chapter 122

214K 4.8K 238
                                    

Ally's Pov

"Dianne, bakit mo ba ako pinapunta sa bahay mo? Wala naman pala tayong gagawin kundi ang magkutkut ng balat ng kalabasa. At mag solitare."inis kong tanong kay dianne. Habang nasa Sala kaming dalawa at nanonood ng Movie.

Hindi nya ako pinansin nanatili lang syang nakatutok ang mga mata sa pinapanood. Kung kaya't binato ko sya ng buto ng kalabas.

"What??"

"What your Face!" Uuwi na ako ng mansyon. Baka hinahanap na ako ng kambal." Aakma sana akong tatayo ngunit. Mabilis nya akong pinigilan.

"Hindi ka nila kailangan don!"

"What do you mean?"usisa ko.

"I mean is. Hindi ka nila kailangan don kasi diba? May yaya naman ang kambal. Ang asawa mo naman nasa office diba? Kaya mag enjoy ka muna dito."

Nameywang ako sa harapan nya. Kung hindi lang buntis si Dianne. nakatikim na sya ng batok sakin.
"Nakakaenjoy ba ang ginagawa ko? Mag solitare. Manood ng boring na movie at higit sa lahat balatan ang buto ng kalabasa!" Nilamukos ko ang mukha ko sa inis! Hindi ko alam kung dala lang din nagpagbubuntis ko. Dapat nagpapakabusy na ako dahil 3 days na lang at birthday na ng kambal. Pero ang nangyari narito ako ngayon sa Bahay nila Dianne at nagbibilang kung ilang buto ng kalabasa ang mababalatan ko at makakain ko. Urgh!

"Anong oras na ba?" Tanong sakin ni Dianne. Muli nitong tinuon ang mga mata sa panonood. Parang hindi man lang ito aware na Naiinis na ako. Sa kanya. Ganito ba ang buhay na gusto ni Dianne. Ang boring!

Nakasimangot akong tumingin sa orasan ko. "Alas Singko na ng hapon."inis kong sagot.

Limang Oras na pala akong narito sa bahay nila Dianne.pero parang pakiramdam ko isang dekada na akong nakatigil dito. Ang boring kasi. Masyado pang tahimik. Yung tatlong katulong nila isa lang ang medyo bata. Siguro nasa edad trenta itres ang pinakabata. Kaya lang kaninang wala na sigurong gagawin sa bahay napansin kong nag gagansilyo ang tatlo habang nakikinig ng A.m Radio at nakikinig ng Drama sa Radio. Samantalang ang katulong namin sa bahay. Clash of clan at Facebook ang pinag kakaabalahan kapag walang ginagawa. Ang pinakikinggan music yung mga bagong kanta. Minsan pa nga mas latest pa sila saking makaalam ng mg bagong kanta.

"Mamaya ka na lang umalis. One hour pa please girl. Na miss lang kita." Pakiusap nya sakin.

"Talaga? Na miss mo ako? Hindi mo nga ako pinapansin eh, bising bisi ka sa pinapanood mo!"

"Matagal ko na kasi itong gustong mapanood."

"Tss.. Ewan ko nga sayo!"inis kong sagot.

"Yaya!" Tawag ni Dianne sa isa sa mga katulong nila.

Agad namang lumapit ang yaya nya."Naluto nyo na po ba?"

Tumango ang yaya nya." Good.. thanks yaya. Pakidala na lang po dito!"

"Masusunod po senyorita Dianne."

"Thank you!"

"Dianne, ano ba ang pinaluto mo do'n? Tanong ko ng makaalis ang katulong nila.

"malalaman mo din mamaya."

"Aisht! Bahala ka nga! Isang oras na lang naman ako dito. Mabilis lang yon." Sabi ko

Mayamaya palapit na samin ang katulong nila.malayo pa lang naamoy ko na ang nakatakip na pagkain. Parang bigla akong nagutom at naglaway. Inilapag iyon sa tapat ko.

"Ito na po senyorita."baling ng katulong.

"Thank you po!"

"Dianne, ang bango-bango ng nasa loob nito. Ano ba 'to?"parang gusto kong buksan kung ano ang laman.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 2 (Published Under Psicom)Where stories live. Discover now