chapter 159

163K 4.2K 347
                                    


Frits's POV

Matapos kong malaman na si Allyson ang bagong Presidente ng kumpanya. Nakaramdam ako ng Pagkainis! Naiinis ako dahil mas mataas ang posisyon nya sakin. Hindi ko tuloy sya kayang hawakan. Mas lalo tuloy hindi ko sya maabot ngayon.

"Where is Dad?" Tanong ko kay Yaya Chedeng ng maabutan ko sya sa Salas ng Mansyon.

"Nasa silid nya. kararating lang din nya."sagot ni Yaya Chedeng sakin.

hindi ko na nagawang sagutin si Yaya dahil. Dirediretso na akong nagtungo sa Silid nya.

"Daddy! Please open the Door."tawag ko sa kanya. Habang patuloy ang pagkatok ko sa Pintuan ng silid nya.

Salubong ang kilay ni Daddy ng buksan nya ang Pintuan ng kwarto nya. "Why son?"

Hindi ko sya sinagot. DireDiretso akong pumasok sa loob ng Silid nya. Sinundan naman nya ako ng tingin bago nya isinarado ng pintuan. Lumapit sa kinauupuan ko.

"Anong kailangan mo Frits?"tanong sakin ni Dad.

"Bakit mo ginawang Presidente ng kumpanya si Allyson?"

Umupo si Dad sa malambot na sofa na nakaharap sakin."Si Allyson naman talaga ang dapat ang maging presidente ng kumpanya dahil sa kanya yon."

"Pero Paano ko sya  mahahawakang muli  kong mas mataas pa sya sakin?"

Tinitigan ako ni Daddy. "Ang asaw  mo Frits. Madali mo lang syang makuhang muli. Alisin mo lang ang mga bagay na ayaw nya ang ikinagagalit nya sayo."

"Anong ibig nyong sabihin Dad.?

"Lumayo ka kay Samara. Alam mo namang hindi mo sya tunay na pinsan. kahit itinuturing natin syang kamag anak. Wag mong kakalimutang Hindi kayo magkadugo. At maaring mangyari ang bagay na kinatatakutan mo. Ang tuluyang masira ang Pamilya mo ng dahil kay Samara."

"Umiiwas na ako Dad, sya lang ang lapit ng lapit sakin."

"Kung ganon! Hanapan mo ng Solusyon yang problema mo."

"Paano? Wala akong masyadong maalala.. ang alam ko lang mahal ko si Allyson asawa ko sya at may anak kami."

Hindi na mababago ang desisyon ko. Si Allyson na ang bagong Presidente ng kumpanya.at ikaw bilang vice President. Dapat mo syang Turuan kung ano ang mga bagay na kailangan nyang matutunan. Iwasan mo si Samara hanggat maari."

Lugo-lugo akong lumabas ng kwarto ni Dad. Sinipat ko ang wrist watch ko. Alas Sais pa lang ng gabi. Sumakay ako ng kotse ko at nagtungo ako sa Bar kung saan pagmamay ari nila Teo.

"Anong ginagawa mo dito Frits? Sarado pa ang Bar."tanong sakin ni Teo. salubong ang kilay nitong nakatingin sakin.

"Pwede mo ba akong papasukin? Gusto ko lang uminom."

"Hindi pwede! lagi ka na lang bang tatakas sa problema mo!"

"Gusto ko lang pansamantalang makalimot."

"Ganyan kana noon pa!"

Tinitigan ko sya. "Anong ibig mong sabihin?"

"Teo!"

Napalingon kaming dalawa ni Teo. lumapit si Yurilaine kay Teo at dinampian ng halik sa pisngi. "Hayaan natin si Frits.. makakapag-isip din yan."ani Yurilaine.

Tinapunan ako ng tingin ni Teo tapos huminga sya ng malalim.
"Sige pumasok kana!"sabay talikod sakin ni Teo.

"Sumunod ka samin Frits!"ani Yurilaine.

Tumango ako at sumunod sa kanila. At dahil hindi ba bukas ang Bar doon ako dinala sa Silid kung saan laging tinatambayan ni Teo at alfred. Inihain sakin ang iba't-ibang Alak. "Ubusin mong lahat yan ng Makaalala kana!"inis na sagot sakin ni Teo.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 2 (Published Under Psicom)Where stories live. Discover now