chapter 162

168K 4.1K 482
                                    

Ally's POV

"Welcome back iha! John Ace. Jhoace! Kamusta na kayong mga apo ko!"bati samin ni Daddy Paul.

"Lolo! i miss you!"niyakap ni Jhoace ang lolo nya.

"John Ace, Kamusta ang Binata namin?"sabi pa nya.

"Gwapo pa din Lolo!"tipid na sagot ni John Ace.

"Ally, buti naman at Bumalik na kayo. Miss ko na talaga kayo."

"Si Frits po kasi pinilit kaming bumalik."

"Buti naman at napapayag ka. Nasaan pala si Frits?"

"Nasa labas po Daddy Paul."

"Kamusta na pala ang Kumpanya?"

"Okay naman po! Mahirap sa umpisa pero andyan naman si Coby at Frits para tulungan ako."

"Handa na ang Pagkain!"ani Mama Faith.

"Tayo na Ally. Kumain muna tayo. alam mo bang Maagang nagluto yang Mama Faith mo Excited sa pagbabalik nyo."

"Ganun po ba? Si Mama  Faith talaga. Nag effort pa."

"Hayaan mo na sya Ally. Ganyan talaga yang Mama mo."

Nang makarating kami sa Kusina. Ang daming Mga Nakalatag sa lamesa na pagkain. Ang kambal kong Anak mukhang na miss ang Luto ng lola nya. Dahil talagang kumain silang dalawa ng marami.

"Ally, nasaan ba si Frits akala ko ba kasama mo sya?" Tanong ni Mama Faith.

"Opo. Hindi ko nga po alam kung bakit wala pa sya." Dapat kasi narito na sya ngayon."

"Baka may importanteng pinuntahan lang yon."

Sinubukan kong tawagan si Frits. Ngunit out of coverage sya. Kaya naman hindi ko na enjoy  ang masasarap na inihandang pagkain ni Mama Faith. Iniisip ko kasi kung Saan sya pumunta hindi man lang sya sakin nagpaalam. Grrr!

"I'm Sorry! Nahuli ako. May tira pa ba sa inihanda mo Mom?" Tumabi sya sakin at nilingon ako. "Wife ko.. sorry bigla kasi akong tinawag ng Tito ko."

"Daddy ni Samara?"

Tumango sya sakin."Wala naman doon si Samara."dugtong pa nya.

 

Inirapan ko sya. "Ginawa mo na eh, ano pa nga ba?"inis kong sagot.

"Galit ka eh.. Sorry na!"

"Wag mo nga akong kausapin!"

"Frits, bakit ba bigla kang pinatawag ng Tito mo?"tanong ni Daddy Paul.

"Pinagpaplanuhan kasi ni Tito na magkaroon tayo ng  Reunion  this week. Gusto kasi nyang bago sila bumalik ng amerika gusto nilang magkaroon tayo ng Reunion."

"Maganda nga yan!para magkaroon tayo ng  bonding lahat at makapagrelax na din. Matagal na naming hindi nagagawa ang Ganoong Bonding."

"Iyon nga po ang sabi ni Tito."

"Sabihin mo sa Tito mo na sasama tayong lahat!"ani Daddy Paul.

"Kayo na lang po siguro Daddy Paul. Marami akong gagawin sa Kumpanya."sabat ko.

Alam kong nakatingin silang Tatlo sakin Dahil sa sinabi pero. Ayoko lang mag pakaplastik. Ayokong makita doon si Samara baka masira lang ang araw ko.


"Ally, marami namang pwedeng tumingin ng kumpanya. Sumama ka na!"ani Daddy Paul.

"Wife ko..."anas ni Frits. Habang nakatingin sya sakin

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 2 (Published Under Psicom)Where stories live. Discover now