Special Chapter 4

144K 3.6K 169
                                    

Ally's POV;

Araw ng Sabado ngayon ng sumulpot sa Office ko ang dalawa kong kaibigan na sila Grace at Jeannette,

"Anong klaseng itsura yan Allyson? Yung totoo! Natutuwa ka bang makita kami dito sa Office mo?" Tanong ni Jeannette sakin.

"Bakit naman? Masaya nga akong nandito kayo eh, ano bang klaseng tanong yan?"

"Yun naman pala eh, bakit ganyan ang mukha mo? Pasalamat ka na lang maganda ka. Kung hindi baka tahulan ka ng Aso. Dahil aakalain ng Aso aswang ka." Ani Jeannette,

Inirapan ko siya, "Ang O.A mo naman! Kapag nakasimangot Aswang na agad? Hindi ba pwedeng si Fiona muna."

Tinaasan niya ako ng kilay. "Hindi bagay sayo yang sinasabi mo teh!"

"Bakit kasi ganyang ang mukha mo? May problema ka ba sa kumpanya nyo?" Sabat naman ni Grace,

Sumimangot ako sa kanilang dalawa. "Si Frits kasi, may Bagong Secretary."

"Oh! Anong problema don?" Ani  Jeannette,

"Nakakainis kasi eh, yung kinuha bago niyang Secretary maganda at Sexy."

Nagkatanginan ang dalawa pagkatapos muling binaling sakin ang tingin. "So NAGSESELOS ka? O INSECURE ka!" Ani Grace,

"Ofcourse not!"

"Dapat lang nang hindi ka mainsecure noh! Sa ganda mong yan! may hahanapin pa ba si Frits sayo? Eh diba nga? Madalas siya ang nag seselos." Ani Jeannette.

"Tama si Jeannette. Wag mo masyadong pansinin yung bago niyang Secretary For sure mas maganda ka don!" Sabat naman ni Grace,

"Yun nga sana ang gagawin ko kaya lang.. yung Secretary niya, Malandi kasi laging kita ang Cleavage niya. Sa tuwing Papasok sa Office. Nakakainis kapag nakikita ko."

"Well, wala ka ngang Laban sa babaing Malandi Ally." Ani Grace,

"Wala ba kayong Dress code dito Ally?" Tanong ni Jeannette.

"Meron, kaya lang sinasadya niya talagang magsuot ng kita ng  dibdib niya."

"Eh, di Tanggalin mo sa kumpanya mo! You're the boss of this company kaya may karapatan kang mag tanggal ng empleyado." Ani Grace,

"Kung pwede ko ng  lang gawin yon ng hindi magagalit si Frits, Secretary niya yon eh," nakasimangot niyang sabi.

"Well, Kumpara sa mga napagdaan nyong problema. Napakadaling solusyunan yan. Kung baga maliit na bagay lang yan." Ani Grace,

"Sabagay.. Teka ka nga! Ano bang dahilan at bigla kayong sumulpot dito sa Office ko?" Tanong ko sa kanila.

Ngumiti si Jeannette, at inilapit pa niya ang mukha niya sakin. " Alam mo ba girl. May bagong bukas na Bar dyan sa Eastwood. At sobrang ganda don. Yung kapatid ng Boyfriend ng kaibigan ko ang may ari. Niyaya nila akong Pumunta. Sama ka!" Ani Jeannette.

"Ayoko!"

"Pero Ally, minsan lang naman ito. Kasama naman si Dianne at si Grace."

Tiningnan ko si Jeannette. "Ayokong pumunta dyan kung hindi kasama si Frits. At kung pupunta ako mag-isa. Sa Bar lang nila Teo ako pwede. "

"Wag mong ipaalam kay Frits. Tutal galit ka sa kanya. Iparamdam mong galit ka. Para tanggalin na niya yung secretary niya." Ani ni Jeannette.

"Tama yon! At kapag nalaman yon ni Frits. Naku iikot ang pwet non kakahanap sayo. Sumama ka na." dugtong pa ni Grace,

Saglit akong nag isip. "Sige na nga sasama na ako sa inyo. Basta saglit lang tayo don ha!"

"Very Good!" tumayo si Jeannette at Grace. "See you later Allyson." Nagbeso-beso pa sila bago umalis.



MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 2 (Published Under Psicom)Where stories live. Discover now