chapter 144

184K 4.3K 226
                                    

Ally's POV

Abalang-abala kami ni Yaya Chedeng at ni Mama Faith para sa ihahanda namin mamaya sa New years eve. excited na ako dahil first time kong mag new years eve na kasama si Frits at ang mga anak namin. First time kong makasama silang lahat.

"Wife ko.."tawag sakin ni Frits.

"Bakit husbie ko?"sabi ko. Hindi ko sya nilingon dahil abala ako sa paghiwa ng karne.

"Wife ko.. saglit lang lumapit ka muna sakin may sasabihin lang ako sayo."

Aish! Nakakainis talaga si Frits alam ng may ginagawa ako eh, "Later husbie ko..tatapusin ko lang itong ginagawa ko."pasigaw ko.

"Ally! Sige na! Unahin mo muna ang asawa mo. Hindi ka nyan tatantanan. Baka mangulit pa yan dito."ani Mama Faith,

Wala akong nagawa kundi ang sundin si Mama. Pepektusan ko yang si Frits eh, nakakainis ang kulit. "Bakit husbie ko?"tanong ko sa kanya.

Nasa may Living Room si Frits at nanood ng Movie. Tumayo si Frits at Umikot sya at niyakap ako mula sa  likuran ko. Tapos inayos nya ang buhok ko at itinali nya. "Wife ko.. hindi mo na naayos ang sarili mo. Wag kang magpapakapagod marami naman tayong katulong na nag aasikaso doon."

Humarap ako sa kanya at ngumiti. "Anong gusto mo? Yung dating Ally na Utos ng utos at walang ginagawa. Bosy?"

Pinisil ni Frits ang ilong ko habang nakatingin sya sakin. "Hindi ko ba sayo nasabi noon na kahit bosy ka dati at maldita. Mahal na kita. Kaya kahit ano ka pa mamahalin kita."

"Tse! kaya pala hindi mo Tinikman ang Cake na binigay ko sayo dati at mga binibigay ko sayong pagkain."

"Naiinis kasi ako sayo. Ikaw pa ang nanliligaw sakin. Ayoko ng ako ang nililigawan nakakasawa na. Ayoko ng Mga binibigay mo hindi mo naman iyon pinaghihirapan."

"Ang arte mo talaga! Bakit mo ba ako tinatawag?magluluto ako don?"

"May surprise kasi ako sayo!"

"Ano naman iyon? Baka nakakaiyak yan! Ang pangit ng itsura ko ngayon."biro ko pa sa kanya.

hinila nya ako sa Palabas ng Bahay. nakatayo kami sa may pintuan habang si Frits ay walang ginagawa kung hindi ang magtext at tumawag. Nakaramdam ako ng inis sa kanya? Ano ba ang sinasabi nyang surprise? Nakatayo lang kami sa may pintuan. Kinalabit ko sya."Husbie ko.. Anong ginagawa natin dito? Kulang na lang Magyosi tayo at maglagay ng alak sa gitna. Certified tambay na tayo."inis kong sabi sa kanya.

Marahan nyang pinisil ang magkabilang pisngi ko. "Ang ganda-ganda talaga ng wife ko.. pa kiss nga!"tapos dinampian nya ako ng halik.

"Wag mo na akong bolahin. Matagal ko ng Alam na maganda ako. Ano ba ang dahilan at narito tayo?"

"Malalaman mo din mayamaya lang."

"Hay naku! Siguraduhin mo lang Husbie ko ha! dahil kung hindi? Hindi ako tatabi sayo sa pagtulog"

Pilyo syang ngumiti habang nakatitig sya sakin. "At kapag Maganda ang Surprise ko sayo gagawa pa tayo ng Dalawamput isang Anak natin."

Hinampas ko sya ng malakas sa inis ko. "Araouch! Sinasaktan mo na ako. Magsusumbong ako sa  pulis."biro nya sakin.

"Ikaw puro kamanyakan ang nasa isip mo! Hindi pa nga lumalabas si Baby bunso nagpaplano kana agad ng Anak! Gusto mo ba talaga akong mamatay sa panganganak ha! Frits. Abah! Inahing Baboy lang ang Peg ko. Bente kwatrong anak. Susme! Baka yung bahay bata ko nasa talampakan ko na! Letsugas ka talaga husbie ko!"

Patawa-tawa si Frits habang nagsasalita ako. ang kumag na iyon. giliw na giliw pa sa pang aasar sakin. "Wife ko... nagbibiro lang naman ako. Syempre naman hindi ko hahayaang mahirapan ka. Kahit kalahating dosena Ayus na iyon sakin. Bata pa tayo makakagawa pa tayo ng tatlo pang Anak."

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 2 (Published Under Psicom)Where stories live. Discover now