chapter 138

188K 4.5K 292
                                    


Frits's POV

Nakakunoot ang noo ko habang pinagmamasdan ko ang mga kaibigan ko. kasama ang dalawang lalaki na hindi ko naman kilala. Nakaupo ako sa malambot na sofa habang nakadikwtro.

"Frits, Oh! pampabalik ng alala yan!"nakangising sabi ni Troy sakin. nang iabot nya sakin ang isang bote ng alak.

Mahigit isang linggo ko din pansamantalang nakalimutan silang Apat. kaya naman ng Maalala ko sila. Agad akong nakipagkita sa kanila upang tanungin sa mga bagay-bagay na hindi ko matandaan. "Psh! Siraulo!"sagot ko.

Tumawa lang sakin si Troy at lumapit sa ibang kaibigan namin at muli nya akong tinawag."Frits!kilala mo ba ito?"turo nya sa naka white t'shirt.

"Hindi! Sino ba sya?"

"Siya si Zyrus childhood friend ni Allyson. Ito naman si Teo Friend ni Allyson. Sila ang kaibigan ni Allyson.dahil don naging kaibigan na natin sila."paliwanag ni Troy.

Ewan ko ba kung bakit bigla akong nainis ng sabihin ni Troy na Kaibigan sila ni Ally. Habang pinagmamasdan ko sila. nakakaramdam ako ng inis sa kanilang dalawa.

"Naalala mo na ba agad kami?"ani Teo.

"Troy, Sabihin mo kasi na kami ang Karibal nya sa pagmamahal.
dati kay Allyson. Para bigla nya kaming maalala." Ani Zyrus.

Binaling ni Troy ang tingin kay Frits. "Sila ang mga karibal mo kay Allyson Frits,"

Matalim ko silang tinitigan. Kailangan ko na pa lang maalala ang lahat baka bigla makaisip sila na Kunin sakin si Allyson. Hindi ako makakapayag. "Mga karibal ko ba sila? Hindi naman sila nag tagumpay noon at kahit pa ngayon."mariin kong sagot. habang palipat-lipat ang tingin ko sa dalawa.

Nainis ako ng biglang tumawa si Teo at Zyrus sakin. "Alam mo Frits?hindi ka parin nag babago. Kahit hindi mo maalala ang lahat Seloso ka parin."ani Teo.

"Wag kang mag alala. tapos na ang panahon na nakipag kumpitensya kami sa iyo. Tapos na yon. May kanya-kanya na din kaming sariling pamilya."ani Zyrus.

Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko kasi hanggang ngayon. Patuloy parin sila sa panunuyo sa wife ko. Mapapatay ko sila.
"Gaano na ba ang kalalim ang naging samahan natin?"tanong ko.

"Simula noon hanggang ngayon magkakasama parin tayo sa mga problemang kinakaharap nating lahat."sabat ni luke.

"Tama at kaya tayo nandito lahat para pag-usapan ang nalalapit na christmas party. Kasama ang buong pamilya natin."si Drek yon.

"Christmas Party?"sabi ko.

"Frits, magpapasko na. Pati ba naman ang buwan at petsa hindi mo na matandaan?"ani Patrick

Hindi ko namalayan na magpapasko na. Mula ng magising ako at wala akong maalala. naging abala ang isip ko sa  pagtuklas sa mga katanungan sa isip ko. Halos hindi ko namalayan ang Mga araw. "Naging abala kasi ako sa pagbubuo ng mg alaala ko." Sagot ko.

"Hayaan mo Frits, tutulungan ka namin  na mabuo ang mga alaala mo."ani luke.

"Salamat!"sabay tungga ko ng alak.

kahit wala akong masyadong naaalala. masayang-masaya naman ako ngayon. May mga alaala akong bumabalik habang kasama ko ang mga kaibigan ko. kaya naman masaya akong Umalis sa bahay ni luke. Nauna akong umuwi dahil kailangan kong bumili ng mga pangreregalo sa mga Anak ko At sa wife ko pati sa daddy at Mommy ko at mga katulong namin sa bahay. Kaya naman habang binabagtas ko ang daan patungong mall. Hindi ko na naiwasan ang kotseng mabilis ang takbo. Nabangga ang harapan ng kotse ko. buti na lang hindi gaanong malala ang pagkakabangga. Agad akong bumababa ng kotse upang komprontahin ang driver ng kotseng bumangga sakin. Kinatok ko ang bintana ng kotse.
mayamaya lang lumabas ang nasa loob ng kotse. Isang magandang babae ang lumabas.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 2 (Published Under Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon