Special Chapter 2

155K 4K 234
                                    

Frits's POV

Ilang beses kong sinipat ang Oras ko. Naiinip na kasi ako sa oras. Ngayon ko lang na Realize na Mahirap pala ang trabaho ng isang Fulltime Mom,  katulad na lang ngayon..

Wala ang lahat ng Babae sa Mansyon namin. Dahil pinag Out of Town namin silang lahat at Syempre kasama si Ally at Mommy. Kaya ngayon mag-isa akong Nag babantay sa mga Anak namin.

"Daddy, Penge po ako ng Milk. Nagugutom na po ako." Ani John Axle.

"Saglit lang Baby. "Agad akong nagtungo sa kusina  upang mag timpla ng Gatas. Hindi ko pa nabubuksan ang lata ng Gatas ni John Axle. Nang Lumapit sakin si Shawn.

"Daddy, ano po bang masarap na ulam? Magluluto po ako."

"Shawn Anak.. ako ng bahala sa pagluluto bata ka pa."

"Ganon po ba Daddy? Sige po paki-Off na lang ng Kalan nakasalang na po kasi ang Kawali doon Daddy."

"Ano??" Nagmadali akong tumakbo patungo sa kusina. Nakitang kong umuusok na ang kawali. Agad kong pinatay ang kalan.

"Shawn bakit mo Binuksan? Diba? Sinabi ko sayong Hindi ka pa pwedeng mag luto." malumanay ko pang sabi.

"Gusto po kitang tulungan Daddy."

"Look Baby Shawn. Kaya na iyon ni Daddy okay!"

Tumango naman sakin si Shawn ngunit habang nakatingin siya sakin. Nakikita kong paiyak na siya. Kaya naman niyakap ko sya ng mahigpit. "Hindi galit si Daddy okay. Wag mo na lang ulitin dahil baka mapaso ka pa."

"Sorry Daddy."

"I'ts okay.. sige na Baby Shawn
Bantayan mo muna si Bunso."

"Opo Daddy. "Pagkatapos umalis na siya.

"Daddy! Yung Milk ko po!" Sigaw ni John Axle.

"I'm Coming Baby Axle!"

Pinagpatuloy ko ang pagtimpla ng gatas ni John Axle. "Ang batang yon malaki hindi parin sanay uminom ng gatas sa Baso."
Pagkatapos kong timplahan ng gatas si John Axle. Lumapit naman sakin si John Ace.

"Daddy, Hindi pa ba tayo kakain? Nagugutom na kami."

Oo nga pala Tanghali na. Kanina pa ako tingin ng tingin sa Orasan. Pero hindi ko naisip na tanghali na. "Bantayan nyong dalawa ni Jhoace si John Axle at Shawn Magluluto lang ako."

"Daddy. Bakit kailangang Bantayan? Hindi na sila Baby."

"Yon nga eh, hindi na sila Bata. Makukulit ang dalawang iyon. Patakbo-takbo kaya bantayan nyo okay!"

"Pero Daddy..."

"John Ace! Ikaw ang panganay. Makinig ka sakin okay."

"Opo."

"Sige na magluluto na ako."

Agad akong nagtungo sa kusina upang magluto ng pananghalian. Kung tutuusin pwede naman akong umorder na lang ng pagkain. Kaya lang hindi ako sanay na Hindi kami nagluluto ng pagkain pag nasa bahay. Kaya ito aligaga akong magluto. Habang nakasalang ang niluluto kong kanin. kukunin ko na sana ang Manok sa refrigerator ng marinig ko ang Hiyaw ni Jhoace. Taranta akong Tumakbo sa living Room.

"Anong nangyari?" Humahangos ko pang tanong sa kanila.

"Daddy si kuya! Binura ang Facebook ko!" Galit na sabi ni Jhoace.

"Paano kasi Daddy. Puro panglalait ang mga comment niya sa mga Facebook Friend niya."

Inirapan ni Jhoace si John Ace.
"Eh, ang papangit naman talaga nila eh."

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 2 (Published Under Psicom)Where stories live. Discover now