chapter 114

256K 5.5K 217
                                    

"Mommy!!!" Ani jhoace habang tumatakbong papalapit s'ya sa'kin.Sinalubong ko naman ng yakap at halik ang anak ko.

"Goodmorning baby jhoace, "bati ko sa anak ko habang yakap-yakap ko s'ya,

"Mommy, bakit tanghali ka naman gumising? May family outing tayo ngayon."

Napatingin ako kay Frits. Nakaupo ito sa tabi ng anak kong si john Ace, nasa kusina kami at kasalukayan silang kumakain ng almusal. Ngumiti sa'kin si Frits at tumango. Para iconfirm na tama yung narinig ko sa anak ko.

Muli akong tumingin sa anak ko. At inayos ko ang buhok nyang natanggal sa pagkakaipit.

"Baby jhoace, napuyat kasi si mommy eh, tsaka diba nag outing na naman kayo nila daddy mo. Kuya mo at ni lolo at lola mo diba?"

Umiling si Jhoace. Habang nakasimangot na nakatingin sa'kin. "Mommy, ngayon lang po tayo mag aouting."

"Diba? Last week nag outing na kayo?"

"Hindi po kami nag outing. Nag mall kami nila lolo at daddy. Sabi kasi ni daddy. Tulog na tulog ka daw. Ayaw ka daw nya gisingin kasi pagod ka daw po. Kaya hindi kami natuloy kasi wala ka."

Muli akong napatingin kay Frits. Nakikinig kasi ito sa usapan naming mag ina. Tumawa lang si Frits sa'kin ng muli ko s'yang tiningnan. So hindi pala sila nag outing.. nag malling lang pala sila. Habang ako. umiiyak at nalulungkot no'n dahil akala ko hindi na ako nila tinuturing na pamilya. Mali pala ang iniisip ko. Aish! Maling-mali pala ang lahat ng iniisip ko. Kasalan ko din kung bakit ako umiiyak no'n,

"Hmm.. Yang daddy mo talaga!"

Hinila ako sa kamay ni jhoace. At pinipilit akong sumunod sa kanya patungo sa dinning table. na noo'y kumain si frits at john Ace. ng almusal.

"Kinulit kaba ng anak mo?"bungad sa'kin ni frits. Tumayo ito upang gawaran ako ng halik sa pisngi. Tapos pinaghila nya ako ng upuan na katabi nya lang. Habang ang anak naming si jhoace ay kinarga nya para makaupo.

"Oo. May outing daw tayo ngayon. Totoo ba yun husbie ko?"

Naghiwa muna ito ng pork chop sa plato bago tumingin sa'kin at ngumiti, "Yap, dapat nga kanina pa tayo nakaalis. Kaya lang late kana nagising eh, masyado ka yatang napagod kagabi."pilyong ngiti nya.

Nagblush ako. Alam na alam ko kasi ang ibig nyang sabihin. Umiwas tuloy ako ng tingin sa kanya. Kainis kasi si Frits eh, pinapa-alala pa.

"Hindi mo naman sa'kin sinabi kagabi eh, Eh, di sana nakapaghanda ako ng mga dadalhin natin."

"Wife ko.. wag mo ng isipin ang mga dadalhing gamit. Dahil matagal ng nakahanda ang mga gamit natin."sagot nya.

Tiningnan ko s'ya. Habang nakataas ang kilay ko. "Paanong matagal na?"usisa ko,

"Nang malaman kong babalik kana ng pilipinas. Agad kong plinano ang Family outing na'to. Kaya lang naudlot dahil. Nakaramdam ako ng galit sayo ng makita kita."sagot ni Frits,

Nakatingin lang ako sa kanya. Hindi ko na nagawang galawin ang kinakain ko. Bigla ko na naman kasing naramdaman ang guilty feelings ko. Kahit na nga alam kong napatawad na ako ni Frits, hindi ako kumibo. Napansin naman ni frits ang pananahimik ko. Kaya hinawakan nya ang kamay ko. Tinitigan nya ako at ngumiti s'ya sa'kin,

"Wife ko... okay na diba? Napatawad na kita. Kalimutan na natin ang nakaraan."

"Husbie.."

"Bilisan na natin ang pagkain. Kung gusto mong wag guilty. Simula ngayon. Bumawi ka na sa'kin. Gampanan mo ang tungkulin mo samin ng kambal nating anak."

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 2 (Published Under Psicom)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant