chapter 100

267K 5.8K 411
                                    

Terrence's pov;

Mula ng binigyan ko ng apple si ally, naging mabait na s'ya sa'kin, natutuwa naman ako. Dahil sa wakas napapansin narin ako ng babaing mahal ko. Nakakainis lang! Dahil palaging nakabantay si frits kay ally. Habang tumatagal lalong nagiging over protective s'ya kay allyson, tulad na lang isang araw,


Bago pa ko pumasok sa loob ng saint paul nakita ko na agad si frits na nakatayo sa gate ng school. Dadaanan ko lang sana s'ya kaya lang, hinarang nya ako,
Napatingin ako sa kanya.


"why?" Kampante ko'ng sagot


"I told you before.. lubayan mo si allyson!" Sabi nya habang ang mga mata nya ay parang nagbabaga sa galit sa'kin,


Ngumisi ako, "Bakit ko naman 'yon gagawin? Sinabi ko rin naman sa'yo dati na hindi ako iiwas kay allyson. At kapag may pagkakataon. Lalapit ako sa kanya. Malay mo ako na ang pumalit sa pwesto mo ngayon!" Sarkastikong sagot ko,

"Fvck you!" Isang malakas na suntok ang tumama sa mukha ko, sa sobrang sakit pumutok ang labi ko, bago pa ako makaganti, inawat na kami ng mga papasok na mga estudyante. "Shit!"


"Mark my territory!" Sabi pa nya bago tuluyang lumayo,


"Psh!"inis na inis ko s'yang tinapunan ng tingin habang pumapasok s'ya sa loob ng school,



Kuyom ang kamao ko. Nang maalala ko iyon,




"Mr, Terrence luaward Right?"


Naiangat ko ang mukha ko. Isang mistisang babae at sexy at maganda. Nasa edad bente pataas ang nasa harapan ko ngayon, napatayo ako sa kinauupuan ko, "Yes, miss!"


"I'm leslie xhin, Nice meeting you!" Nakangiting pa'ng sabi ng babae, habang nakalahad ang kamay nito,


Inabot ko naman ito, "how are you leslie xhin?" Sabi ko,


Umupo ito sa tapat ko, "I'm good, may konting jetlag. Pero ayos lang! Bakit mo ba ako pinabalik ng pilipinas?"


Tinawag ko muna ang waiter at umorder ng pagkain namin, bago ako muling nagsalita,


"Gusto ko'ng tulungan mo ako'ng sirain ang relasyon ni frits santiago at ni allyson Ramirez," sabi ko,


Tiningnan nya ako. At ngumisi.
"Bakit? Naghihiganti kaba?may galit ka ba sa kanilang dalawa?"


Umiling ako. "Wala ako'ng galit alinman sa kanilang dalawa. Ang gusto ko lang makuha si allyson. ang asawa nya."


Tumaas ang kilay nya. "Bakit mahal mo ba ang asawa ni frits?"


"Oo, at gagawin ko ang lahat para maagaw ko lang s'ya kay frits,"


"Pagkatapos. . Magiging masaya kana ba? Sa tingin mo? Mamahalin ka rin ba ng asawa ni frits kung magkakahiwalay sila?"


Bigla ako'ng natahimik, dahil ang totoo. Hindi ko alam kung magbabago ang nararamdaman ni allyson kapag naghiwalay sila ni frits,


"Kaya nga tutulungan mo ako diba?"


"Kung 'yan ang gusto mo. Fine! Tutulungan kita, ikaw ang nagdala sa'kin dito sa pilipinas. Basta siguraduhin mo'ng sa loob ng one week tapos na ang trabaho ko sa'yo, sembreak lang namin kaya ako napapayag sa gusto mo!"


"Oo magtagumpay o hindi tutupad ako sa kasunduan, by the way, yung paunang bayad ko sayo! Naihulog ko na sa bank account mo."


"Very good... madali ka pa lang kausap," sabi nya habang nakangiti sa'kin,


MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 2 (Published Under Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon