chapter 146

169K 4.1K 384
                                    

Frit's POV

Alas Onse pa lang  ng umaga umuwi na ako sa bahay. Sinabi kasi sakin ni Dad. na Wag mo na  akong pumasok sa kumpanya si Coby na daw ang bahala doon. Samahan ko na lang daw si Allyson sa bahay dahil malapit na kasi syang manganak."Wife koo!"tawag ko kay Ally. Hinanap ko sya sa silid namin ngunit wala sya. Kaya naman pumunta ako ng Kusina. Baka kasi nagluluto sya. Pero ang naroon lang ay si Yaya Chedeng.
"Yaya nasaan si Ally?"

"Nasa kwarto ng Kambal mong Anak."

"Salamat po yaya." Agad akong pumunta sa kwarto ng kambal kong  anak. pagbukas ko pa lang ng pintuan Nakita agad ako ni John Ace at ni Jhoace. tumakbo Silang Papalapit Sakit at niyakap ako at hinalikan. Gayon din ang ginawa ko sa kanila.

"Daddy, tinuturuan kami ni Mommy mag aral. Para daw po pagpumasok na kami sa school marunong na kami ni kuya."ani Jhoace.

"Daddy, si Jhoace ang hirap turuan. wag mo na syang pag aralin."pang-aasar ni John Ace sa kapatid.

"Daddy, inaasar ako ni kuya oh!"

"Wag na kayong mag away. sabay kayong mag-aaral dalawa. Sige na magpaturo na kayo kay mommy nyo. Panonoorin ko na lang kayo."


Tumakbo ang kambal patungo sa kay Ally. Ako naman lumapit kay Ally at hinalikan ko sya sa pisngi. tapos humiga ako sa kama. Habang pinapanood silang tatlo.

Natutuwa akong pagmasdan ang mag-iina ko. tinuturan ng Wife ko ang Kambal kong anak na magbasa at magsulat. Bagama't marunong na sila tinuruan parin sila ng Mommy nila.

"Husbie ko!"tawag ni Ally sakin.

Lumapit ako sa kanila. At umupo ako sa tabi nila. "Bakit wife ko?"

"Husbie ko, ikaw muna ang magturo sa kambal natin. pupunta lang ako ng Banyo."

"Sige wife ko." Inalalayan ko syang tumayo. Nahihirapan na kasi syang tumayo dahil malapit na syang manganak.

Dahan-dahang naglakad si Ally patungo sa Banyo. Ako naman ang nagturo sa kambal kong anak. Ilang saglit pa. Narinig ko ang hiyaw ni Ally mula sa banyo.

"Husbie koo!!!"

Mabilis akong napatakbo patungo sa Banyo upang sundan si Ally. "B-bakit anong nangyari?"nauutal ko pang sabi.

"Husbie... manganganak na yata ako." Ani Ally. Bakas sa mukha nya ang pamumutla.

"Ha? Teka! Anong gagawin ko!"tarantang sagot ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko..pakiramdam ko ako ang manganganak sa sobrang nerbyos.

"Dalhin mo ako sa Hospital!"

Binuhat ko si Ally at nagmamadali akong  naglakad palabas ng Mansyon. "Yaya!! Mom!!"sigaw ko habang papalabas kami ng mansyon.

Natatarantang lumapit sakin si Mommy. "Anong nangyari anak?" ani mom.

"Mom! Si Ally manganganak na po!"

"Manganganak na!" Mabilis itong lumabas at tinawag ni mom ang Driver namin.

"Husbie... ang sakit-sakit ng t'yan koo!"daing ni Ally.

Butil-butil ang pawis ko kahit malakas ang Aircon sa loob ng kotse. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. lalo na at nakikita ko si Ally na namimilipit sa sakit ng T'yan. "Kuya tonny!! Pakibilisan nyo po!!"utos ko sa driver namin.

Hawak-hawak ko ang kamay ni Ally habang nakahiga na sya sa loob ng kotse. "Wife ko kaya mo yan! Malapit na tayo!!"

Husbie ko.. pumutok na ang panubigan koo!"

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 2 (Published Under Psicom)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt