Chapter 170

149K 4K 924
                                    

Teo's POV

"Tito Paul, bakit nyo po ako pinatawag?"tanong ko sa Daddy ni Frits. Alas onse ng umaga ng makarating ako sa Mansyon nila. Wala doon si Ally nasa trabaho.

"Kumain ka muna Teo."ani Tita Faith. Habang nilalapag nya ang pagkain sa lamesang nasa harapan namin.

"Gusto ko lang Malaman kung Anong balita sa paghahanap  nyo kay Frits."

Lingid kasi sa kaalaman ng iba at kay Allyson. Mula ng hindi makita ang bangkay ni Frits. Hindi na tumitigil ang mga tauhan ni Tito Paul. Umaasa kasi silang buhay pa si Frits. Ngunit ang sinasabi lang nila sa ibang tao ay Patay na dahil iyon ang sabi ng mg  pulis at investigador. ayaw din kasi nilang paasahin ang ibang tao kaya iyon ang sinasabi nila.

"Natagpuan ang Rosary ni Frits sa Isang isla. ang sabi ni Ally hindi daw yon tinatanggal ni Frits. Nakapulupot iyon sa Relo ni Frits. Hindi nila natagpuan ang Relo ni Frits pero yung Rosary na kay Allyson na."

"Na kay Allyson?"

"Opo. Binigay ko sa kanya para mas lalo syang ganahan magpatuloy na mabuhay."

Huminga ng malalim si Tito Paul. ramdam na ramdam ko ang bigat sa dibdib nya habang nakatingin sya sa kawalan. "Kailangan ba talaga naming umasa na buhay sya? Ilang buwan na ang nakakalipas ngunit wala paring magandang Resulta sa paghahanap sa kanya."

"Sabi nga ni Allyson. Hangga't wala syang Bangkay na nakikita. hindi sya maniniwala na patay si Frits. Kaya dapat ganun din po kayo. Wag po kayong sumuko."

"Sige, Hindi kami susuko ng Tita Faith mo. Sya lang ang nag iisang anak namin. At napakahirap tanggapin na bigla na lang syang mawawala."

"Tito Paul. Wag po kayong mag alala marami na pong grupo ang nag uunahang mahanap si Frits. Dahil sa pagkakaalam ko. Tumulong na din ang mga kaibigan nyang mag Hired ng Tao para hanapin sya. Tulad kasi ni Allyson hindi rin sila naniniwalang patay na si Frits. Kaya siguradong mapapadali ang paghahanap sa kanya."

"Ganon ba pakisabi sa kanila salamat."

"Makakarating po Tito." Tumayo ako. "Tito paul, Mauuna na po ako. Kailangan ko po kasing kausapin ang mga kaibigan nya ngayon."

"Sige salamat sa tulong mo Teo."

"Walang Anuman. Ginagawa ko po ito para kay Allyson. Aalis na po ako." Sabay talikod ko.

Pagkatapos agad akong sumakay mg kotse patungo sa lugar na pinag usapan namin ng mga kaibigan namin.










Frits's POV

Nakatingala ako habang pinagmamasdan ko ang maliit na barong-barong ng Matandang mag asawang tumulong sakin at kumupkop sakin ng Ako ay Nabaril. si Aling Dulse at ang Asawa nyang si  Mang Oscar ang Nag tiyagang alagaan ako. Ilang buwan na ang nakakalipas ng  mangyari ang Ang gulong yon sa pagitan ni Samara at saming mag Asawa. Nang mga panahong iyon akala ko katapusan ko na. Dahil sa dalawang putok ng Balang tumama sakin. Kasabay noon ay ang pagtangay sakin ng Alon. Maswerte parin ako at Nakita ako ni Mang oscar. Ayon sa kanya halos wala na daw akong buhay ng matagpuan nya ako. Matapos daw nila  kong dalhin sa ospital. Agad nila akong inuwi sa Bahay nila. Dahil natatakot daw silang may makaalam baka daw madamay sila. dahil hindi naman nila alam ang nangyari sakin. Kaya naman itinago nila ako ng  ilang buwan dito sa maliit na isla na may maliit na barong-barong. Simple lang ang pamumuhay nila, pangingisda at pagtatanim ng palay at mga gulay ang kinabubuhay ng mga tao dito. Sa layo nito sa Bayan wala pang dalawang daan ang nakatira dito. Hindi rin na aabot ng kuryente ang lugar na ito. kaya tanging mga gasera  ang nagsisilbing liwanag sa gabi. at debateryang Radio ang nag sisilbing libangan ng mga tao dito. At dahil malayo sa Bayan. Masyadong Tahimik ang lugar ito. kaya para sa mga sanay sa ingay sa manila magiging boring ang sinumang titira dito at tiyak na hindi tatagal na mamalagi.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 2 (Published Under Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon