chapter 132

170K 4.3K 424
                                    


Ally's POV

Apat na Araw na akong nakakulong sa isang silid. Simula ng Araw na tinangka akong halikan ni terrence. Hindi na ito muling pumasok silid ko. Tanging ang  katulong nitong si betilda ang laging naghahatid ng pagkain. Napag-alaman kong matagal na itong caretaker. simula pa noong iba pa ang nag mamay-ari ng mansyon. Kabibili lang pala ng ISLAND na ito ng kapatid ni Terrence. Maswerte daw sya at hindi daw sya pinaalis.

Sa loob  ng silid may malaking Tv at Component do'n
Pwedeng-pwede akong manood kapag naiinip ako. marami ding biniling damit sakin si Terrence.
gano'n pa man nanatili pa din akong nakakulong. Hindi malaya.. labis-labis na ang pangungulila ko sa pamilya ko siguradong sobrang nag-aalala na sakin ang husbie ko.

Tok! Tok!Tok!

"Pasok po aling betilda." Si aling betilda lang kasi ang may ganong ugali. Pagkatapos nitong iunlock ang pintuan ng silid ko. Kumakatok muna ito bago pumasok.

"Ahh- ma'am Allyson, gusto daw po kayong makausap ni ma'am angelou."ani ng katulong.

Matalim ang mga mata ko habang papalapit sakin ang si angelou. Ilang beses ko na itong nakita. Pero hindi ko inaasahan na pati sya kasabwat sa plano ni terrence. "Anong kailangan mo?"

Nagkatitigan kaming dalawa ni Angelou. Sopistikada at mukhang maldita ito. Ibang-iba ang itsura nito kay Terrrence. Halos wala silang pagkakahawig dalawa. "Kamusta kana Allyson?"

"Alam mo ang sagot ko sa tanong mo."taas ang kilay kong sabi.

inikot nito ang paningin sa buong paligid ng silid ko. Tapos muli nyang binaling ang tingin sakin. "Alam mo ba ang dahilan kung bakit ka narito?"tanong nya sakin.

"Dinukot ako ni Terrence. Para ilayo sa asawa ko at sa mga anak ko. ginawa nya 'yon. Dahil alam nyang wala syang mapapala sa'kin."Diretsong sagot ko.

"Tss! Hanggang ngayon tanga parin si Terrence sayo. Hanggang ngayon baliw-baliw sya sayo. sabihin na nating isa yan sa mga dahilan nya. pero alam mo ba'ng may mabigat pang dahilan?"

"Kung ano man ang dahilan nya hindi ako interesado. Kapag nakalaya ako dito mabubulok sya sa bilangguan."

"Alam mo ba'ng pinaghahanap ka ng Daddy ko para patayin?"

"Hindi na ako magtataka. Dahil  pareho lang sila ni Terrence na kayang-kayang pumatay ng tao."

Matalim nya akong tinitigan. at mabilis nyang itunutok ang baril sa'kin."Pati ako! Kayang-kaya kitang patayin ngayon."

"Sinalubong ko ang nagbabaga nyang tingin sakin. "PATAYIN MO NA AKO!" walang takot kong sagot sa kanya.

"HINDI KA NATATAKOT?"

"Kung kayo lang din naman ang makakasama ko. Mas gugustuhin  kong mamatay na lang! Iputok mo na!"utos ko pa sa kanya.

Nanatili syang nakatingin sakin. Habang ang baril na hawak nya ay nakatutok sa'kin. Nanatili akong matapang. kung ano ang kagustuhan na Diyos ng mangyari sakin. Ay tatanggapin ko.

Ngumisi sya sakin. Habang bakas sa mukha nito ang matinding galit sakin. "OKAY SIGE!"

"ATE!!!"tinig iyon ni Terrence,
nakita ko ang malalaki nyang hakbang papalapit sa'kin. At mabilis na hinablot nya ang Baril na hawak ng Ate angelou nya.

"Anong Ginagawa mo Ate!!"galit na sigaw ni terrence.

Umiwas ng tingin sa'kin si Angelou at hinarap ang kapatid.
"Gusto ko ng matapos ang kahibangan mo! Siguro nga tama si Daddy dapat talagang mamatay na yang babaing yan! ng matapos na  ang kahibangan mo."Sigaw nya kay terrence.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 2 (Published Under Psicom)Where stories live. Discover now