chapter 98

251K 6K 535
                                    

"Terrence, tama yan!" Inagaw ni angelou ang hawak na bote ng alak ni terrence,

"Ate, ibigay mo sa'kin yan! Hik!" Ani terrence,

Pailing-iling na pinagmasdan ni angelou ang bunsong kapatid, habang nagpapakalunod sa alak,

"Tigilan mo na 'yang kahibangan mo. Nang hindi kana nasasaktan, magising ka na sa katotohanan na hindi na magiging kayo ni allyson,"

Muling tinungga ni terrence ang natitirang alak na nasa harapan nya, "Noo! Ate H-hinding-hindi ako susuko sa kanya, gagawin ko ang lahat makuha ko lang si allyson. Kahit buntis na s'ya mahal ko parin s'ya. Gusto ko parin s'yang makasama,"

"Aish!! Ano pa ba ang dapat ko'ng gawin sayo terrence,"

"A-allyson. . . B-bakit H-hindi mo ako kayang mahalin? Bakit mailap ka sa'kin? Bakitt!!!" Kausap nya sa boteng hawak nya,

"Yaya!!"tawag ni angelou sa katulong nila, ilang minuto lang nariyan na ang katulong nila,

"Bakit po ma'am?"

"Tulungan n'yo po ako'ng buhatin si terrence sa kwarto nya, lasing na lasing na kasi,"

Tumango ang katulong nila, tapos binuhat nila ito papunta sa loob ng kwarto ni terrence,

"Tss.. mai-inlove ka lang doon pa sa taken, at doon pa sa wala ka'ng pag-asang mahalin,"bulong ni angelou habang pinagmamasda ang tulog na si terrence,



***

Santiago mansyon;

"Wife naman oh, bakit ayaw mo ako'ng makita!! Please naman wife ko.. namimiss na kita.." sabi ko.habang walang tigil ang pagkatok ko sa pintuan ng kwarto namin ni ally, naroon sa loob ng kwarto si ally habang ako narito sa labas, naka-one month bedrest si allyson, simula ng nabuntis si ally, palagi na ako'ng excited na umuwi, hindi na ako sumasama sa mga gala namin ng mga kaibigan ko, gusto ko kasing makita palagi si ally at ang baby namin na lumalaki sa t'yan ni ally,

"Wife naman eh.. "sigaw ko,

"Hahaha!" Narinig ko ang tawa mula sa likuran ko, sila dianne at coby, pinapanood ako habang nagmamakaawa ako'ng makapasok sa loob ng kwarto namin,

"Bakit kayo nandito?"inis ko'ng sabi,

Tumawa si dianne, tinawagan ako ni ally eh, magdala daw ako ng green apple at ginisang alamang na luto ni kuya daniel,

"Ganon ba?"

"Ibang klase ang trip ng mga naglilihi noh? Daig pa nakadrugs,"sagot naman ni coby,

Lumapit si dianne sa pintuan at kumatok s'ya, "Ally!! Girl nandito na kami," sigaw ni dianne, maya-maya biglang bumukas ang pintuan, agad ko'ng niyakap si ally, ilang araw ko na s'yang hindi nayayakap, ayaw nya kasi ako'ng katabi sa pagtulog,

"Wife i miss you."hinalikan ko pa ito sa pisngi, pero tinulak nya ako,

"Hmpt! Ang BAHO MO!! Ayoko sa'yo!!"tulak nya sa'kin,

Pakiramdam ko susuko na ako sa ginagawa nyang rejection sa'kin, bakit ba kasi ako pa ang pinaglilihian ni ally, hindi ko tuloy s'ya malambig, dumistansya ako sa kanila para tuloy ako'ng others, habang pinapanood ko silang nagtatawanan. Habang kumakain si dianne at coby ng spagetti, ang wife ko kumakain ng green apple na sinasawsaw sa bagoong alamang. Ako heto. Nasa sulok, nakatanaw lang sa kanila, huhuhu! Namimiss ko na ang wife ko,

"Hindi ka parin ba gustong makita ni allyson anak?"tanong ni yaya chedeng sa'kin, ng mapansin nya ako'ng nakatanaw lang sa kanila,

Huminga ako ng malalim, at nakaramdam ako ng lungkot,

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 2 (Published Under Psicom)Where stories live. Discover now