chapter 154

147K 3.7K 417
                                    

Samara's POV

Gigil na gigil kong pinapanood palayo si Frits at ang Malditang si Allyson. Nakakabadtrip ang babaing yon! Binigyan ako ng Bulaklak ng Patay! Letche!

Padabog akong pumasok sa loob ng silid ko at Pinagbabato ko ang lahat ng mga mahawakan ko. "Letche ka Allyson! Ilang beses mo akong Pinahiya. Ilang beses mo akong pinalalabas na Mahina! Son of a Bitch! Sisiguraduhin kong magiging akin si Frits!!"kausap nya sa sarili.

Napalingon ako ng makita kong tumutunog ang Cellphone ko. Agad ko iyon sinagot si Papa.
"Hello Papa!"sagot ko.

"Samara, bumalik ka na dito sa Amerika. Hinahanap ka na ng Mama mo?"

"Ayoko! Hindi ako aalis dito sa Pilipinas ng hindi ko nakukuha si Frits!"

"For God Sake Samara. Mangilabot ka nga sa mga pinagsasabi mo? Mag pinsan kayo ni Frits!"

"Psh! Hindi kami magkadugo ni Frits! Kaya walang makakapigil sakin na makuha sya!"

"Samara, sa Mata ng mga tao mag pinsan kayo. Ano na lang ang sasabihin ng ibang tao kung ipipilit mo ang gusto mo!"

"The hell i Care! Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba."sabay Putol ko sa tawag.
Sa inis ko ibinato ang Cellphone sa Dingding.

"Kailangan kong makahanap ng paraan para Mawala sa landas ko si Allyson!"

Nagtungo ako sa MiniBar na naroon sa ground floor ng Mansyon. Doon ako uminom ng Alak. Hawak-hawak ko ang isang baso ng Alak ng Maalala ko Noong mga bata pa kami..

Labing tatlong Tao ako noon ng napatira kami sa Pilipinas. nang  mga panahong yon Dumalaw samin si Frits at ang Magulang nya. Birthday kasi noon ng Bunsong kong kapatid na lalaki. si Frits noon ay nasa edad Sampung taon. Ngunit mukha na itong binata dahil sa tindig nya at sa porma nya. Unang kita ko pa lang sa kanya nakaramdam na ako ng kakaibang pakiramdam.

"Papa! Sino po sya?"tanong ko noon kay Papa.

Lumapit sakin si Papa. "Sya si Frits, Pinsan mo sya. Anak sya ni Kuya Paul."

Hindi ko alam noon kung bakit ganoon na lang ang lungkot na naramdaman ko nang malaman kong Pinsan ko si Frits.

"Hi Cousin!" bati sakin ni Frits. Nakangiti sya noon sakin. Habang kitang-kita mo ang dalawang dimples nya. Sa murang edad. nararamdaman ko na ang pagka-ilang ko sa kanya at pamumula ng Mukha ko. na dapat hindi ko iyon maramdaman.

"Hi!"Tipid kong sabi.

"Cousin. Tara kumain na tayo. ang tagal kasing mag usap ng mga Daddy natin eh, naguguton ka na ba?"tanong nya.

Kahit busog na busog ako noon. Napilitan kong muling kumain dahil hinihila na ni Frits ang kamay ko. "Cousin, Ubusin nating Dalawa yan ha!"sabi ni Frits noon. Habang nilalagyan nya ng mga pagkain ang plato naming dalawa. Habang ginagawa nya iyon. Nakatitig lang ako sa kanya.

"Sige.. "tipid kong sagot. Habang ang mga mata ko nakatuon lang sa kanya.

Biglang tumingin sakin si Frits. At nahuli nya akong nakatingin. Agad kong iniwas ang tingin ko sa iba. Habang pakiramdam  pulang-pula na ako.

"Cousin.. Humarap ka nga sakin? Paano ka kakain kung sa iba ka nakatingin. Alam kong masyado akong Gwapo. Pero ayos lang yan Pinsan. Nasa Lahi natin talaga ang Magaganda at Gwapo."

Mabilis akong lumingon sa kanya? "Ibig sabihin?maganda ako?"

Tumango sya sakin." Oo naman maganda ka. Maganda ang Lahi natin eh,"

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 2 (Published Under Psicom)Where stories live. Discover now