chapter 123

174K 4.2K 390
                                    

Terrence's POV

"Brix, sigurado ka bang wala ng magiging problema bukas?"tanong ko sa kaibigan kong si brix. Nasa loob kami ng mansyon nila. Sinadya kong puntahan sya para makausap ng masinsinan sa gagawin namin bukas.

Kitang-kita ko ang pagbuntong hininga ni Brix. Alam kong kinakabahan sya sa plano namin para bukas. Sa lahat kasi ng tulong nagagawin nya para sa'kin. Ito ang pinakamabigat. Dahil maari kaming makulong kapag nagkamali kaming dalawa.

"Pinag isipan mo ba ng ilang beses ang gagawin natin? Ha terrence." Bakas sa mukha nya ang pagkabalisa at pag aalinlangan.

Tinitigan ko sya. "Oo Brix, at sampung beses ko pang ulit-uliting mag-isip. Yun parin ang nais kong gawin."

"So handa ka bang magbulag-bulagan at magbingi-bingihan. Para lang makuha mo ang gusto mo?"

Tumango ako."Wala ng makakapigil sakin. Desidido na ako brix."

"Psh! Kung ganon! Magkita na lang tayo bukas ng hapon. Ipangako mo terrence kahit sumabit ka dito labas ako dito ha!"

"Oo pangako."sagot ko.

"Mabuti naman." Inangat nya ang wine glass nya. "Para sa tagumpay!"

Iniangat ko din ang Wine glass ko. "Para sa tagumpay!"ulit ko. Tapos sabay naming tinungga ang alak.

Ilang Oras pa akong namalagi sa kanila bago ako tuluyang umuwi ng mansyon. Upang doon magpahinga. Habang nasa loob ako ng silid ko. Muli kong sinipat ang larawan ni Allyson. Sa larawang iyon nakangiti sya. Feeling ko tuloy sakin sya nakangiti. "Tingnan natin Allyson kung hindi ikaw mismo ang maghabol sakin? kukunin kita kung saan ang kahinaan mo. Yan ay ang mga anak mo..."

"Terrence!!"

Narinig ko ang pagtawag sa pangalan ko mula sa likod ng pintuan ng silid ko. Kilalang kilala ko ang boses na yon. Si ate Angelou. Tumayo ako upang pangbuksan sya. "Ate bakit?"

Dirediretsong pumasok sa loob ng silid ko si Ate angelou. At kampanteng umupo sa may sofa na nasa silid ko. "Bukas na ang Araw ng pagkamatay ni mommy. Wag kang umalis ng bahay kung may iba ka pang lakad. Dadalawin natin si mama at magpapadasal tayo."

"Nandito ako hanggang umaga pero pag dating ng hapon aalis ako ate,"sagot ko.

"Para ano? Para pumunta sa birthday ng kambal na anak ni Allyson? Wag mo'ng gawin ang masamang binabalak mo Terrence."

"Umiwas ako ng tingin. Ate pagtatalunan ba ulit natin yan? Alam mo namang hindi mo na ako mapipigilan. Diba?"

Tumayo sya sa pagkakaupo at lumapit sakin. "Terrence, itigil mo na yan. Mapapahamak ka lang dyan!"

"I'm sorry Ate, pero hindi ko talaga kayang sundin ang gusto mo."

Bumuntong hininga sya. "Pagkatapos pala ng padasal bukas kay mommy. Pupunta na ako ng amerika. do'n na ako titira. Mukhang hindi nyo na ako kailangan dito eh, kaya babalik na lang ulit ako do'n. Mag iingat ka. Sana isang araw marealize mo ang katangahang ginagawa mo." Saglit pa nya akong tinitigan bago tuluyan syang lumabas ng kwarto.

Tinanaw ko na lang si ate angelou. habang palabas ng silid ko. Mabigat sa loob ko ang Sinabi nyang babalik na sya ng Amerika. Dahil wala na akong kakampi dito. pero wala akong magawa dahil ginusto ko ito. hindi nagkulang si ate sa pagpapaalala sakin sa mga mali kong ginagawa ako lang talaga ang ayaw tumigil sa katangahang ko.

Santiago Mansyon

Mula sa labas ng mansyon. Makikita mo na ang mga halihalerang mga mamahaling sasakyan. Sa loob nito maririnig mo ang ingay ng sound music nila at ang mga ingay ng mga bata. Nasa loob pa lang kami ng sasakyan. Habang inaantay naming i-check ang sasakyan namin ng guard. Hindi kami nagpaghalata kahit sobrang delikado ang gagawin namin. sobrang higpit ng seguridad bago ka pa makapasok sa loob.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 2 (Published Under Psicom)Where stories live. Discover now