Special Chapter 1

179K 7.3K 699
                                    

Frits's POV

Nakangiti ako habang pinagmamasdan ko ang Tatlong   taon kong gulang na anak na si John Axle. Nakakatuwa dahil napaka-cute nyang talaga. Magkatabi matulog si Shawn at John Axle. ngunit kagabi muling kumatok siya dahil gusto nya daw kaming makatabi matulog ng Mommy nya dahil palagi daw kaming wala. Napakasaya ko dahil meron na  akong Apat na anak ng mga gwapo at maganda. Tulog na tulog pa din si Ally. Napapangiti ako kapag naaalala ko ang nakaraan. Ilang buwan pa lang ang nakakalipas. Noong araw ng kasal naming dalawa. Akala ko talaga noon buntis si Ally dahil nahihilo sya akala ko magiging lima na ang anak namin. Hindi pala dahil hindi naman pala buntis si Ally. low Blood pala sya noon dahil ilang araw na puyat dahil sa pag aasikaso ng kasal namin noon.

Naalala ko pa. Akala ni Ally sa bahay ko sya dadalhin ang hindi nya alam sa OB  Gyne ko sya dadalhin. Nabigo ako sa pag aakalang buntis sya pero wagi naman dahil napilitan si Ally na magsabi sa Ob Gyne na hindi pa sya delay at limang araw pa noon bago sya datnan. Kaya daw sya nag sinungaling sakin dahil naiinis daw sya sakin. Kasi puro paglago daw ng lahi ko ang iniisip ko.  Bagamat nabigo ako sa inasam kong anak okay lang dahil nakapag Honeymoon naman kami. At ngayon maari parin kaming bumuo ng pang limang anak namin. .

Papikit pa lang ako ng marinig ko ang pagkatok mula sa labas ng pintuan ng silid namin. agad akong tumayo upang pagbuksan iyon.

"Daddy!" Umiiyak na sabi ni Shawn skyler. Niyakap nya ako.

Lumuhod ako upang magpantay kaming dalawa. "Oh! Bakit umiiyak  ang Baby Shawn ko?"

"Daddy! Si kuya at Ate inaway ako!!"

"Anong ginawa sayo ng Ate at kuya mo?"

"Sabi nila ampon daw po ako.. hindi nyo daw po ako Anak. Kasi.. iba daw ang pangalan ko.. Daddy! diba? Hindi po iyon totoo?"

Pinunasan ko ang mga luha ni Shawn sa Pisngi at hinalikan ko iyon. Pagkatapos kinarga ko sya papasok sa loob ng silid namin. Pagkatapos itinabi ko sya sa natutulog na si John Axle.
"Tingnan mo Baby Shawn. Diba? Kamukhang kamukha mo si John Axle diba?"

Tinitigan naman iyon ni Shawn. Tapos humarap sya sakin. "Kamukha ko po ba talaga sya Daddy?"

Tumango ako sa kanya. "Oo naman! Mag kamukha kayong dalawa."

"Pero sabi ni Kuya at Ate.."

"Wag kang maniwala sa Ate at kuya mo. Inaasar ka lang non. hayaan mo. Pagsasabihan natin sila."

"Daddy Love ko po kayo ni Mommy."hinalikan pa nya ako.
"Love ko din si Ate at kuya. Pati si Baby John Axle."tapos hinalikan nya din ang Bunso nyang kapatid. Napangiti naman ako sa ginawa ni Shawn Skyler ang lambing talaga ni Shawn.

"Daddy! Mommy!" Narinig kong boses ng kambal kong anak habang kumakatok sa pintuan ng silid namin ni Ally.

"Shawn.. bantayan mo muna si John Axle ha. Tulog ang Mommy mo. Bubuksan ko lang ang pintuan."

"Opo Daddy ako na po ang bahala kay John Axle."

"Very good Anak."

Pinagbuksan ko ng pintuan ng silid ang kambal kong anak.

"Daddy! Nandyan po ba si Shawn?"tanong ni Jhoace.

"Oo! At may kasalanan kayo sa kanya."

"Sorry Daddy! Alam po namin na mali ang sinabi namin kay Shawn." Sagot ni John Ace.

"Sige puntahan nyo na sa loob."

"Thanks Dad." Pagkatapos pumasok na silang dalawa sa loob.

"Baby Shawn.. sorry na! patawarin mo na si Ate. Nagbibiro lang naman kami ni kuya. Hindi ka ampon. tunay kang anak ni Mommy at Daddy. At love ka namin ni kuya."

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 2 (Published Under Psicom)Where stories live. Discover now