chapter 174

155K 4K 234
                                    


Ally's POV

"Are you Ready?"tanong sakin ni Frits.

Huminga ako ng malalim at tumingin sa kanya. "Yes!"tipid kong sagot.

Nakaupo kaming dalawa ni Frits sa uratex na upuan. Habang hawak-hawak nya ang kamay ko.
Ilang saglit pa. pumasok ang dalawang pulis na may hawak kay Samara. Sa ikalawang pagkakataon kasi Ay Dadalaw ako kay Samara. Simula kasi nang mangyari ang Muntikang pagkamatay ni Frits. Sukdulan na ang naging galit ko kay Samara kahit na nga ilang beses akong pinipilit ng Mommy at Daddy ni Frits na Kausapin ko si Samara hindi ako sumunod. Kung hindi dahil kay Frits. hindi ako pupunta dito. Siya kasi ang nakiusap sakin na dalawin si Samara. At patawarin na. Nakailang ulit na kasing nagpadala ng liham si Samara sakin. sulat nya sakin na humihingi ng tawad.

Payat na payat si Samara ang dating Badinosang Si Samara ngayon ay halos Tumanda na sa sobrang payat. Wala na rin ang dating kulay ng labi nya. Maputla na ito.  Umupo sya sa harapan ko at pilit na ngumiti.

"Salamat naman at Napaunlakan mo akong Makausap ka." Sabi nya sa Paos na boses.

"Pinilit ako ni Frits eh,"tipid kong sagot.

Tiningnan nya si Frits. "Cousin, Pwede bang Kaming dalawa lang muna ang mag usap?"ani Samara kay Frits.

Tumayo si Frits at Humalik muna sya sa pisngi ko bago umalis. "Hihintayin kita Wife ko sa labas." Binaling nya ang tingin nya kay Samara. "Cousin, pagaling ka!"

Napansin ko ang pagpatak ng luha ni Samara gusto ko syang tanungin kung bakit sya umiiyak. Ngunit nahihiya lang ako. Sa nakita kong itsura nya parang may sakit sya. "Teka! May sakit nga sya?"sabi ko sa isip. Nang maalala ko ang huling sinabi ni Frits kanina lang.

"Kamusta ka na  pala Allyson?" Ani Samara.

Tumingin ako sa kanya. "Okay naman ako. Ikaw? Mukhang hindi ka okay dito?"

Kitang-kita ko ang paglunok nya. Senyales na pinipigil nya ang emosyon nya. Pilit syang ngumiti sakin. "Okay naman ako dito. Medyo Mahirap lang dito sa loob. Walang aircon at komportableng higaan. At saganang pagkain."

"May sakit ka ba?"deretsong tanong ko.

Umiling sya sakin. Ngunit nababakas sa mga mata nya ang namumuong luha.

Hinawakan ko ang kamay nya at tinitigan. "Alam kong hindi naging maganda ang Pagkakakilala natin sa isa't-isa. Hindi tayo naging mag kaibigan. Pero maari kang umiyak sa balikat ko. Pwede mo akong pagsabihan ng nararamdamang bigat dyan sa Dibdib mo."

"Ally...."Kasabay noon ay ang pagbulusok ng mga luha nya. tumayo ako at lumapit sa kanya.pagkatapos niyakap ko sya.

"Ally... I'm sorry!! patawarin mo ako sa mga nagawa kong kasalanan sayo. Nagkamali ako at alam kong napakahirap para sayo ang patawarin ako."

Nakaramdam ako ng pagkahabag sa kanya. Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili kong hindi mapaiyak sa pagkahabag sa kanya.

"It's Okay! Pinapatawad na kita."

bahagya syang lumayo at iniangat nya ang mukha nya. "Salamat Allyson. Napakabait mo. Alam ko na ngayon kung bakit mahal ka ni Frits. Ngayon! Masaya akong mawawala sa mundo. Dahil kampante na ang kalooban ko."

"Bakit ka mawawala?"

"May  Breast Cancer ako stage 3 na. kaya ganito ang katawan ko dahil may sakit ako."

"Bakit hindi ka magpagamot? Makakalabas ka naman dito kapag magpapagamot ka ha!"

Umiling sya habang pilit na nakangiti. "Hindi na Ally. Gusto ko na ding mawala sa mundo. Gusto kong makasama si Zach."

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 2 (Published Under Psicom)Where stories live. Discover now