chapter 147

156K 4.3K 609
                                    

Ally's POV,

Dalawang buwan na ang nakakalipas ng ipanganak ko ang bunso naming anak na si Shawn Skyler. Halos lahat ng tao sa Mansyon naging paborito si Shawn Skyler. maging ang kambal kong anak na si John Ace at Jhoace ay palaging nakabantay kay shawn skyler.

"Wife ko.. Alis na kami ni Daddy. Susunduin lang namin sa Airport si Samara."ani Frits. Hinalikan ako sa pisngi bago ito umalis.

"Hindi ba sasama si Mama Faith sa pagsundo nyo?"

"Request kasi ni Samara na kami lang ni Dad ang sumundo sa kanya."

Tumango ako sa kanya. Gusto ko pa sanang magtanong ng magtanong kaya lang baka mainis sakin si Frits. "Sige mag-iingat kayo ni Daddy Paul."

Lumapit sya sa mga anak namin upang bigyan ng halik sa pisngi. "Bye wife ko, bye kids!"sabi pa nya.

"Bye Daddy! Takecare."sagot ng kambal.

Kinarga ko si Shawn Skyler. Patungo sa silid ni Mama Faith. Gusto ko kasing malaman kung bakit ayaw syang makita ng Pinsan ni Frits. "Twin, go to your yaya!"sabi ko.

"Yes, Mommy!"sagot ng dalawa.

Agad akong kumatok sa silid ni Mama Faith. agad naman ako nyang pinagbuksan ng pintuan. "Hello Baby Shawn!"sabi ni mama Faith kay baby Bunso. Kinarga nya at dinala sa Kama nya. Tapos nilaro-laro.

"Mama Faith.. Bakit hindi po yata kayo excited na makita ang pinsan ni Frits?" Tanong ko. Kakaiba kasi ngayon si Mama Faith. Datirati kasi kapag may mga bisita silang Pupunta si Mama Faith ang mismong magluluto ng pagkain sa bisita. Kahit nga kapag dumadalaw sila Dianne. Pinaghahanda nya ng pagkain. Ngayon lang sya hindi nag effort.

Sumimangot ang Mukha ni Mama Faith. Habang nakaiwas ng tingin sakin. "Alam mo naman siguro na hindi ako kasama sa magsusundo sa kanya diba? Ayaw nya sakin at lalong ayoko ng ugali nya. Yung mga katulong dito pag-iinitan na naman nya ng ulo. Ayoko sa ugali ni Samara."

Bigla kong naalala ang ugali ko noon. Hindi rin maganda ang ugali ko lalo na sa mga katulong dati. Parang ako lang pala si Samara. "Parang ako lang din pala iyon dati Mama.."sabi ko.

Umiling si Mama Faith, "Noo Ally! Wag mong ikumpara ang sarili mo kay Samara dahil ibang-iba kayong dalawa. Si Samara nanakit ng katulong. Sa pagkakakwento mo sakin at sa kwento ng mga dati nyong katulong hindi mo naman sila sinasaktan diba?"

"Hindi ko naman po sila sinasaktan."

"See?hindi kayo magkatulad. Kaya wag na wag mong ikukumpara ang sarili mo sa kanya."

"Okay po Mama Faith,"

"Ano kaya kung pumunta tayo sa Bahay nila Coby."ani Mama.

Tinitigan ko si Mama. "Pero mama Faith, paano po iyon may bisita tayong darating?"

"Bwisita yon Ally! hindi bisita. Hayaan mo na sila dito. hindi naman nila tayo kailangan. magbihis na kayo. Isama natin ang kambal."

"Pero..... Mama... Kasi baka-"

"Maniwala ka sakin Ally, Hindi tayo kawalan sa babaing iyon. Magbihis kana dali!"

Tumango na lang ako at Sumunod kay Mama. Bakit ba ganon na lang ang pakikitungo ni Mama sa babaing si Samara? Masyado bang masama ang ugali non?tanong ko sa isip ko.

Pagkatapos kong magbihis at bihisan ang mga anak ko. Umalis na kami nila Mama. At nagtungo sa Bahay ng Mag asawang Coby at Dianne. Gulat na gulat naman ang mag asawa ng dumating kami.

"Tita, Bakit hindi man lang kayo nagpasabi na dadalaw kayo samin. "Ani Coby. Nakasuot lang ito ng short At Sando.

"Biglaan lang. Ngayon kasi ang Dating ni Samara."sagot ni Mama.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 2 (Published Under Psicom)Where stories live. Discover now