chapter 106

206K 5K 638
                                    

Frits's pov;

Isang linggo na simulang ng magkahiwalay kami ni ally, naging matigas ang puso ni ally sa'kin. Ilang beses ko s'yang sinuyo at nagmakaawa sa kanya. Pati ang parents ko tumulong na din na kausapin si Ally. Para muli kaming magkabalikan. Pero tumanggi si Ally, labis-labis ang sakit na naramdaman ko. Ang pangungulila ko sa kanya na halos mababaliw ako sa t'wing papasok ako sa kwarto namin na hindi s'ya nasisilayan.
ilang galon na luha na kaya ang naubos ko dahil sa pagkakahiwalay namin. Nanatili syang matigas at hindi ko nakuha ang pagpapatawad nya. Alam ko'ng may kasalanan ako. Pero nakakaramdam ako ng galit na rin sa kanya. Dahil hindi nya ako nagawang pakinggan. Mas nanaig sa kanya ang galit at naniwala sa nakita nya,

"Tok! Tok! Tok!"
Isang marahang pagkatok ang narinig ko. Marahil si mommy iyon,

"Mom, bukas po 'yan!"sigaw ko habang inaayos ko ang maleta ko,

Agad namang pumasok si mommy. At lumapit sa'kin. Kasama nito ang ninong ko'ng bakla si ninong christopher.

"Sigurado ka ba'ng wala ka'ng naiwan?"tanong ni mama sa'kin,

Ni lock ko muna ang maleta ko bago ako nagsalita, "Yes, mom" sagot ko,

"Mag-iingat ka doon sa amerika anak ha! Mamimiss kita!"mangiyak-ngiyak na sabi ng mommy nya,

Huminto ako sa ginagawa ko at niyakap ko si mommy,
"Mom, thank you po! Salamat sa lahat ng suporta mo sa'kin. Mag-ingat kayo dito ni daddy!"

"Anak, mag-iingat ka do'n balitaan mo ako sa mangyayari sa'yo ha!"

"Tumango ako bago ngumiti.
"Yes, mom."

"Inaanak. yung mga itinuro ko sayo ha! Galingan mo dapat hindi ka mahalata!" Sabat ng ninong ko'ng bakla,

"Opo Ninong! Salamat sa suporta."

"Magpapadala ka anak ng mga larawan ng kambal mong anak ha!"

"Sure mom,"ngiti ko pa,
Pagkatapos hinila ko na ang malate ko. Palabas ng kwarto. Tinulungan naman ako ng ninong ko na buhatin ang iba ko pang bitbit na gamit.

"Frits, si Allyson bukas pa ang uwi nila sa amerika."

"Yeah, kaya nga inunahan ko na silang makarating sa amerika. Para makapaghanda ako sa mga plano ko."sagot ko,

Ngumiti si mom sa'kin, ibang-iba ka na talaga anak. Talagang hindi ka papayag na mawala sa'yo ang pamilya mo. I'm so proud of you Frits."

"Thank you mom, tapos binaling ko ang tingin sa ninong ko'ng bakla."Ninong, Salamat po. Alis na po ako,"ngumiti pa ako sa kanya.

"Payakap nga ina-anak."tapos lumapit si ninong sa'kin at niyakap ako. "Mag-iingat ka do'n ha!"

"Hoy!christopher. Inaanak mo yan! Wag mo'ng molesyahin."biro ni mommy kay ninong.

Inalis ni ninong ang pagkakayakap sa'kin at humarap kay mommy. Inirapan nya ito.

"Ano ba yang pinagsasabi mo faith? inaanak ko si frits! Kadiri ka! Parang anak ko na yan. Ang dumi ng iniisip mo" Inis na sabi ni ninong.

Napailing na lang ako habang nakangiti sa kanila. Pag magkasama talaga si mommy at si ninong christopher laging nag- aasaran ang dalawa parang mga bata. Si mommy kasi ang hilig nyang asarin si ninong kapag nagkikita sila. Tapos si ninong pikon naman agad.

"I have to go! Bye mom, bye ninong."paalam ko sa kanila pagkatapos sumakay na ako sa kotse.

"Tara na po mang tonny!" Sabi ko sa isa sa mga driver namin na maghahatid sa'kin sa airport.

Habang binabagstas namin ang daan patungo sa Airport. Bumalik sa ala-ala ko ang dahilan kung bakit ako aalis ng bansa,



Kasalukuyan ako'ng nasa loob ng kwarto noon. ng magtext sa'kin si Leslie. Ayoko na sanang buksan ang message nya sa'kin. ngunit naisip ko paring basahin dahil baka masama ang nakalagay sa message nya kaya binasa ko na lang.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 2 (Published Under Psicom)Where stories live. Discover now