chapter 128

150K 3.5K 256
                                    

Terrence POV

Nagmamadali kong pinaharurut ang sasakyan ko. Patungo sa bahay nila Dianne. Napag-alaman ko kasing pupunta sila Ally sa bahay nila dianne. Upang dalawin  dahil nagsilang na ito ng isang batang lalaki. Hindi ako maaring maunahan ng mga tauhan ni Daddy. kailangan ako ang unang makakuha kay Allyson. dahil kapag naunahan ako ng mga tauhan ni Daddy. Papatayin nila si Allyson at yon ang hindi ko papayagang mangyari. .

Dahil mahigpit ang security sa subdivision na tinitirikan ng mansyon ng mga santiago hindi ka makakapasok sa subdivision ng walang gate pass mula sa bibisitahin mo sa loob ng subdivision. Kung kaya't  Hindi ko nagawang mag abang sa mismong tapat ng mansyon. naisipan ko na lang na i-monitor ang mga kilos ng mga kaibigan nya.  kaya naman ng mabalitaan ko ang pagdalaw ni Allyson kay Dianne hindi ako nag dalawang isip na puntahan sya.

Mula sa malayo. Natatanaw ko ang mga body guard ni Ally. marahil alam na nila ang pagtatangka sa buhay ni Ally. Hindi ako makalapit. Nakatanaw lang ako. Mahirap makalapit sa kanila pwera lang kung  susugurin mo sila at makikipag laban ka ng harapan. Pero may iba akong plano. Dinukot ko ang cellphone ko at tinawagan ko ang isa sa mga yaya ng kambal. pinangakuan ko kasi ito ng trabaho sa ibang bansa at malaking halaga. Basta ibigay lang ang isang kambal na anak ni allyson.

"Nasa labas na ako! Gawin  mo na ang plano. Nasa sayo na ang gusto mo!"sabi ko sa isang yaya ng kambal.

"Sir, hindi ko na po matatanggap ang gusto nyo! Patawad po. Nakokonsensya po ako."sagot ng nasa kabilang linya.

"Punyeta!!"sigaw ko. Pagkatapos agad kong ini-endcall. At gigil na gigil akong tumingin sa labas. "Kailangan kong maunahan si Daddy na makuha si Ally. Kailangan!"

At dahil bantay na bantay ang mga body guard nila Allyson
hindi ako nagkaroon ng pagkakataong makalapit sa kanila. kung kaya't bigo akong bumalik ng Mansyon.

"Kamusta na Little brother?"

"Ate angelou? Akala ko ba nasa Amerika kana?" Takang tanong ko sa kanya. ang buong akala ko kasi bumalik na sya ng Amerika lalo na't ilang araw na din s'yang wala sa mansyon. lumapit ako sa kanya at niyakap ko s'ya.

"Hindi ako tumuloy. nagbakasyon lang ako sa Palawan. at nagustuhan ko do'n. actually i bought An island there. maganda do'n peaceful."

"Masaya ako at nakapagrelax ka. masaya ako at hindi mo ako iniwan dito ate."

Nakangiti syang ginugulo ang buhok ko. "Hindi ko kayang iwanan ka dito little brother. wala kang magiging kakampi eh,"

"Ate..."

"So, kamusta ang paghabol-habol mo sa kinababaliwan mong babae?"

Naglakad ako patungo sa living room. at umupo ako do'n. huminga muna ako ng malamin bago ko muling tiningnan si Ate angelou. "Hindi na ako makalapit sa kanya ate. maraming body guard na nakabantay. marahil nalaman nilang nanganganib na ang buhay nila. kailangan kong maunahan si Daddy Ate. dahil baka patayin nya si Allyson ayokong mangyari 'yon."

Umupo sya sa tabi ko at inakbayan nya ako. "Kung hindi ka makalapit kay Allyson at sa mga bata? eh di, sa taong malapit at mahalaga kay Allyson." Sagot ni ate.

Saglit akong nag-isip. pagkuwa'y napangiti ako ng makaisip ako ng magandang plano. "Ate, thank you! ang talino mo talaga!" tumayo ako at agad na nagtungo sa silid ko pero bago pa ako makarating sa silid. tinawag ako ni Ate angelou.

"Terrence! ano ang naiisip mong plano?"

Nilingon ko sya at ngumiti ako.
"Dudukutin ko ang mahalagang tao sa kanya. kapalit nya."

"At sino naman?maari ko bang malaman?" Usisa nya.

"Ang Tita Sheena nya. yun ang natitirang kamag-anak ni Allyson. at siguradong hindi nya kayang tiisin."

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 2 (Published Under Psicom)Where stories live. Discover now