chapter 172

181K 4.7K 828
                                    


Ally's POV

"HAPPY VALENTINES DAY ALLYSON!!!" Sabay sabay na sigaw nila sakin.

Pinagmasdan ko sila. Bagong ligo at iba narin ang suot nilang damit. Samantalang ako..Eww! Amoy Alak ako. Nakaupo ako sa kama sa loob ng silid ng Bar nila Teo.

"Maka-Happy Valentines naman kayo parang kasing Energetic ng pagbati nyo sakin tuwing New year. Ano ba yan? Pang Aasar! ha?

Umupo sa kama si Dianne. Pero ang nakakainis. dumistansya sakin ng konti. "Ang baho mo Ally! Maligo ka nga!"

Ang Lokaret. hindi man lang nag paligoy-ligoy sa sinabi. Sana man lang ginandahan nya ang pagkakasabi ng mabaho ako. Kaasar! Tumayo ako para maligo ngunit bago pa ako lumabas. Napansin ko ang loob ng silid.
"Kwarto namin to ah!"sabi ko.

"May umaangkin?"sagot ni Dianne.

Inirapan ko sya. "Ang ibig kong sabihin paano ako nakarating dito? Sino ang nagdala sakin dito?"tanong ko sa kanila.

"Jusko naman Girl! Sa dami ng nga Adonis na kasama natin kagabi  isa sa mga yon ang nag hatid sayo dito sa bahay nyo."

"Sino nga!"inis kong tanong.

"Si Poging Zyrus!" Sagot ni Jeannette.

"Ah! Okay. Maliligo lang ako ha! Sige na umalis na kayo may mga Date pa yata kayo ngayon. Salamat."

"Ayaw mo bang pagbigyan si Mr. Y.H? Sayang din yon pang Post din yon sa Facebook at instagram ang mga Pictures at gagawin nyo ngayong Valentines day."sagot ni Jeannette.

"Psh! Tinigilan ko na ang pagbubukas ng Social Network. Oh! Sya sige lumarga na kayo."

"Sige ikaw din. Bye Ally! See you later!"

"See you later pa kayo. Gusto talaga akong inggitin sa Mga Date nila at mukhang dadaan pa dito sa bahay namin pagkatapos ng Date nila. tsk! Tsk!" Kausap ko sa sarili ko.

Naligo ako at nagluto ako ng Spagetti at nag bake din ako ng Cake katulong ko sa pagluluto si Yaya Chedeng. dito na lang kami mag da-Date ng mga anak ko. sila Mama Faith kasi nag Date din yata. Kahit kasi matanda na sila tuwing Valentines day. Binibigyan parin ni Daddy Paul si Mama Faith ng Special Date at Roses. Manang mana talaga si Frits sa Daddy nya Sweet.

"Mommy, Wala ka bang Date ngayon?"tanong sakin ni John Ace. Habang nasa hapagkainan kami at kumakain. Huminto ako sa pagkain at Nakataas ang kilay kong nakatingin sa kanya.

"Saan mo natutunan yang Date! Date na yan John Ace?"

"Naririnig ko po kasi sa yaya ni Shawn na may Date daw sya ngayon. Dahil Araw ng mga puso ngayon. Ikaw Mommy sino Ang Ka Date mo?"

"Hay nakung bata ka! Kung ano-ano ang pinagsasabi mo. Wag mo ng problemahin ang ganyang bagay! Masyado ka pang bata para dyan. Kumain ka na lang dyan!"

"Opo Mommy!"tipid na sagot ni John Ace. tapos nagpatuloy na sya sa pagkain.

Habang kumain kaming Tatlo biglang tumunog ang Cellphone ko. Tawag yun galing Kay Mama Faith. Agad ko iyon sinagot.

"Hello po Mama!"

"Ally, pumunta kayo dito ng mga anak mo sa Monique Restaurant ngayon na!"

"Po? Eh, Mama Faith  Maraming tao po ngayon  Dyan ngayon. Kasi maraming nag cecelebrate ng Valentines day ngayon diba? Baka po mainip lang ang mga Bata."

"Wag kang mag Alala. Sarado ang Restaurant na iyon para sa ibang tao. Nakareserve na yon para saring Lahat."

"Ganon po ba? Sige po isasama ko na silang dalawa ngayon."

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 2 (Published Under Psicom)Where stories live. Discover now