chapter 153

164K 4.2K 318
                                    

Frits's POV

Nakangiti ako habang pinagmamasdan ko mula sa malayo ang mag-iina ko na naghahabulan silang Tatlo. Naglalaro kasi sila. Apat na araw na kaming nakatira sa Bahay ng magulang ni Allyson. Sa loob ng Apat na araw na yon. Naging masaya akong kasama sila. Apat na araw na din akong hindi bumibisita sa Kumpanya namin nagrereport lang sakin araw-araw ang pinsan kong si Coby. Sa loob ng Apat na Araw na yon. Naramdaman ko ang kaligayahan ng Isang buong pamilya. At sobrang masayang-masaya ako.

"Ouch!"sabi ko sa mahina kong boses.

May tumama kasing Bola sa mukha ko. nang tingnan ko sila. Huminto sila sa paglalaro.

"Lagot ka John Ace. Tinamaan ang Daddy mo!"narinig kong sabi ni Ally sa anak namin.

Lumapit sakin si John Ace. "Daddy. Sorry po."

Iniabot ko sa kanya ang Bola."Mag ingat kayo sa paglalaro ha baka magkasakitan kayo."sabi ko pa.

Lumapit sakin si Ally. "Husbie, ikaw naman ang makipaglaro sa mga bata. Napapagod na ako."ani Ally.

"Sige Wife ko."Tatayo na sana ako mula sa kinauupuan ko ng lumapit ang Kambal kong Anak samin.

"Mommy! Daddy ayaw na naming makipaglaro. Napapagod na kami."ani John Ace.

"Oo nga Mommy! Ayaw na namin."sabat ni Jhoace.

"Ayaw nyo bang makipaglaro sa Daddy nyo? Makikipaglaro na nga sya sa inyo eh,"sagot ni Ally,

"Napapagod na kami Mommy." Binaling ng kambal ang tingin nila sakin. "Daddy! Some other time na lang po."ani John Ace.

Syempre naman Babies.. basta masaya kayo okay na ako doon."

Hinalikan kaming dalawa ni Ally sa pisngi ng dalawang bata. Bago sila umalis patungo sa loob ng Mansion.

"Lumalaki na talaga ang kambal nating Anak Wife ko."

"Sinabi mo pa Husbie ko. Hindi mo mapapansin. Mga dalaga at Binata ang mga yan. Tapos tayo matanda na."

"Wife ko, sweet pa kaya tayo pag matanda na tayo? Baka naman magalit ka na sakin kapag nahihirapan na akong intindihin ka kasi binge na ako."

Niyakap ako ni Ally ng mahigpit. "Husbie ko. Kahit ngayon parin naman Binge ka na." Sabay bungisngis nya sakin.

Pinitik ko ang ilong nya. "Makapagsalita sya parang hindi sya binge."

"Medyo lang ako pero ikaw malala na."

Tinitigan ko sya. "Kapag hindi ka tumigil sa pang aasar sakin. Hahalikan kita."

"Ang tagal naman!"sagot ni Ally.

Hinawakan ko ang Chin nya at hinalikan ko sya sa labi. Hindi naman ako nabigo ng tumugon sya sakin. Ito parin yung halik na hinahanap-hanap ko. Nasa t'wing naglalapat ang mga labi namin ni Ally. Bumibilis ang pingtig ng puso ko.

"A-ahh— E-excuse me po S-sir Frits at Senyorita Ally. "Nag aalangang sabi ng katulong.

"Bakit po Manang?"ani Ally,

"May bisita po kasi kayo sa labas si Ma'am, Angelou po at Sir, Terrence,"

"Ahh.. Okay po Manang sabihin nyo papunta na kami. Salamat po."

"Sige po senyorita."

"Wife ko bakit andito ang magkapatid na yon?"naiinis kong tanong kay Ally.

Tumayo si Ally at lumingon sakin. "Tara na Husbie ko.. puntahan natin sila."

Tumayo ako at sumunod kay Ally. hinawakan ko ang kamay nya habang patungo kami sa Loob ng Bahay. Pagpasok namin. Nakaramdam ako ng inis dahil nakita ko ang dalawa kong anak na tuwang-tuwa sa bisitang dumating lalo na kay Terrence. Hindi ko mapigilan ang maasar.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 2 (Published Under Psicom)Where stories live. Discover now