chapter 107

206K 5.2K 1.1K
                                    

Four years later. .

Mula ng umalis si Allyson ng pilipinas hindi na s'ya nagkaroon ng pagkakataong makausap O makatext si Frits. Simula kasi ng huling text nito kay Ally. Hindi na naging active ang sim ni Frits, kung kaya't nakaramdam si ally ng guilty feelings. Mula noon sinikap nyang magpakatatag. Isinilang nya ang kambal nila ni frits. Si Jhoace at john Ace, isang babae at isang lalaki. Sobrang kaligayahan ang naramdaman nya ng isinilang nya ang mga anak nya. Isinunod nya ang apelyido nito sa daddy nilang si Frits. Kasal parin naman silang dalawa. Nagpadala din s'ya ng mga larawan sa lola at lolo nito sa pilipinas. Minsan dinadalaw nila ang mga apo nila dito sa amerika. Pero si Frits. Hindi nagawang pumunta sa amerika. Para silipin ang mga anak nila. Kung sabagay hindi rin naman nya masisi si Frits, dahil sinabi nya noon. na wag na wag na sa kanyang magpapakita, kaya siguro hindi ito nagpapakita sa kanya O kahit Para sa mga anak lang nila,

katulong ni Allyson ang tita sheena nya sa pag aalaga ng mga anak nya. pati ang bestfriend nyang bakla na si frecy. Ito kasi ang naging kaibigan nya mula ng tumuntong sya ng amerika.

"Bakla, Tulungan mo nga ako sa kambal ko ang bibigat eh,"sabi nya kay frecy habang binibigay nya si jhoace. Binibihisan kasi ni Ally ang kambal. Dahil may gala silang mag-iina. kasama si frecy at si terrence,

"Hay naku! Masisira ang beauty ko sa mga junakis mo! Ang kukulit eh, manang-mana sa'yo!" Sagot ni frecy

"Manang-mana yan sa Daddy nila."tipid ko'ng sagot. Habang binibihisan nya si john Ace,
Napansin ni Ally ang biglang pananahimik ni frecy. Tiningnan nya ito. Napansin nyang nakatitig sa kanya ito. Tumaas ang kilay nya.

"Anong problema mo bakla? Crush mo ako noh?" Biro ni ally sa kanya

"Gaga! Tinitingnan kita kasi ang panget ng lipstik mo. Hindi bagay sa damit mo. Tse! Assumera!" Irap pa ni frecy,

Napatawa si Ally, kahit kailan talaga. Lagi s'yang basag kay frecy. Ang sungit nito sa kanya. Lalo na kay terrence. Si terrence kasi nasa amerika na din nakatira. Naging classmate nya din ito sa amerika. At s'ya ngayon ang boss ni Ally, masungit si Frecy kay Terrence. Iniisip tuloy ni Ally na may gusto si frecy kay terrence. Nanliligaw si terrence kay ally. Ngunit hindi naman binibigyan ni Ally ng chance si terrece. Dahil may asawa s'ya sa pilipinas. At kapag bumalik sila sa pilipinas. Manghihingi s'ya ng tawad kay frits. Masyado kasi s'yang bata noon. Kaya ang mababaw na problema pinalaki nya. Kaya tuloy nagkahiwalay sila ni Frits, ngayon nya lang narealize na mali s'ya.

"Crush mo lang ako! Ayaw mo'ng aminin! " sabay tawa ni Ally.

"Gusto mo'ng batuhin kita ng hawak kong suklay? Nakakadiri ang pinagsasabi mo!!"react pa ni frecy,

Sumimangot si Ally, "tse, eh, di wag nag jojoke lang eh, ang sungit mo bakla ha! Akala mo nireregla ka!"

"Nireregla naman ako. Dahil babae ako!" Sagot pa ni frecy,

Tinitigan ni Ally si frecy. Sa tangkad ni frecy at sa laki ng katawan nya. dadagan mo pa ang bakat na abs nya. Hindi mo maiisip na baklang-bakla ito. Okay na sana. Kung wala itong makapal na make up. At mahabang buhok at mahabang pilikmata. At wag lang maglalakad at magsalita. Pwedeng-pwede nang maging hot papa. Napapaisip tuloy si Ally kung anong itsura nito kapag walang make up,

"Hoy Allyson! Bakit mo ako tinitigan? Wag mo akong gagahasin ah. Sasampalin kita ng five inches kong takong!" React ni frecy,

"Naisip ko lang Bakla! Ano kaya ang itsura mo kapag wala kang make up?"

Biglang natahimik si Frecy,

"Oh, bakit natahimik ka d'yan?"dugtong pa ni Ally,

Muling tumingin si frecy kay Ally, at sumimangot. "Ikaw Allyson, yang pinagsasabi mo hindi na matake ng tummy ko. Baka masuka ako. Buti sana kung sa mukha mo ako magsusuka. Much better! Kapag hindi ka tumigil d'yan baka sabunutan na kita d'yan" ani ni frecy,

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 2 (Published Under Psicom)Where stories live. Discover now