chapter 133

153K 4K 558
                                    

"Husbie.."

Tiim ang bagang ni frits na lumapit kay Terrence at sinuntok nya ito. "Hayuupp kaa!!!anong ginawa mo kay Ally!!"gigil na sigaw ni frits kay Terrence habang pinagsusuntok ito.

"HUSBIE!!!ITIGIL MO YAN!"sigaw ko. Pero hindi ako pinansin ni Frits. patuloy ito sa pagsuntok kay terrence. may dugong pumapatak na semento. Dugo na mula kay terrence dahil sa  putok nitong labi. Hindi naman kasi lumalaban si Terrence sinasalo nya ang lahat ng suntok at sipa ng galit na galit na si Frits.. "papatayin na kita!!"tinutok ni Frits ang baril kay terrence. Nakita ko si angelou na nagpipigil na makialam sa pag-aaway ni frits at terrence. Habang awang-awa ako  itsura ni terrence. Hindi man lang sya lumaban kay frits. Kaya naman ng itinutok ni frits ang baril kay terrence niyakap ko ng mahigpit si frits. habang walang patid ang pag-agos ng luha ko. "Please..husbie, wag mong patayin si Terrence. Hindi mo alam ang totoo."

Napalunok si frits. Habang nakatingin sakin. Pilit nitong pinakakalma ang sarili. "Sya ang dahilan kung bakit nawala ka samin."

Hinawakan ko ang mukha nya.
"Husbie.. makinig ka sa'kin. Hindi si Terrence ang kaaway natin. Kundi ang Daddy nya.. umalis na tayo dito! Parating na ang daddy nya!"

Ilang segundo din nya akong tinitigan. bumuntong hininga sya at muling sinilip si Terrence nakatayo na. "Sige, sa ngayon paniniwalaan ko ang sinasabi ni Ally sakin Terrence. pero hindi parin tayo tapos. Magtutuos tayong dalawa pag natapos ang lahat ng 'to!" Binaling sakin ni frits ang tingin nya. "Tara! na umalis na tayo dito! Hinawakan nya ang kamay ko at umalis na kami.

"Dito tayo dumaan palabas!"ani Angelou.

Tumango silang lahat. Kasama ko si Terrence. Angelou at ang tatlong kasama ni Frits at sya. Hawak-hawak ni frits ang kamay ko. Pakiramdam ko ligtas na ako. Dahil narito na ang husbie ko. Kung kanina nagugulat at natatakot ako sa mga putok ng baril. Ngayon hindi na. Dahil laging nasa likuran  ko si frits para protektahan ako. "Wife ko, wag ka'ng matakot. Nandito lang ako."aniya habang yakap-yakap nya ako. Habang nakatago kami sa isang pader sa palabas ng mansyon.

hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa kanya. At tiningala ko sya upang makita ko ang mukha nya.
"Basta kasama kita husbie.. hindi ako matatakot."sagot ko sa kanya.

Sasagot pa sana si Frits ng marinig kong nagsalita si Terrence. "Frits..."panimula nya.

Tumingin naman si Frits kay terrence. "Gusto kong ipangako mo sakin na kahit anong mangyari iaalis mo dito si Ally ng ligtas."

Tumango si Frits. "Makakaasa ka! iligtas nyo din ang sarili nyo."

Tumango din si Terrence. Napangiti ako habang pinapanood ko silang nag-uusap. Parang nabunutan ako ng tinik. Sa wakas nawala na din ang pader na namamagitan sa kanilang dalawa. Siguradong kapag natakasan namin ang daddy ni Terrence at angelou. mag kakaroon ng panibagong samahan sa pagitan ni Frits at Terrence.

Naputol ang pag-iisip ko ng makarinig ako ng sunod-sunod na putok ng baril. Agad na itinago ako ni Frits. Samantalang ang tatlong kasama ni Frits at sila terrence ay nakipagsabayan ng baril sa labas. "FRITS!!TUMAKAS NA KAYO!! nandito na sila daddy!  kami na ang bahala dito! Sige na! Sigaw ni Terrence "

Nakaramdam ako ng pangingilabot dahil sa narinig ko. Lalo na ng marinig ko ang walang patid na putok ng baril. Parang mapapaihi ako sa sobrang takot. Ayon kasi kay Terrence. parang hayop lang  ang turing ng Dadddy nya sa mga taong kaaway nito. hindi ito nagdadalawang isip na pumatay.
Kung kanina hindi ako natatakot dahil nasa tabi ko si frits. Ngayon dobleng takot ang nararamdaman ko para saming dalawa. Habang tumatakbo kami ni frits napapatakip na lang ako ng bibig sa mga nakalupaging mga tauhan ni Terrence. Halos karamihan dito ay naghihingalo na. At ang iba ay patay na talaga.
"Wife ko..."tawag ni frits sakin habang nagtatago kaming dalawa.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 2 (Published Under Psicom)Where stories live. Discover now