chapter 134

168K 4.3K 970
                                    


Ally's POV;

Hindi ko namalayan na huminto ang kotseng sinasakyan namin. Sumilip ako sa labas at nakita ko na nasa Domingo Memorial park. na kami pagkuway sinilip ko ang kambal kong anak na Mahimbing na natutulog. napaka-musmos pa nila para matanggap ang ng yayari sa'min.

"Senyorita Ally, Dadalhin ko na po ang mga bulaklak na ito."narinig kong sabi ng driver namin.

Ibinaling ko ang tingin ko sa driver namin at tumango ako. Pagkuway Ginising ko ang kambal kong anak na mahimbig na natutulog.

"Mommy!!! Si Daddy?"papungas-pungas na tanong ni Jhoace.

Napakagat labi ako upang pigilan ang nag babadyang luhang papatak sa mga mata ko. pilit akong ngumiti sa Anak kong si Jhoace. hinawakan ko ang mukha nya. "Makikita mo na si Daddy mamaya."sabi ko.

"I missed him.."sagot ni jhoace.
Bago pa tumulo ang mga luha ko. niyakap ko na si Jhoace. Sobrang na miss ko na din si frits. Pero ibang-iba na ngayon. Hindi na katulad ng dati.

"Let's go babies."yaya ko sa kanila. hawak-hawak ko sa magkabilang kamay ko ang kambal kong anak. Malayo pa lang natatanaw ko na ang babaing nakatayo sa puntod. ngumiti ito ng makita nya kaming papalapit.

"Kamusta kana Angelou?"tanong ko sa kanya.

Bumuntong hininga ito at tinuon ang mga mata sa puntod. "Hanggang ngayon. Hindi parin ako makamove on. Allyson.. palagi paring bumabalik sakin ang  bangungot. tatlong linggo na ang nakakalipas pero hindi parin maalis sa isip ko ang ng yari..

"Ang hirap nga. Kahit ako hindi ko parin matanggap. Ang hirap.. hindi ko alam kung paano ko sasabihin at ipapaliwag sa mga anak ko ang lahat."

Nilingon ako ni Angelou at inakbayan sa balikat. Nakangiti ito'ng nakatingin sa'kin. "Kaya mo yan! Ako nga kinakaya ko."

Bumuntong hininga ako. "Oo para sa mga anak ko kakayanin ko."

"Minsan, kapag wala kang ginagawa mamasyal naman tayo ng mga anak mo."ani Angelou.

"Sige, Basta libre mo ha!"biro ko pa.

"Okay lang, kamukhang-kamukha ni frits ang kambal mo noh!" Ani angelou. Habang nakatingin ito sa dalawang anak kong bising-bisi sa pag lalaro.

"Oo pati ang ugali nila. sa daddy nila na nakuha. Sana paglabas ng baby bunso. ako naman ang kamukha nya."sagot ko.

"Okay lang kahit sino ang kamukha sa inyo kasi Maganda naman ang lahi nyo." Biro pa nya.

Habang pinapanood namin ang kambal sa paglalaro. Napalingon kami sa humintong sasakyan sa harapan namin. Napangiti kaming dalawa ni Angelou.

"Late na pala ako sa date nating tatlo!"

Lumapit kaming dalawa ni Angelou. Yumakap si Angelou dito. "Little brother! Hindi ka ba nahihiya kay Ally. Nauna pa sya sayong dumating dito."pabirong sagot ni Angelou.

Ngumiti ako." Halos Kakarating lang din namin dito Terrence.."

Kinuha ni Terrence ang bulaklak sa loob ng sasakyan at dumiretso sa puntod. At tahimik na nakatingin doon. Sumunod naman kaming dalawa ni Angelou.

"Kasalan ko kung bakit ng yari ang lahat ng ito. Psh! Naging selfish ako at hinayaan kong mag padala sa bugso ng damdamin ko."ani Terrnce. Kitang- kita ko ang luha sa mga mata nya.

"Wag mo'ng sisihin ang sarili mo Terrence. Ang mahalaga ngayon natuto na tayo sa pagkakamali natin."sabi ko.

Lumingon sya sakin. "Pero ikaw ang mas naapektuhan sa mga ng yari. Kasalan ko Ally kung bakit ka nahihirapan ngayon. Sorry.."

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 2 (Published Under Psicom)Where stories live. Discover now