses lang! Mauna lang ang ulo para makaalala sya."

Inirapan ko sya. "Ano yan! Pelikula. Kapag nauntog bigla makakaalala ng Lahat? Hindi ganon kadali!" sabi ko.

"Kung ganon? Anong gagawin mo?hahabol ka ba sa kanya at makikiusap na wag kang iwan? Ganoon ba?"tanong ni Dianne.

Saglit akong napaisip. Ano nga ba ang gagawin ko? Iiyak ba ako at magmumukmok sa isang Tabi? Wala naman akong ginawang masama sa kanya. ang sama-sama ng loob ko sa kanya dahil sa sinabi nya saking "Malandi ako!" Wala naman akong nilalanding iba kundi sya lang. Sya lang ang lalaking nilandi ko kahit noon pa. dahil kahit kailan hindi ko yon gagawin sa kanya.

"Hindi ako magmamakaawa sa kanya para bumalik sya samin ng mga anak ko. Wala akong ginawang kasalanan sa kanya kaya hindi ako ang dapat na humingi ng Tawad."

"Paano ang mga bata?"tanong ni Dianne.

Huminga ako ng Malalim. "May karapatan sya sa mga bata. Maari nyang makita ang mga iyon.""

"Parang pagkatapos ng Mahaba-haba nyong pakikipaglaban sa Relasyon nyo. isang Samara lang ang makakasira noon. Nasayang lang lahat ng Paghihirap nyo." Ani Dianne.

Huminga ako ng Malalim. Habang nakatingin sa kawalan."Kapag sumuko na sya susuko na din ako sa kanya."sabi ko.

Kung ganon. Tayo ng magmall. Aliwin mo ang sarili mo Ally."ani Dianne.

Tumayo ako at tumingin sa kanilang dalawa. "Hintayin nyo ako. At magbibihis lang ako!"

Ngumiti sakin si Dianne. "Yan ang Allyson na nakakilala ko matapang!"

Ngumiti lang ako sa kanya at agad akong nagtungo sa silid namin ni Frits. Upang magbihis.
Pagpasok ko ng kwarto namin. napahinto ako ng makita ko ang Wedding Picture namin ni Frits na nakadikit sa dingding at naka Paint iyon. saglit akong napatitig don. Mga bata pa kami ni Frits ng ikinasal kaming dalawa sa Simbahan. Naalala ko pa noon. Nagpakasal din kami sa pari noong wala pa akong eighteen. Kusang tumulo ang luha ko habang pinagmamasdan ko iyon. Kung naalala sana ni Frits ang lahat. Hindi sya ganon kabilis ma Brain wash.

Pagkatapos nila akong hintayin. Agad kaming Nagtungo Mall doon kami nagtanggal ng stress. nag parlor ako kasama ang pinsan kong si Mysdee at si Dianne. Nakakatuwang isipin na sa T'wing may problema ako. Palaging nariyan sa tabi ko ang mahal ko sa buhay para Damayan ako sa mga Problema ko.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 2 (Published Under Psicom)Where stories live. Discover now