chapter 149

156K 4.1K 288
                                    


Ally's POV

Sobrang Ganda ng Gising ko ngayong umaga. BAKIT? Tinuruan ko lang naman ng Leksyon ang bwiset na si Samara kagabi. Anong akala nya kapag sinampal nya ako iiyak na lang ako sa isang tabi! Psh! Hindi pang Bida sa Teleserye ang Ugali ko. Pang  Bidang Maldita ako. At dahil sinampal nya ako.. eh, di nakatikim sya ng Kamao ko. Sabi sa bible kapag Binato ka ng Bato. Batuhin mo ng tinapay.. sakin. Hindi pwede yan! Pagsinampal ka! Suntukin mo para dobleng sakit ang maramdaman nya. Masama ako sa taong masama din sakin.

"Senyorita Ally!"

Narinig kong sigaw mula sa labas ng pintuan ng silid namin ni Frits. tumayo ako upang pagbuksan ko ng pintuan ang kumakatok.

"Goodmorning po Yaya Chedeng!"sabi ko.

"Magandang umaga Senyorita Ally. Pinatatawag na po kayo. Para kumain ng Almusal."

"Bakit po? Hindi pa ba umaalis sila Daddy Paul at si Frits?"

"Hindi pa po Senyorita. bumaba na po kayo para kumain. "

"Sige po Yaya, Susunod na po ako."

"Sige po Senyorita."sabay alis ni yaya Chedeng.

Nagtataka ako kung bakit narito pa si Frits at ang daddy nya. pasado alas Otso na ng Umaga. Madalas kasing bago mag Alas siyete nakaalis na ang mga ito. bigla akong nainis kay Frits dahil hindi man lang nya ako ginising. Hindi naman pala sya aalis ng maaga. Psh! "Nakakainis!" Nagmadali akong maligo upang hindi na sila mag antay sakin ng matagal. Pagpunta ko sa Dinning Room naroon na lahat sila maliban lang kay Samara.

"Goodmornig po Daddy Paul. And Mama Faith,"sabi ko.

Nang makita ako ni Frits. Tumayo sya para salubungin ako. hinapit nya ang bewang ko. "Goodmorning Wife ko.."sabi nya. Hahalikan nya sana ako pero umiwas ako sa kanya. Bahala nga sya nakakainis na sya eh,

"Why?"tanong nya sakin.

Umiwas ako sa kanya at nauna akong umupo. napapagitnaan ako ng kambal kong Anak. nakita ko ang pagbuntong hininga ni Frits ng muli itong umupo.

"Oh! Nasaan na si Samara?"tanong ni Daddy Paul.

"Ah Sir Paul. Susunod na lang daw po."sagot ni Yaya  Chedeng.

"NagpapaViP pa siguro."bulong ko.

"Hintayin na natin sya ng limang minuto tapos kapag wala parin sya. Mauna na tayong kumain."sagot ni Dadd paul.

"Wife ko..."

Hindi ko sya nilingon kahit na naririnig ko ang pagtawag nya  sakin. Ayoko syang kausapin. Naasar ako sa kanya ilang Araw na kasing si Samara ang palaging Priorty nya.

"Goodmorning Tito, Goodmorning Frits!"bungad na bati ni Samara. Agad syang umupo sa tabi ni Daddy paul.

Nagkatinginan kami ni Mama Faith at Yaya Chedeng ng mapansin namin na naka Sun glass si Samara. Ngumiti ako sa kanilang Dalawa.

"Bakit naka salamin ka Samara?tanggalin mo yan. nasa Harap tayo ng Hapang kainan."ani Daddy Paul.

Ngumisi ako sa kanya ng magsalubong ang tingin naming dalawa ni Samara. Alam na alam ko na sa likod ng kulay itim na salamin nya. hindi na maipinta ang itsura ng mukha nya. "Tito, Hindi po kasi pwedeng tanggalin."sagot ni Samara

"Eh, kasi may Black Eye sya!"kausap ko sa sarili.

"Bakit Naman?"

"Ahh... Kasi.. parang magkaka sore eyes ako. Mapula na kasi ang mga mata ko."alibay ni Samara.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 2 (Published Under Psicom)Where stories live. Discover now