chapter 168

139K 3.8K 1.3K
                                    


Ally's POV

"Mommy!!!"

"Mommy!!!"

Bigla akong napabalikwas habang kayakap ko si Frits at nakahiga kaming dalawa sa Bermuda grass. "Husbie.. may naririnig ka ba?"tanong ko kay Frits.

"Wala naman bakit?"sagot nya sakin. Nakapikit sya habang nakaunan sya sa kamay nya.

Muling akong nanahimik at pinakiramdam ang kapaligiran.

"Mommy!!"

Nilingon ko si Frits. At tinapik-tapik sya. "Husbie, gumising ka muna dyan!"

Bumangon naman agad si Frits at tumingin sya sakin. "Bakit Wife ko?"

"May naririnig kasi akong umiiyak."

Huminga ng malalim si Frits Bakas sa mukha nya ang mabigat na dinadala. pagkatapos muli syang tumingin sakin. "Baka ang mga Anak natin yon Wife ko."

"Mga Anak natin?" Nakakunot kong sabi. Bigla pumasok sa isip ko ang mga anak ko. Napaluha ako. bigla kasi akong nakaramdam ng pangungulila
sa kanila. Kung kanina mahinang boses ng pagtawag sakin. ngayon mas Malinaw at malakas ko ng naririg ang pagtawag sakin.

"Mommy! Mommy! Gumising kana! Please Mommy! Magiging good girl na po ako. Wag nyo lang po kaming iwan."umiiyak na sabi ni Jhoace habang yakap-yakap nya ang katawan ko.

"Husbie, tinatawag ako ni Jhoace at John Ace." May luha ang mga mata ko habang sinasabi ko iyon kay Frits.

"Bumalik kana doon Wife ko."nakangiting sabi ni Frits.

"Sabay na tayo!"

Umiling-iling sya sakin. "Dito na lang ako. Mas kailangan ka ng mga anak natin."

"Pero... P-paano ka malungkot ka dito. Sasamahan muna kita dito."

hinawakan ni Frits ang balikat ko at nakatitig sya sakin. "Dito muna ako Wife ko. Mas  kailangan ka mga Anak natin. Hihintayin na lang kita dito. Sa ngayon bumalik ka na muna sa kanila."

Walang patid ang pag agos ng luha ko. naguguluhan ako sa mga nangyayari. Basta ang alam ko lang. Ramdam na ramdam ko ang sakit. Nararamdaman ko ang pangungulila sa kanya.

"Husbie ko..."

Pinunasan nya ang mga luha ko gamit ang daliri nya. Habang nanatili syang nakatitig sakin.
"Napakaswerte ko talaga at ikaw ang binigay sakin ni God. Dahil sayo naging Masaya ang buhay ko. Nagkaroon ng dereksyon
Kaya Wife ko.. Mahal na Mahal kita. Kahit baliktarin pa ang mundo ikaw parin ang hahanapin ng puso ko para mahalin ng paulit-ulit."

Niyakap ko sya."Anong akala mo Frits Santiago. Ikaw lang ang naging maswerte. hello! Mahal din ako ni God. Dahil ibinigay nya sakin yung lalaking pinapangarap kong makasama habang buhay. Mahal na mahal kita ng sobra-sobra."

"Bumalik kana Allyson Ramirez Santiago. Ikamusta mo ako sa mga anak natin. magkita-kita din tayo."

Tumango-tango ako. "Sige. Hintayin mo ako ha!"sabi ko.

Ngumiti sya sakin. "May gusto pa lang Kumausap sayo Wife ko siguradong matutuwa ka."

"Sino?"

"Kami Anak!"

Habang dahan-dahan akong lumilingon. balon na ang mga mata ko dahil sa mga luha ko.
"Mommy! Daddy!" Tumakbo ako papalapit sa kanila at niyakap ko silang pareho.

"Kamusta kana Anak?"ani Mommy.

Si Mommy at Daddy ang kaharap ko. nakasuot na puting damit. Ang itsura ng mukha nila ay hindi nagbago."Okay naman po. Mommy Daddy. Sorry hindi po ako naging mabuting Anak sa inyo."

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 2 (Published Under Psicom)Where stories live. Discover now