chapter 158

160K 4.2K 462
                                    

Ally's POV

Nakaharap ako sa Salamin habang pinagmamasdan ko ang Sarili ko. "Ang ganda mo na talaga Allyson!"kausap ko sa sarili ko. Ito kasi ang unang Araw na papasok ako sa Kumpanya ng Magulang ko. At siguradong magugulat si Frits kapag nalaman nyang ako ang presidente ng kumpanya. Bigla ko tuloy naalala ang pag uusap namin nila Coby kahapon..

"Hoy! Allyson. Hindi ka ba naawa sa asawa mo? hindi mo man lang sagutin ang tawag nya."ani Dianne.

Nakaupo ako sa mahabang sofa nila habang nanonood ng Movie. Kasama ko ang mga Anak ko. Dahil pinagtataguan namin si Frits.

"Hayaan mo sya. Kasalanan nya kung bakit nangyayari sa kanya yan."sagot ko.

"Hindi ka ba naawa sa kanya. Ilang beses ng pabalik-balik sa Bahay nyo. Tapos hindi mo man lang kinakausap O kahit sagutin ang tawag nya."

Tinaasan ko ng kilay si Dianne. "Alam mo Dianne. Wag mo sakin isisi ang nangyayari sa kanya.  Kasalanan nya yan. Dahil mas nakinig sya sa Pinsan nyang hilaw.

"Na Brainwash kasi sya ng Samara na iyon."

Inirapan ko si Dianne. "Pwede ba Dianne. Wala na akong pakialam sa kanya. Bahala na sya!"inis kong sagot. Ilang beses na kasi akong kinukulit ni Dianne. Tungkol kay Frits.

"Sigurado ka bang wala ka ng pakialam?"

Napalingon kaming dalawa ni Dianne. Nakita namin si Coby. Kararating lang galing trabaho. Agad na sinalubong ni Dianne ng Yakap at halik si Coby. umiwas ako ng tingin sa kanila. Ang dalawa kasi nang iinggit pa sakin.

"Sigurado ka bang Wala ka ng pakialam kay Frits?ha! Ally?"

Umiwas ako ng tingin kay Coby. "Oo."

"Kung ganon. Wala ka nang pakialam kung sabihin ko sayong nagtatrabaho na si Samara sa kumpanya. Bilang assistant ng Vice president"

Tikom ang kamao ko sa nabalitaan ko ngayon. pakiramdam ko makakapatay ako ng Asong tinubuan ng Mukha. Huminga ako ng malalim upang mabawasan ang galit na nararamdaman ko bago muling nagsalita. "Talaga? bakit hindi na lang sila Magpakasal?ganon din naman pala!" Iritable kong sagot.

Lumapit si Dianne at ngumiti sya sakin. "Paano naman sila magpapakasal eh, kasal kayo?"

Tinitigan ko ng Masama si Dianne. "EH! DI IPAPA-ANNUL KO NA NGAYON DIN NG MAGPAKASAL NA SILA!!"pasigaw kong sabi.

Tumawa si Dianne sakin. "Wag kang magalit Kwentuhan lang tayo."

Inirapan ko sya. Nakakainis kasi. Bakit ba kailangan nyang sirain ang Araw ko. Urgh!

"Ally, Alam kong ikaw parin ang mahal ni Frits. Kahit galit sya sayo. in the end ikaw parin ang Hinahanap nya. Kaya kung ako sayo. Itigil nyo na ang Pride nyong dalawa. Itigil nyo na ang paghihiganti mo. isipin nyo ang mga bata. Sila ang kauna-unahang maapektuhan sa gagawin nyong dalawa."paliwanag ni Coby.

Hindi ako kumibo. At pilit kong sinasa-isip ang sinasabi ni Coby. Kaya kong kalimutan ang lahat ngunit hanggat nakabuntot si Samara. Hindi mawawala ang galit ko kay Frits at kay Samara.

Ang pagtunog ng Cellphone  ko ang nagpabalik sakin sa realidad. Agad kong sinagot ng makilala ko ang tumatawag sakin. Si Daddy Paul iyon. "Hello po Daddy Paul."sabi ko.

"Allyson. Anong oras ka pupunta?sasabihin ko na sa Board na magkakaroon tayo ng meeting."

"Daddy Paul. Paalis na po ako. With in thirty minutes nandyan na po ako."

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 2 (Published Under Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon