chapter 140

178K 3.6K 76
                                    


Ally's POV

"You mean.. aakitin ko ang asawa ko? Psh! May Gosh Dianne! alam mo ba ang sinasabi mo?ang laki na ng tyan ko para gawin ang mga bagay na yan!"sabi ko kay Dianne. Habang naroon kami sa bahay nila. Kasama din namin sila. Mhady, Bernadette, Yurilaine, Jamie, Angelica, pag uusapan kasi namin ang Nalalapit na christmas party naming lahat. Ang nakakainis lang nabaling sakin ang usapan. Kaya naman lahat sakin nakatuon ang atensyon.

Nakangiti sakin si Dianne. Habang lahat sila nakatingin sakin. "Aakitin mo lang naman para mabilis na bumalik ang alaala ng asawa mo?wala namang pagbabago diba? ginagawa mo naman yun dati sa kanya noong Hindi ka pa nya pinapansin."

Inirapan ko si Dianne. "Pwede ba Dianne. Hindi ko naman inakit si Frits dati. kusa syang naakit sa akin noh!"

"Girl, Matagal na tayong magkaibigan. Wag kang magpanggap sakin. inakit mo sya. Kung hindi ko pa alam kapag hindi tayo naka school uniform nagbabaon ka ng damit na labas ang kaluluwa mo."

"Tse! Hindi yan totoo! Wag kayong maniwala dyan kay Dianne."baling ko pa sa kanila.

Nakangising tumingin si Dianne kay Mhady at Angelica. "Diba? Mhady at Angelica nakikita nyo ang maldita queen dati inaakit ang Suplado king dati?"

"Hindi ko alam eh, hindi ko sya napapansin noon na ganoon ang suot nya dati. "Ani Mhady.

"Ako din Dianne. Hindi ko Nakikitang ganoon ang suot nya palagi."sabat naman ni Angelica.

"Tingnan mo Dianne! Walang nakakita sakin na nagsusuot ako dati ng Sexy Dress para akitin si Frits."

"Mali kasi ang napagtanungan ko. Paano nga naman makikita ni Mhady eh, libro lang ang gusto nyang pagmasdan. Baka nga pati fonts  alam na alam nya. At yan naman si Angelica nakadikit ang mata nyan sa kakahabol kay Troy. So paano ka nga naman nila makikita kung hindi ka naman ng eexist sa kanila."

Muli kong inirapan si Dianne. "Bahala ka nga!"

"Hindi naman yon ang gusto kong sabihin sayo girl.. ang gusto kong iparating kung dati nagawa mong akitin si Frits. Ngayon magagawa mo pa yon."

"Paano ko naman iyon gagawin? Sige nga may nakakaakit bang lobo ang tyan. Ha! Magsusuot ako ng sexy dress tapos nauuna ang tyan ko. Baka pagtawanan nya ako."

"Hindi yan gagawin ni Frits. pustahan pa tayo! Basta sundin mo lang ako girl. Siguradong maalala ka nya ng lubusan." Nakangiti pa ito habang sinasabi nya sakin iyon.

Ano bang mga suggestion ni Dianne sakin. parang kapag ginawa  ko iyon dadami ang anak ko nun ah. iniisip ko pa lang parang ang sagwa na. Parang nakakatawa ang itsura ko talaga.

"Ano girl? Gagawin mo na ba ang suggestion ko sayo?"nakangiting tanong nya sakin.

Tumango ako."Sige, pero kapag sumablay yon. Ikaw ang mananagot sakin."

"Very good!"nakangiti pa nitong sagot sakin.

"Okay! Back to the topic na tayo."sabay ni Yurilaine.

Isa-isa kaming nag sitanguan pagkatapos muli naming pinag usapan ang mga magiging Reunion Christmas Party naming lahat. Kami kasi ang naka Assign sa preparation ng Party.

Humigit Apat na oras bago kami kanya-kanyang nag siuwian. Bawat isa samin ay may kanya-kanyang toka sa preparation ng Party. Ilang araw na lang kasi ay Pasko na kung kaya't kailangan na naming magawa ang kanya-kanya naming assignment.

Pag uwi ko ng bahay. Nabungaran ko si Mama Faith na nagluluto ng Meryenda. Inilapag ko ang bag ko sa upuan at tutulong sana ako sa kanya pero pinigilan nya ako. "Allyson.. Sige na magpahinga kana. Kaya ko na  ito!"sabi pa nya.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 2 (Published Under Psicom)Where stories live. Discover now