chapter 150

155K 4.2K 252
                                    


Ally's POV

"Totoo ba ang lahat ng sinabi mo ha! Coby?"tanong ko kay Coby. Nasa bahay nila ako ngayon. Bigla nya kasi akong pinapunta sa bahay  nila.

Halos hindi ko na nagalaw  ng inihandang pagkain ni Dianne sakin dahil sa nalaman ko. "Bakit Hindi alam yan ni Mama Faith at Daddy Paul?"

"Ally, hindi alam ni Tito paul ang Totoo dahil Hindi na nya inalam ang totoo. Siguro dahil nasabik sila na may babae sa angkan namin."

"Sino ang totoong magulang ni Samara?"

"Anak sya ng dating karelasyon ng napangasawa ni Tito Philip."

"Teka lang! Naguguluhan ako Coby. Pakiulit nga?"sabi ko. para kasing hindi nagsisink in sakin ang sinabi ni Coby.

huminga ng malalim si Coby. "Si Samara ay Anak ng Asawa ni Tito philip sa ibang lalaki. Ibig sabihin si Samara ay hindi tunay na Santiago. Dahil sa sobrang pagmamahal ni Tito philip sa asawa nya. itinago nya ang totoo sinabi nya sa lolo at lola namin na anak nya si Samara. Upang hindi sila paghiwalayin dalawa ng asawa nya. Kaya ang akala ng lahat totoong  Pinsan namin si Samara pero hindi pala."paliwanag ni Coby.

"Pero saan mo naman nalaman iyon?"

"Kay Mommy.. sya kasi ang nakakaalam ng lahat si Mommy kasi ang panganay sa pamilya Santiago diba?kaya alam nya iyon."

"Bakit mo sakin sinasabi yan?"

Tinitigan ako ni Coby. "Sinasabi ko sayo ang lahat ng ito para mabantayan mo ang kinikilos ni Samara. Marahil alam na ni Samara ang totoo kaya sya bumalik ng pilipinas. Kung hindi ako nagkakamali may gusto sya kay Frits. At ginagamit nya ang pagpapanggap nyang pinsan para Mahulog ang loob ni Frits sa kanya."

Parang kusang nagsiakyatan ang mga dugo ko sa ulo. Dahil sa nabalitaan ko. Kaya pala sobrang landi. May balak pala sya. "Hindi ko hahayaang mangyari yon lalo na't alam ko na ang totoo."

"Allsyon, Kailangan mong bantayan si Frits. dahil tuso si Samara. Gagawin nya ang lahat makuha nya lang ang gusto nya."

"Oh! Uminom ka muna ang juice. Hindi mo na ininom ang kape mo. Juice na lang."sabat ni Dianne. Inilapag nito ang juice at cake sa ibabaw ng table na nasa harapan naming dalawa ni Coby.

"Thank you Dianne. Pero hindi ako  nagugutom."tumayo ako sa pagkakaupo ko. "Salamat sa inpormasyon coby. kailangan ko ng umalis."

"Sige, higpitan mo ang paglagay ng kadena sa katawan ni Frits ha!"biro ni Dianne.

"Tse! Ikaw dapat ang maghigpit ng kadena. Dahil mukhang pinikot mo si Coby."

"Ganda lang din ang ginamit ko dito? Diba Hon?"sabi pa ni Dianne. At ang loka hinalikan pa si Coby.

"Bye! Salamat sa inyo."sabay alis.

Gigil na gigil ako habang iniisip ko ang pinag gagawa ni Samara. kaya pala hindi maganda ang pakiramdam ko sa babaing iyon. Dahil may masamang plano. "Hindi ako makakapayag na makuha mo Samara ang gusto mo!!"bulong ko.

Halos kinse minutos lang ang tinakbo ng pagddrive ko. Agad kong hinanap si Frits ng makapasok ako sa loob Mansyon.

"Yaya! Si Frits po?"

"Ayy! Naroon sila sa pool. Naliligo silang lahat doon."

"Ah sige po yaya salamat!"

Agad akong nagtungo sa Pool. At nag ngingit-ngit ako sa galit ng makita ko si Frits na naliligo kasama si Samara. at ang kambal kong Anak na masayang-masaya. Pinakalma ko ang sarili ko. Bumalik ako sa silid namin ni Frits at doon ako ng palit ng Damit. Two piece bikini na kulay pula. Pagkatapos sinuot ko ang robe ko bago ako umalis ng silid namin.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 2 (Published Under Psicom)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora