chapter 118

197K 4.5K 568
                                    

Terrence's P.O.V.

"BANG! BANG! BANG!
Hindi ko na mabilang ang pinakawalan kong putok ng baril. Sa isang bakanteng silid na nasa loob ng mansyon namin.

"DAMN IT!!!" Dumadagundong na Sigaw ko.

Nagwawala ako sa galit. Dahil sa tagpo kanina..

Lumapit ako sa maliit na lamesa at kinuha ko ang mga bote ng alak. "BULLSHIT!!" binato ko pa ang mga iyon sa dingding. Parang gusto kong pumatay sa sobrang galit ko sa lintik na si Frits,

Kanina ng magtagpo ang landas namin. Gustong-gusto ko syang patulan. At lumpuhin sa bugbog ko.. gusto kong ipamukha sa kanila na walang sinabi sakin ang Gagong si Frits. Ngunit naisip ko pa rin magpigil dahil alam kong dehado ako Oras na makipagbunuan ako sa kanya. Dahil naroon ang mga kaibigan nya at alam kong oras na madehado si frits. Alam kong
Kukuyugin ako ng mga yun.

Sinipa ko ng sobrang lakas ang lamesang nasa tapat ko. Nanginginig ako sa galit. na sa t'wing maalala ko gusto kong sugurin sya at patayin na lang..

Umupo ako sa gilid. At pinagsusuntok ko ang dinding. Hindi ko alintana ang mga dugong nag uunahang pumatak sa semento dahil sa sugat sa kamao ko. Wala akong pakialam.. dahil ang nararamdaman ko ngayon ay ang sakit... at galit.. na sa kabila ng ginawa ko. Hindi parin natitibag ang pagsasama ni Ally at frits. Akala ko sa paglipas ng apat na tao. Makakalimutan na nila ang isa't-isa ngunit nagkamali ako. dahil hanggang ngayon magkasama parin sila at ang nakakainis buo ang pamilya nila. At masaya. Habang ako bigo at sawi.. nawala ang lahat ng pinaghirapan ko. Na kahit anong gawin kong paninira noon kay frits. Hindi parin pala si Ally naniniwala. . Si frits parin ang gusto nya at ang mahal nya..

"OH, GOD! ANONG NANGYARI DITO??" bungad ni ate angelou.
Ilang beses nyang pinagmasdan ang buong paligid ng silid. Napailing sya. Wala syang makitang hindi sira-sira sa loob ng silid. Dahil ang lahat ng mga gamit sa loob ng silid ay napagdiskitahan ko. Sinira ko ang lahat ng bagay na makita ko.



"TERRENCE!!!"tumakbo palapit sakin si ate angelou ng makita nyang duguan ang kamay ko.
Hinawakan nya ang duguang kamao ko. Kitang-kita ko ang pag-aalala nya sakin. "Ano ba'ng nangyayari sayo Terrence?bakit kaba nagkakaganyan ha!" Usisa nya sakin.

"Nabigo ako Ate."tipid kong sagot. Umiwas ako ng tingin sa kanya dahil baka bumigay ako at umiyak ako sa harapan nya.

"Sandali lang. kukuha lang ako ng gamot."agad na umalis si ate at kumuha ng gamot.

"Bakit ko kailangan maramdaman ang sakit na'to?"bulong ko.

Minsan tinatanong ko si God. Bakit kailangan ako pa ang makaranas ng ganitong sakit?bakit kailangan kong mamalimos ng oras at pag mamahal sa taong may mahal ng iba? Hindi naman ako masamang tao. Para pahirapan nya. Bakit ako pa?"

"Narito na ako." Lumapit si ate sakin at hinawakan ang kamao ko. At inumpisahan nyang gamutin. "SINASAKTAN MO LANG ANG SARILI MO TERRENCE!" sabi ni ate.

"Ate...

Iniangat ni ate ang mukha nya. Pagtingin nya sakin nakita ko ang mata ni ate angelou may bakas na mga luha.

"Umiiyak ka ate?"

Tumango si ate at tuluyan ng umagos ang mga luha nya. hindi nya napigilan ang mga luhang pumapatak. "Naawa ako sayo bunso. Nagpapaka-Tanga ka sa taong hindi naman karapatdapat sa pagmamahal mo. Nakikita mo ba ang resulta ng ginawa mo?"

"Ate angelou..

Pagkatapos linisan at lagyan mg grasa ang kamao nya. Pinunasan naman nya ang mga luha sa mga mata nya gamit ang palad nya. Umiwas ako ng tingin. Ayokong makita si ate na nasasaktan dahil sakin. Pati sya nadadamay sa pinag gagawa ko. Pati sya nasasaktan.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 2 (Published Under Psicom)Where stories live. Discover now